SPECIAL CHAPTER

5 1 1
                                    

Jungkook's POV
6:00 PM.Busy ang lahat sa paghahanda ng noche buena.

Nakakatuwang pagmasdan ang lahat na may mga ngiti sa labi.Lalo na ang mga batang nagtatawanan.

Ang sarap siguro sa pakiramdam na maging isang Ama.

Someday,magkakaanak din kami ng asawa ko.

Napangiti ako sa naisip ko.

"Hoy,anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Napalingon ako sa asawa ko.

"Wala po mahal.Upo ka" Uupo na sana siya sa tabi ko pero pinigilan ko siya.

"Hindi diyan"

"Saan ako uupo? Aber?" masungit na tanong niya.

Hay,napaka-cute talaga ng asawa ko lalo na pag nagsusungit siya.

"Here" tinap ko ang lap ko.

"Cookies? Seryoso ka ba?"

"Of course.Now,seat." utos ko sa kaniya.

"No way,may mga bata Cookies hindi ka ba nahihiya?"

"Why? Wala naman tayong gagawing masama mahal ko,relax ka lang"

"Ayaw" umiling-iling pa siya at akmang aalis na pero pinigilan ko.

"Ayaw mo ha?" Niyakap ko siya para hindi na siya makawala at iniupo sa lap ko.

"Cookies naman eh" nagpupumiglas pa siya pero kalaunan ay hinayaan na rin ako sa gusto ko,na alam kong gusto rin naman niya.

Hay,nagpapakipot na naman ang mahal ko.Gusto rin naman pala.

"Mahal,alam mo ba kung anong iniisip ko kanina?"

"Hmm,ano nga ba?" tanong niya.

Tumingin ako sa gawi ng mga batang masayang nagbubukas ng mga regalo kaya napatingin din siya.

"Ang sarap siguro magkaroon ng anak 'no,mahal"

"Oo.Ang cu-cute nila" may kislap sa mga mata ni Lexie habang nakatingin siya sa mga bata kaya hindi ko napigilang pisilin ang pisngi niya.

"Gawa na kaya tayo,mahal" aya ko sa kaniya.

"Tumigil ka Cookies ha,magpapasko pa naman na" Natawa ako sa sinabi niya.

"Ano naman kung magpapasko na mahal?"

"Hindi ako makakapag-celebrate ng maayos kase masakit"

"Yung?" kunwaring tanong ko kahit alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.

"Yung ano.Basta.Wag ka ng magkunwari,alam mo yun Cookies"

Kumunot-noo ako para mapaniwala siyang hindi ko talaga alam.

"Pero mahal,hindi ko talaga alam"

"Sus,alam mo yun.Wag kang ano diyan" Hindi ko napigilang matawa dahil sa kaniya.

"Sabi ko na nga ba,alam mo talaga.Hay nako,hindi na nga lang kita pa ii-scorein ngayong gabi"

"So,it means may balak ka pala kanina na pa-iscorein ako?" Tinaas-taas ko ang kilay ko.

"Hoy,wala akong sinabing ganiyan"

"Kaya pala kanina sabi mo 'Hindi na nga lang kita pa ii-scorein ngayong gabi' " pilit kong ginaya ang boses niya kaya natawa siya.

"Sus.Ang asawa ko,gusto niya talaga kong pa-iscorein" patuloy kong pang-aasar sa kaniya kaya namula siya.

"Tumigil ka na nga,Cookies"naiirita niyang sabi.

"Titigil ako kapag sinabi mong makaka-score ako sayo mamayang gabi" Tumayo siya at mataray na humarap sakin.

"Neknek mo!" Tumalikod siya pero tinawanan ko na lang siya.Sa sobrang pikon niya ay nag walk-out siya.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon