Chapter 28

2 1 0
                                    

Jungkook's POV
Nagbago na ngang talaga ang pakikitungo sakin ng kapatid ko,hindi na niya ko pinapansin.

Sinubukan ko namang kausapin siya ngunit umiiwas talaga siya sakin.

Pinatawag kaming lahat ni Dad dahil may pag-uusapan daw kaming lahat kasama sina Lexie at ang Mom nito.

Bigla akong kinabahan.

Hindi kaya,sinabi ni Lina ang tungkol samin ni Lexie?

Kung ganoon nga ay lalakasan ko ang loob ko at aaminin ko na mayroong namamagitan samin ni Lexie.

"I'm busy,Dad.Ano ba yung pag-uusapan natin at bakit kasama sila?" tinuro pa ni Lina sina Lexie.

"Lina,kailangang kasama sila dahil magiging parte na rin sila ng pamilya natin" sabi ni Dad.

Tumikhim muna ito bago nagpatuloy.

"From now on,dito na rin sila titira"

"What?! Why?!" gulat na tanong ni Lina.

Parang hindi siya sang-ayon sa sinasabi ni Dad.

"Dahil tatlong buwan na lang ay ikakasal na kami" paliwanag ni Daddy.

"Why,Dad?  Bakit kailangan pa na tumira sila dito kasama natin?" salubong ang kilay na tanong niya kay Dad.

"Just respect my decision" napapapikit na anas ni Dad,
nagsisimula na rin siyang mainis sa tinuran ni Lina.

Umiling-iling si Lina.

"Hindi ako papayag na makasama 'yang mga yan dito sa bahay"

"Lina,what happened to you? Maayos naman ang pakikitungo mo sa kanila nung una bakit nagkakaganiyan ka ngayon?" kunot-noong tanong ni Dad.

"Bakit hindi niyo tanungin 'yang si Kuya at si Lexie kung bakit ako nagkakaganito" Tumayo ito at saka umalis.

Tinatawag pa siya ni Daddy pero hindi na siya nito pinansin.

Napahilot sa sentido si Dad.

"Dan,ayos lang naman sa amin ni Lexie kung babalik na lang kami sa bahay" mapagkumbabang sabi ni Tita.

"No,wife.Dito na kayo titira mula ngayon.Son,kausapin mo ang kapatid mo" baling sakin ni Dad.

"Yes,Dad" sagot ko.

"Babalik na muna kami sa dati nilang tinitirhan,kukunin namin ang mga gamit do'n.Son,ikaw na bahala sa mga kapatid mo" habilin ni Dad bago sila umalis.

"Kausapin na kaya natin si Lina?" tanong sakin ni Lexie.

"Ako na lang,pahinga ka na muna sa room mo" Hinatid ko muna siya sa guest room bago ako nagtungo sa kwarto ni Lina.

Kumatok muna ko ng tatlong beses bago ako tuluyang pumasok.

Nakahiga siya habang nakatalukbong ng kumot.

Lumapit ako sa kaniya at umupo banda sa may paanan niya.

"Baby,wag ka ng magtampo kay Kuya"

"Leave me alone!" sigaw niya.

"Please,let's talk" pakiusap ko sa kaniya.

"Just leave me alone.No one loves me" naiiyak nitong sabi.

"No baby,don't say that.Daddy and Kuya loves you" pang-aalo ko.

"You don't love me! You lied to me!"

"I'm really sorry,hindi ko na uulitin but please wag mo ng idamay si Lexie at si Tita sa galit mo sakin"

Inalis niya ang nakatalukbong na kumot sa kaniya kaya nakikita ko ng umiiyak na siya ngayon.

"Puro ka na lang Lexie,Kuya!  Nakalimutan mo na ko simula nung dumating siya"

"Don't be jealous at her,hindi naman kita nakalimutan"

"No! Pareho kayo ni Daddy,kinalimutan niyo 'ko.Kung ayaw niyong paalisin sila dito pwes,ako ang aalis!" Agad ko siyang pinigilan.

Nagpumiglas siya ngunit hindi ko pa rin siya hinayaang makaalis kaya wala siyang nagawa.Bumalik siya sa kinahihigaan niya at muling nagtalukbong ng kumot.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Siguro next time ko na lang ulit siya kakausapin.

Kinabukasan ay hindi na lumalabas si Lina sa kwarto niya kaya sinubukan ko itong pasukin ngunit naka-lock.

Nag-aalala na ko kaya tinawag ko na si Dad dahil nasa kaniya ang susi ng mga kwarto.

Pagkabukas niya ng pinto ay agad namin siyang hinanap ni Dad ngunit wala ito kahit sa banyo.

Hinalughog na namin ang buong bahay ngunit wala siya kaya pare-pareho na kaming kinakabahan.

"Tinuloy na yata niya ang plano niyang maglayas" wala sa sariling naisambit ko.

"What?! May ideya ka na palang maglalayas ang kapatid mo pero hindi mo sinabi sakin" nagpipigil ng galit na ani Dad.

"Huminahon ka Dan,hindi ito ang oras para magsisihan.
Hanapin na lang natin si Lina sa bahay ng mga kaibigan niya" suhestiyon ni Tita na sinang-ayunan ni Dad.

Agad silang umalis para hanapin si Lina.

"This is all my fault!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na masuntok ang pader.

"Cookies!" natatarantang tawag ni Lexie.

Nakita niyang dumudugo ang isa kong kamay kaya agad siyang kumuha ng first aid kit at ginamot ang sugat ko.

"Wala kang kasalanan,okay? Mahahanap din nila si Lina,trust me" sabi niya matapos akong gamutin.

"Hindi eh.Kasalanan ko kung bakit nawawala ngayon ang kapatid ko,sana sinabi ko na lang sa kaniya ang totoo"

"Everything's gonna be okay,magtiwala lang tayo" Kumalma naman ako sa mga sinabi sa akin ni Lexie.

Nang may bumusina sa labas ay patakbo akong lumabas.

"Nasaan si Lina? Kasama niyo ba siya?" magkasunod na tanong ko kina Dad at Tita.

Napansin kong nanlulumo sila kaya hindi pa man nababanggit ni Dad ay mukhang alam ko na.

"Wala siya.Hindi namin siya nahanap"

"Kung hindi niyo siya nahanap,ako ang hahanap sa kaniya" wala na silang nagawa ng pumunta ako sa garahe.

"Cookies! Sasama ako" rinig kong sabi ni Lexie kaya pinasakay ko muna siya bago ko pinaandar ang sasakyan.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon