Chapter 3

10 1 0
                                        

"Bakit mo ko tinititigan ng ganiyan? Pinagnanasaan mo ko 'no?"

"Assuming" sabi ko na lang sa kaniya.

Pumunta ako sa restaurant na malapit lang sa dorm para kumain ng tanghalian at heto siya,ang roommate ko na sinundan pala ako.

Sabi niya gusto niya daw sumabay kumain sakin kaya hinayaan ko na lang.

Nitong mga nakaraang araw ay tsaka ko lang napansin na parang pamilyar ang mukha niya sakin kaya paminsan-minsan ko siyang sinusulyapan.

Minsanan na nga lang nahuhuli niya pa akong nakatingin sa kaniya kaya ayan tuloy nagiging assuming na.

"Hindi ako assuming.Napapansin ko lang kasi na palagi mo kong tinititigan.Crush mo ko 'no?"

Napaka-assuming talaga ng lalaking ito.

"No.Never." nahahawa na ko sa pag-i-english niya,hay.

"Pamilyar kasi yung mukha mo sakin.Nagkita na ba tayo noon?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa" sagot niya kaya tumango-tango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Hindi naman pala pero bakit pamilyar siya sakin kahit yung boses niya parang narinig ko na noon.

Iniling ko na lang ang ulo ko.

Ayoko ng isipin yun baka mamaya matitigan ko na naman siya.

*****

Palabas na sana ako dahil naisipan kong mag-grocery ngayon dahil wala ng laman yung ref.

Taray,may pa-ref pa yung ninang ni---ano nga bang pangalan nitong roommate ko.

Cookies yata.

Speaking of Cookies,siya ang tumawag sakin dahilan para hindi ko natuloy ang pagbukas ng doorknob.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Grocery" tipid na sagot ko.

"Sama ako" aniya.

"Hindi na,ako na lang"

"Sige na,please"

"Ikaw talaga,hilig mong sundan ako lagi" sabi ko sa kaniya.

"No,I'm not.I just want to help you.Baka hindi mo mabuhat yung mga grocery bags ang liit mo pa naman" pang-aasar niya at humalakhak pa.

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag.

"Edi ikaw na ang matangkad!"

Nakakainis! Bakit kasi kinapos pa ko sa height eh.

Nanggigigil kong binuksan ang doorknob at nagpatiuna ng naglakad.

"Sandali,hintay naman!" sigaw niya pero mas binilisan ko pa ang paglalakad pero kahit gaano ko pa bilisan ang paglalakad ay naabutan niya pa rin ako.

"Anong mga bibilhin natin?" tanong niya pero nagpanggap akong hindi ko siya naririnig.

"Hey,are you mad?" hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Sorry,Ms.Pikon" Okay na sana eh nang-asar pa kaya tinarayan ko na lang siya pero tumawa lang ang gago.

Hanggang sa makapasok kami sa Grocery store ay hindi ko pa rin siya pinapansin pero buntot siya ng buntot sakin at patuloy akong kinakausap kaya sa huli ay pinansin ko na rin siya.

Ang kulit kulit talaga ng lalaking 'to.

"Cookies" tawag ko sa kaniya.

"It's Kookie,not Cookies.How many times do I have to tell you that my name is Kookie.K-O-O-K-I-E.Kookie!" ini-spell niya pa talaga.

Natatawa na lang ako sa kaniya kasi para siyang batang nagpapapadyak sa inis.

Ngayon,ikaw naman ang iinisin ko.BWAHAHA Lintik lang ang walang ganti.

"Cookies,cookies,cookies & cream" kanta ko pa.

Sinamaan niya ko ng tingin kaya natawa pa ako lalo.

Hindi naman kasi nakakatakot yung mga tingin niya dahil nagmumukha lang siyang bata na inagawan ng candy.

"Stop calling me Cookies!" bulyaw niya sakin.

"Oo na.Diyan ka lang,may nakalimutan pa kong kunin eh"

Tumango siya kaya umalis na ko para bumili ng napkin.

Malapit na kasing magtapos ang buwan ng Hulyo.

Alam niyo na girls.New month,new red days na naman kaya mabuti ng handa.

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari 2 weeks ago.Dito mismo ako nag-grocery nun.

Nasapo ko ang noo ko.Naaalala ko na,si Cookies yung tumulong sakin nung araw na yun.

Napakamakakalimutin ko talaga.

Hay,pano na ko haharap sa kaniya ngayon?

Hanggang ngayon kasi nahihiya pa rin ako sa nangyari.

Sinungitan ko pa siya,nako naman talaga.

"Lex"

"Ay palaka! Bakit nandito ka?!" inis na tanong ko sa kaniya habang sapo ang magkabilang pisngi kong namumula.

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng hiya ko ay nagagawa ko pa rin siyang sungitan.

Ewan ko ba,sa tuwing nakikita ko siya lagi na lang akong nakakaramdam ng inis.

"Ang tagal mo kaya pinuntahan na kita dito" aniya.

Anong gagawin ko.Nasa harapan ko na siya ngayon.

"Pwede bang mauna ka na? May pupuntahan pa kasi ako.Bye!"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at basta na lang akong umalis.

*****

Alas sais na ng gabi kaya napagdesisyunan kong umuwi na,isa pa ay sumasakit na ang paa ko sa kakalakad.

Dahan-dahan akong pumasok sa dorm.

Naka-off ang ilaw,siguro tulog na si Cookies.

Sa kasamaang palad,natalisod pa ko.

Bakit kase ang dilim dito eh.

Feeling ko napilayan yung isa kong paa pero nakakatayo pa rin naman ako.

Kumakalam na ang sikmura ko kaya dumiretso na ko sa Kusina at doon ay nakita kong nagluluto si Cookies.

Akala ko pa naman tulog na siya.

Hindi niya ko napansin na pumasok kaya lalabas na lang ulit ako,hindi ko pa siya kayang harapin ngayon dahil nahihiya pa rin ako.

"Lex,nandito ka na pala.Tara kain tayo" yaya niya sakin kaya wala na kong nagawa kundi ang umupo na lang sa upuan.

Nagugutom na ko kaya hindi na ko mag-iinarte.

Nakayuko ako habang kumakain dahil alam kong namumula na naman ang mukha ko.

"Saan ka pala nagpunta?" tanong niya.

"D-diyan lang" nauutal kong sagot.

Binilisan ko na ang pagkain at pagtapos ay tumayo na ko.

Ang sakit pa rin ng mga paa ko kaya hindi ako makatakbo.

"Okay ka lang?" tanong niya.

Napansin niya siguro na iika-ika akong maglakad.

Tumango na lang ako sa kaniya at pumunta na ko sa kwarto para humiga.

Kailangan ko lang ipahinga itong paa ko,paniguradong gagaling na 'to bukas.

Maghahanap ako ng part-time job bukas dahil kailangan kong padalhan ng pera sila Inay at isa pa,mukhang kukulangin ang pambayad ko dito sa dorm buwan-buwan kaya mainam nang may trabaho.

Hay,makatulog na nga.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon