Lexie's POV
Tatlong araw na kaming hindi nagkikita ni Cookies.
Busy kase ako sa thesis ko na hindi pa rin natatapos hanggang ngayon.
Maski sa school ay hindi kami nagkikita dahil magkalayo ang building ng classroom namin at hindi rin sabay ang schedule namin.
Miss na miss ko na siya pero kailangan kong unahin ang pag-aaral ko kaya sinabi ko muna sa kaniya na wag muna kaming magkita.
Tumunog ang phone ko,tumatawag si Cookies kaya agad ko itong sinagot.
"Good morning,mahal" bati niya sa malambing na boses.
"Good morning din,Cookies"
"Miss na miss na kita pero ayaw ko namang maabala ka kaya hindi muna ko makikipagkita sayo" aniya.
"Miss na miss na rin kita Cookies pero sa ngayon,makuntento na lang muna tayo sa voice call ha" sabi ko naman.
Narinig ko ang buntong-hininga niya.
"Gustong-gusto na kitang makita at makasama"
"Ako rin naman pero kailangan kong unahin ang pag-aaral ko"
"Naiintindihan ko,wag kang mag-alala" sinserong sabi niya.
"Salamat.Babawi ako sayo,pangako yan"
"Talaga? Babawi ka?"nasisiyahang aniya.
"Oo,pangako.Sige na,ibababa ko na 'to" paalam ko.
"Mahal na mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal din kita,Cookies"
"Mag-iingat ka palagi diyan ha" paalala niya pa.
"Hmm,ikaw rin.Tatawag ako ulit mamaya.Bye" pinutol ko na ang linya.
Jungkook's POV
Hinintay ko ang muling pagtawag ng mahal ko ngunit hindi na siya tumawag.
Kinabukasan ay hindi na ako nakatiis,ako na mismo ang tumawag sa kaniya ngunit hindi niya ito sinasagot.
Nalungkot ako ngunit pinalis ko ang nararamdaman kong iyon dahil alam kong babawi siya.
Umabot pa ng ilang araw na hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya sobrang nag-aalala na ako sa kaniya.
Nakakapraning...
Kahit ang nanay niya ay hindi na rin nagpupunta dito dahil si Daddy na ang pumupunta sa bahay nito.
Ayaw naman akong isama ni Daddy sa pagpunta sa kanila,kailangan ko daw munang mag-focus sa pag-aaral ko ngunit hindi naman ako makapag-focus
dahil parati kong naiisip si Lexie.
Hay,pakiramdam ko hindi umaayon sa amin ni Lexie ang tadhana.
Tumunog ang doorbell.
Tinatamad man ay tumayo pa rin ako para pagbuksan si Daddy.
Madilim na ngunit nasisiguro kong may mga kasama siya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at mas bumilis pa iyon ng makalapit ako sa gate.
Gustong-gusto ko siyang makita at ngayon ay nasa harap ko na siya.
Ang mahal ko.
Muntik ko na siyang mayakap ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil nandito sila Daddy.
Bago ko pa makalimutan ay binati ko na sila at bumati din naman sila sakin pabalik.
Nandito pala sila ngayon dahil may dinner kaming magkakasama.
Mula pagpasok nila ay hindi na naalis ang paningin ko kay Lexie.
Matagal ko siyang hindi nakita kaya sinusulit ko na ito ngayon.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
Fiksi PenggemarIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.
