Jungkook's POV
Pinuntahan na namin ang lahat ng maaaring puntahan ni Lina pero wala siya sa mga lugar na 'yon.
Wala pa kaming kain ni Lexie ngunit hindi man lang ako nakakaramdam ng gutom.
Alas dose na ng gabi ngunit hindi pa rin namin nahahanap ang kapatid ko.
"Napapagod ka na ba? Pwede naman kitang iuwi na tapos ako na lang mag-isa ang humanap kay Lina" tanong ko kay Lexie.
"Wag kang mag-alala sakin,
sasamahan kita hanggang sa mahanap natin si Lina"
Napabuntong-hininga ako.Alam kong gutom at pagod na siya ngunit tinitiis niya para lang masamahan ako.
"Last na yung lugar na pupuntahan natin 'pag wala pa rin dun si Lina,bukas na lang natin ipagpatuloy ang paghahanap sa kaniya" ang sabi ko at saka nagpatuloy sa pagmamaneho.
Gaya nga ng sabi ko ay pinuntahan namin ang lugar kung saan maaaring nandoon si Lina ngunit bigo kami.
Wala siya ro'n.
Pabalik na sana kami kung saan ko pinark ang kotse ngunit nakarinig kami ng tili ng isang babae.
"Tulong!" sigaw pa nito.
"Si Lina!" tarantang sabi ko at saka nagmadaling pumunta sa kinaroroonan ng babaeng sumigaw.
Hindi ako maaaring magkamali,
alam na alam ko ang boses ng kapatid ko.
Naabutan namin na may lalaking nambabastos sa kapatid ko kaya agad akong lumapit at sinapak ito ng malakas dahilan para matumba ito.
"G*go ka ah!" galit na sigaw ko dito.
"Kuya" yumakap sakin si Lina.
Ramdam kong nanginginig siya,marahil ay sa takot na kaniyang nararamdaman.
Nang lumapit ang binatilyong lalaki ay tinago ko sa likod si Lina,ako ang humarap sa lalaki.
Inambahan ko pa ito ngunit bago pa dumapo ang kamao ko sa mukha niya ay kumaripas ito ng takbo.
Humarap ako kay Lina.Takot na takot pa rin siya.
"Are you okay?" Sa halip na sumagot ay muli akong niyakap nito.
"Thank you for saving me,Kuya"
"Poprotektahan kita dahil ikaw ang prinsesa ko at si Ate Lexie mo naman ang reyna ko" Napangiti naman si Lexie.
"Puro ka talaga kalokohan" nakangiting sabi ng mahal ko.
"Si Ate,kunyare di kinilig" pang-aasar pa ni Lina kay Lexie.
"Mabuti pa,umuwi na tayo.
Kanina ka pa hinahanap nila Dad" Inalalayan ko pa muna sila papasok sa sasakyan bago ako sumakay at nagsimulang magmaneho.
"Kuya,sorry sa inasta ko nung mga nakaraang araw" paghingi ng paumanhin ni Lina.
"It's okay,Lina.Wag mo na lang uulitin" ang sabi ko.
"Hindi ko na talaga uulitin.Sayo rin Ate Lexie,sorry.Nagselos lang talaga ko pero hindi na ngayon kase alam kong mahal pa rin naman ako nila Kuya at Daddy" paghingi niya rin ng pasensya kay Lexie.
"Ano ka ba,wala 'yon.At gaya nga ng sabi ng Kuya mo,wag mo na lang uulitin" nakangiting sabi naman ni Lexie kaya ginantihan din siya ng ngiti ng kapatid ko.
"Kailan niyo nga pala balak sabihin kila Dad yung tungkol sa inyo?" tanong ni Lina.
"Ang totoo ay hindi pa talaga namin alam kung kailan" napapabuntong-hiningang sabi ko.
"Mas maganda kung sasabihin niyo agad sa lalong madaling panahon,malapit pa naman na ang kasal ni Tita at ni Dad.Hindi naman ako tutol sa kasal nila pero pano kayo ni Ate Lexie?"
Nagtama ang paningin namin ni Lexie sa rearview mirror,siya ang unang nag-iwas ng tingin kaya ibinalik ko na lamang ang paningin ko sa daanan.
Hanggang sa makauwi kami ay hindi na nawala sa isip ko ang tanong ni Lina.
Tuloy ay hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip kung kailan pa namin sasabihin ang namamagitan samin ni Lexie.
Napagpasyahan kong bukas na bukas din ay kakausapin ko si Lexie.Dapat na naming sabihin sa kanila ang totoo.
Bago pa mahuli ang lahat.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
FanficIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.
