Jungkook's POV
Hanggang ngayon ay badtrip pa rin ako sa nangyari kahapon.
Ang lakas ng loob niyang ihatid dito si Lexie.Tsk.
Pero kung hindi niya ginawa yun,baka napahamak na si Lexie madilim pa naman na nun.
Kahit na.Dapat nag-text na lang siya sakin para ako mismo ang sumundo sa kaniya.
Hay,bakit ba ko nagkakaganito?
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung badtrip ba ko dahil lang sa hinatid si Lexie dito ng lalaking yun o badtrip lang ako dahil nakita ko na naman ang mukha ng gagong yun.
Naghahain na ko sa hapag-kainan ng makita ko si Lexie na mukhang aalis na naman.
"May date ka na naman?" sarkastikong tanong ko.
"Wala.Papasok ako ngayon sa trabaho"
"Siguraduhin mo lang ah" pabulong kong sabi.
"Ano?"
"Wala.Hindi ka ba muna kakain?" tanong ko dahil nakita kong nagsisintas na siya ng sapatos.
"Anong oras na ba?"
"6:30"
"Sige,may 30 minutes pa naman.Kakain muna ko" aniya saka umupo.
"Saan ka ba nagtatrabaho?" tanong ko sa kaniya.
"Sa Cafe" sagot niya at muling sumubo ng pagkain.
"Ahh...Malayo ba dito?"
"Hindi naman.Isang sakay lang ng jeep nandun ka na.Bakit? Kailangan mo ba ng trabaho?"
"Wala naman,natanong ko lang"
Matapos niyang kumain ay nagpaalam na siya sakin.
"Ingat ka.Tawagan mo ko kung may kailangan ka" sabi ko.
"Mm,sige" ngumiti pa siya sakin bago siya umalis.
Napakaganda talaga ng ngiti niya kaya wala sa sariling napangiti din ako.
NANDITO ako ngayon sa National Bookstore.Hinahanap ko ang libro na pinapabili ng prof ko.
Sa paghahanap ko ay may nakita akong dalawang pares ng mata.
Nagtama ang paningin namin.
Alam ko ang mga matang ganiyan at nasisiguro kong kilala ko kung kanino ang may-ari ng mga mata na tinititigan ko ngayon.
Sammy...
Nabitawan ko ang librong hawak-hawak ko at nagmadaling sundan siya dahil bigla siyang tumakbo paalis.
Dun siya dumaan sa maraming tao kaya nahirapan akong hanapin siya.
Humugot ako ng malalim na hininga.
Hindi ko na siya naabutan.
Bumalik na lang ako sa Bookstore at binili ang librong kailangan ko.
Siya nga kaya talaga yun?
Lexie's POV
Nakakapagod.Kakauwi ko lang galing sa trabaho.
Ang daming costumer kanina sa Cafe kaya napagod ako kaka-serve.
"Hindi ka kakain?" tanong sakin ni Cookies.
"Mm,busog pa ko eh" sabi ko dahil wala naman akong nararamdamang gutom.
Pagod lang kaya kailangan ko ng magpahinga.
"Sige pero titirhan kita kung sakaling magutom ka mamaya" aniya.
"Salamat.Magpapahinga na ko ha,good night"
"Good night"
Ngumiti pa ko sa kaniya bago ako pumasok sa kwarto.
Kakahiga ko palang ay nakatulog na agad ako.
NAGISING ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas.
Tumingin ako sa orasan.1:00 am na pala.
Hay,ang aga-aga nambubulabog.
Sino ba yun?
Tumingin ako sa kamang kinahihigaan ni Cookies,imposibleng siya yun dahil natutulog na siya dito.
Kakamot-kamot sa ulong bumangon ako at pinagbuksan ang kung sinumang nambubulabog na yun.
Si Tim.
Bago pa ko makapagsalita ay
bigla niya kong niyakap.
"I love you" tumibok ng mabilis ang puso ko ng banggitin niya ito.
Amoy alak siya kaya siguro kung ano-ano ng pinagsasasabi niya.
Kumalma ka puso!
"Tim,bakit ka ba uminom?" tanong ko sa kaniya ngunit tanging 'I love you' lang ang binabanggit niya.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Hindi ko pala siya makakausap ng maayos dahil lasing siya.
"Halika nga sa loob" Inalalayan ko siya papasok sa dorm.
"Bakit nandito yan?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Cookies.
Bago ako sumagot kay Cookies ay pinahiga ko muna si Tim sa sofa.
"Pumunta dito,lasing na lasing.Alangan namang pauwiin ko pa diba"
"Tsk.Istorbo sa tulog,pagsabihan mo nga 'yang boyfriend mo" diniinan niya pa ang pagkakasabi niya sa 'boyfriend'.
"Hindi ko siya boyfriend.May extra ka pa bang shirt?"
"Meron pa.Teka,wag mong sabihing ikaw magpapalit ng damit niyan"
"Sino pa ba eh dalawa lang naman tayong nandito"
"Ako na"
"Sigurado ka ba? Diba mainit ang dugo mo kay Tim"
"Basta.Ako ng bahala sa kaniya,magpahinga ka na" aniya.
"Sigurado ka ha.Sige,
magpapahinga na ko" sabi ko.
Wala naman siguro siyang masamang gagawin kay Tim kaya okay lang na ipaubaya ko sa kaniya.
Bumalik na ko sa higaan ko ngunit hindi ako makatulog.
Nag-aalala ako kay Tim.
Pupuntahan ko na nga sila para mapanatag na ko.
"Ay,kalabaw!" Nagulat ako ng makita kong walang pang-itaas na damit si Tim.
"Diba sinabi ko na sayong magpahinga ka na,bakit nandito ka pa?" inis na tanong sakin ni Cookies.
Natulala ako sa abs ni Tim kaya hindi agad ako nakasagot kay Cookies.
"A-ah gusto ko lang makita kung ano ng l-lagay ni Tim"
"Tumalikod ka nga,enjoy na enjoy ka sa view ah.Mas marami naman akong abs kaysa sa lalaking 'to"
Tumalikod ako bago nagsalita.
"Ano?"
"Wala,sabi ko magpahinga ka na.Wala ka bang tiwala sakin? Hindi ko naman papabayaan itong lalaki mo eh" parang galit pang aniya.
"Ano ba Cookies,hindi ko siya lalaki okay? Wala nga kong boyfriend eh"
"Oo na,matulog ka na nga lang dun.Masyado kang defensive"
"Opo,Kuya" sarkastikong sabi ko bago ako muling bumalik sa kwarto.
Naging kampante na ko dahil nakita ko naman kaninang inaasikaso siya ni Cookies.
Muli akong pumikit at ilang saglit pa ay nakatulog na ko.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
FanfictionIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.
