Chapter 21

1 1 0
                                    

Lexie's POV
Kadarating ko lang sa classroom.

Maaga pa kaya wala pang teacher ng dumating ako.

"Good morning,Lexie" nakangiting bati sakin ni Tim.

"Good morning.Mukhang good mood ka ngayon ah" pansin ko sa kaniya.

Parang aabot na kasi sa tenga ang mga ngiti niya.

"May good news kasi" Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa mga labi.

"Ano naman 'yon?" usisa ko.

"Nagkabalikan na kami ni Sammy" aniya.

"Uy,congrats sa inyo! Kaya pala mukhang masaya ka ngayon eh"

"Siyempre.Oo nga pala,pwede ka bang maimbitahan mamayang dinner?" tanong niya.

"Sorry,di ako pwede eh" Baka magalit na naman sakin si Cookies kaya hindi na ko pumayag.

"Sige na,kasama mo naman si Jungkook kaya pumayag ka na" pagpupumilit niya.

"Kakausapin ko pa siya tungkol diyan pero bakit mo nga pala kami iniimbitahan?" tanong ko.

"May mahalaga kasing sasabihin si Sammy lalo na sayo" Nagtaka naman ako sa sinabi ni Tim pero di na ko nagtanong pa.

"Ah ganun ba.Sige,pupunta kami" pagpayag ko dahil mukhang mahalaga talaga ang pag-uusapan namin mamaya.

"Aasahan ko yan ah" aniya.

Natapos ang klase.Pauwi na kami ngayon ni Cookies sa Dorm.

"Oo nga pala Cookies,may kailangan akong sabihin sayo"

"Ano yun?"

"Niyaya kase ako kanina ni Tim kung pwede daw ba tayong mag-dinner kasabay nila" sabi ko.

"Ayoko.Pwede namang mag-dinner tayo ng tayong dalawa lang" bigla siyang sumeryoso.

"Pano yan? Pumayag na ko eh"

"Ayan ka na naman,hindi mo muna ko tinatanong kung papayag ako.Nagdi-desisyon ka na naman ng mag-isa"

"Sorry na,wag na natin 'tong pagtalunan.Atsaka isa pa,andun din naman si Miss Sammy.May importante daw siyang sasabihin sakin kaya sige na,pumayag ka na.Please?" pagpupumilit ko.

Bumuntong-hininga muna siya bago muling nagsalita.

"Sige na nga basta wag ka lang masyadong lalapit dun kay Tim"

"Hanggang ngayon pinagseselosan mo pa rin siya? May girlfriend na yun ah"

"Kahit na.Ang akin ay akin,ayokong may dumidikit-dikit sa pag-aari ko" seryoso niya pa rin'g sabi kaya natawa na ko.

"Grabe,sobrang seryoso mo ngayon ah"

"Tss"

Kinagabihan ay pumunta kami sa restaurant na ni-reserved pa nila Tim.

Nandun na sila ng makarating kami.

"Good evening" bati samin nila Tim.

Bumati ako pabalik habang si Cookies naman ay tumango lang sa kanila.

"So,hindi na namin 'to patatagalin pa.Inimbitahan namin kayo dito para ipaalam sa inyo na aalis na kami pero bago yun,gusto muna naming humingi ng tawad sa inyo lalo na sayo,Kookie" umpisa ni Miss Sammy.

"Hindi niyo na kailangang humingi ng tawad dahil matagal ko na kayong pinatawad" sabi naman ni Cookies.

Alam ko ang tinutukoy nila.Ang nangyari noon ang pinaghihingi nila ng tawad.

"Thank you,Jungkook.Salamat dahil pinatawad mo na kami" nakangiting sabi ni Miss Sammy sa kaniya.

"Bro,pwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang?" tanong sa kaniya ni Tim.

Pumayag si Cookies kaya sabay na silang lumabas ni Tim.

Sana nga magkaayos na sila at mabalik yung dati nilang pagkakaibigan.

"Lexie,humihingi din ako ng tawad sayo dahil sinubukan kong sirain ang relasyon niyo noon" sinserong sabi sakin ni Miss Sammy.

"Wala na po yun.Pinapatawad na kita" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Thank you.Anyway,may importante pala kong sasabihin sayo.Bukas na bukas din kase ay aalis na kami papunta sa Korea kaya ibinibigay ko na sayo ang Coffeeshop,ikaw na ngayon ang mamamahala doon" aniya.

"Salamat po pero hindi ko po yun matatanggap dahil kayo po ang naghirap para maipatayo yun" tanggi ko.

"Wala akong kamag-anak dito or malapit na kaibigan kaya sige na,tanggapin mo na.Sayo ko lang talaga maibibigay at maipagkakatiwala ang Coffeeshop"sabi pa niya.

"Sige po,pumapayag na ko pero 'pag balik niyo dito sa Pinas pangako po ibabalik ko po sa inyo yung Coffeeshop niyo ng maayos at malinis"

"Hindi ko alam kung babalik pa kami,napag-usapan na kasi namin ni Tim na mag-stay na lang sa Korea.Kaya ibinibigay ko na sa iyo ang Coffeeshop,sayo na talaga yun"

"Talaga po? Maraming salamat po Miss Sammy,malaking tulong po iyon para samin ng Nanay ko" nakangiting sabi ko sa kaniya.

Matapos ng pag-uusap namin ay nagyakap muna kami ni Miss Sammy bago kami tuluyang umuwi ni Cookies.

Pagkauwing-pagkauwi namin ay sinabi ko sa kaniya ang magandang balita at natuwa naman siya.

"Oo nga pala,okay na ba kayo ni Tim?" tanong ko sa kaniya.

"Oo,naayos na namin ang dapat na maayos" aniya.

"So,friends na ulit kayo?" Tumango siya.

"Pero hindi ka pa rin pwedeng dumikit-dikit sa kaniya"

"Ikaw talaga,napakaseloso mo"

"Basta ayokong may lumalapit sayong ibang lalake,kahit kaibigan ko pa o kaibigan mo" sabi niya pa.

"Opo,Cookies"

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon