Lexie's POV
Pagkadilat ko pa lang ng mga mata ko ay ramdam ko ng namamaga ang mga ito.Mabigat ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa ring bumangon.
"Magandang umaga po 'Nay" pinilit kong ngumiti sa kaniya.
"Oh bakit namamaga 'yang mata mo?"
"Wala po 'to,kagat lang po ng ipis" pagsisinungaling ko.
"Anak,magsabi ka nga ng totoo sakin.May problema ka ba?"
"Wala po.Kumain na lang po tayo"
Matapos kumain ay nag prisinta akong maghugas ng plato.
Nakaramdam ako ng hilo dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos kagabi.
Dahil sa hilo ay naibagsak ko ang hawak kong plato kaya nataranta si Inay at agad na lumapit sakin.
"Anong nangyayari sayo,anak?"
"M-masama lang po yung pakiramdam ko" pagdadahilan ko.
"Ako na diyan,magpahinga ka na muna" Tumalima naman ako sa sinabi ni Inay.
Humiga ako sa kinahihigaan ko kanina.
Nanumbalik sakin ang nangyaring hiwalayan namin ni Cookies.
Matapos ng pag-uusap namin sa telepono ay hindi ko na muling ginalaw ang cellphone ko.
Sa totoo lang,kinakaya ko na lang ang lahat ng sakit.
Sa bawat paggising ko,nasanay akong siya agad ang bubungad sakin pero ngayon wala na.
Sa tuwing matutulog ako,hinahanap-hanap ko ang presensiya niya dahil nasanay din akong katabi siya.
Pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko.Kahit na anong mangyari.
Hindi na ko nakatiis,kinuha ko na ang cellphone ko at bumungad agad sakin ang text message ni Cookies.
From:Cookies
Mahal,hindi ako naniniwala na nagsasawa ka na sakin.Alam kong mahal mo pa rin ako.Kaya umaasa pa rin akong uuwi ka dito at muli kang babalik sa piling ko.Hihintayin kita kahit na anong mangyari.Miss na miss na kita kaya sana bumalik ka na dito.Tandaan mo lagi na mahal na mahal kita.Mag-iingat ka diyan.Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ni Inay ang mga hikbi ko.
Kung alam mo lang Cookies,miss na miss na din kita.
Gusto ko ng bumalik sa piling mo pero hindi na tayo pwede.
Alam kong hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol sa Nanay ko at sa Dad niya pero alam kong malalaman niya rin naman ang tungkol do'n kaya hindi ko na sinabi sa kaniya.
May kumatok sa pinto kaya agad kong pinunasan ang luha ko.
"Anak,maayos na ba ang pakiramdam mo?" Ngumiti ako ng peke bago nagsalita.
"M-maayos na po"
"Bukas ng umaga,susunduin tayo ng Tito Dan mo dito at ipapakilala sa mga anak niya"
"Ganun po ba,'Nay.Maghahanda po ako para bukas"
Lumabas na si Nanay matapos ng usapang iyon.
Sana kayanin ko bukas.Kayanin kong titigan siya.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
FanfictionIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.