Jungkook's POV
Umagang-umaga nandito si Tim sa dorm,parang silang dalawa nga lang ang nandito dahil hindi man lang nila ko pinapansin.
Para akong hangin.Tsk.
Nang makaalis si Tim ay hindi na ko nagsayang ng oras.
Lumapit na ko kay Lexie para kausapin siya.
"Lexie,pwede ba tayong mag-usap?"
"Busy ako.Marami akong kailangang gawin ngayon" aniya na hindi man lang ako nilingon.
"Please? Saglit lang naman"
"Wag ngayon,Jungkook"
Ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko at hindi ko alam kung bakit nagdulot iyon ng kirot sa puso ko.
Siguro hindi lang talaga ko sanay.
"Ngayon na tayo mag-usap" pagpupumilit ko.
"Hindi ka ba makaintindi? Busy nga ako" Tatalikuran na niya sana ako pero hinablot ko ang kamay niya.
"Gusto ko lang malinawan"
Narinig kong bumuntong hininga siya bago humarap sakin.
"Ano bang pag-uusapan natin?" parang naiinis pa niyang tanong.
"Tungkol sa nararamdaman mo sakin.Gusto mo rin ba 'ko?"
Umiwas siya ng tingin sakin.
"Tsaka na lang natin pag-usapan 'yan" muli siyang tumalikod pero pinigilan ko ulit siya.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ko" iritadong sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan.
"Sagutin mo muna yung tanong ko"
"Hindi kita gusto.Okay na?" dire-diretsong sabi niya.
Napabitaw ako sa kaniya.
Parang may bumara sa lalamunan ko kaya lumunok muna ko bago muling nagsalita.
"Okay,hindi mo pala ko gusto"
Umalis na siya ng wala man lang sinasabi sakin.
Napatulala na lang ako sa kawalan hanggang sa may kumatok sa pinto.
"Sammy?" pagkabukas ko sa pinto ay siya ang bumungad sakin.
"What are you doing here?" nagtatakang tanong ko sa kaniya pero niyakap niya lang ako.
"I miss you.Hindi mo man lang ba ko papapasukin?"
Niluwagan ko ang pintuan at niyaya siyang pumasok.
"Pano mo nalaman na dito ako nakatira?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi mo na kailangang malaman yun.Anyway,nandito si Timothy kanina?"
"Oo"
"Pinuntahan ka niya?" Umiling ako.
"Hindi.Hindi ako ang pinuntahan niya"
"Kung hindi ikaw,sino?"
"Nililigawan niya kase yung roommate ko"
"Okay" tumahimik na siya.
"Ano bang ipinunta mo dito?" tanong ko.
"Ikaw,siyempre.Na-miss kita eh"
"Nakita mo naman ako kahapon"
"Kahit na"
Pareho kaming napatingin sa pintuang bumukas.
"Lexie?!" gulat na bulalas ni Sammy.
"Ms.Sammy?!"
Nanlalaki ang matang tumingin sakin si Sammy.
"Girlfriend mo?" nakaturo pa ito sa direksiyon ni Lexie.
"Hindi.Siya yung roommate ko"
Muling napatingin si Sammy kay Lexie.
"So,ikaw ang nililigawan ni Timothy?" Hindi nakasagot si Lexie sa tanong ni Sammy dahil ako naman ang nagtanong.
"Teka nga,magkakilala kayo?"
"Oo" halos sabay nilang sagot.
"Pano naman kayo nagkakilala?" tanong ko ulit.
"Well,ako kase ang owner ng Coffeeshop kung saan siya nagw-work" sagot ni Sammy.
"G-ganun na nga" sabi naman ni Lexie.
"Lexie,mag-usap muna tayo"
"S-sige" Naupo si Lexie.
"Nililigawan ka ba ni Tim?"
"O-oo" parang kinakabahang sagot ni Lexie.
"Kailan pa?! I mean,pano kayo nagkakilala? Sinagot mo na ba siya?" magkakasunod na tanong ni Sammy.
"Easy ka lang Sam,isa-isa lang ang tanong" singit ko sa usapan nila.
"Tse! Wag kang makisali dito" masungit na sabi sakin ni Sammy kaya umasta akong ni-zipper ang bibig ko.
Okay,mukhang magiging hangin na naman ako dito.
Matapos ng napakaraming tanong ni Sammy ay umuwi na siya.
Hindi na siya nagpahatid sakin dahil ayaw niya naman.
Nalaman kong hindi pa pala sinasagot ni Lexie si Tim kaya parang nabuhayan ako ng loob.
May pag-asa pa rin ako kay Lexie.
Kung hindi niya ko gusto ngayon pwes gagawa ako ng paraan para gustuhin niya rin ako.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
FanfictionIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.
