Chapter 10

3 1 0
                                    

Paggising ko palang ay nakatanggap na ko ng text galing sa prof ko.

Wala daw pasok ngayon dahil may emergency meeting daw silang mga prof.

Oo nga pala,si Tim!

Agad akong bumangon at pinuntahan siya.

Mahimbing pa rin siyang natutulog.

Sa bagay,maaga pa naman 6:00 am palang.

Pumunta ako sa Kusina para ipagluto siya ng soup dahil paniguradong may hang over siya paggising niya.

Magluluto na rin ako ng breakfast namin.

Jungkook's POV
Umagang-umaga ay badtrip na ko.

Pano ba naman kase,nakita ko na naman yung pagmumukha nung asungot.

"Oh bakit ang sama ng tingin mo sakin?" tanong sakin ni Lexie.

"Bakit nandito pa yang asungot na yan?" hindi maitago ang inis na tanong ko.

"Relax bro,uuwi din ako maya-maya" sabat ni asungot ngunit di ko siya pinansin.

"Nagpapasubo pa akala mo naman walang kamay" parinig ko ngunit hindi na nila ko pinansin kaya napanguso na lang ako.

"Hay nako,hayaan mo yang si Cookies.Mamaya ka na umuwi 'pag wala ka ng hang over" sabi ni Lexie.

Inis akong tumayo mula sa kinauupuan ko.

"Oh saan ka pupunta?" tanong sakin ni Lexie.

"Diyan lang" sagot ko sakaniya at saka padabog na umalis.

Tss.Magsama sila!

Lexie's POV
"Magkaibigan lang ba talaga kayo ni Kookie?" tanong sakin ni Tim.

"Oo naman"

"Para kasi siyang nagseselos hahaha" Saglit akong natulala nang humalakhak siya.

"Hey,are you okay?" Natauhan ako ng ilapat niya ang kamay niya sa noo ko.

"O-okay lang ako" nauutal na sabi ko.

"So,magkaibigan lang talaga kayo?" muli niyang tanong.

"Oo naman.Ganun lang talaga yun,wag mo na lang siyang pansinin" sabi ko na lang.

"Edi kung manliligaw ako sayo,papayag ka?" Natigilan ako sa tanong niya at napatitig sa mga mata niya.

"Pfft! Hahaha biro lang" Napasimangot ako ng malaman kong biro lang pala 'yon.

Kainis.Umasa pa naman ako.

ALAS DOSE ng tanghali.Hindi pa rin dumarating si Cookies.

Nasaan na kaya yung lalaking yun?

Matapos kong maghain ay sabay kaming kumain ni Tim.

Kinahapunan ay napagdesisyunan niyang umuwi na.

"Okay ka na ba talaga? Hindi ka na nahihilo?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi na.Wag ka ng mag-alala,okay na ko" nakangiting aniya kaya napanatag na ko.

"Ihahatid na kita sa labas ha"

"Sige ba"

Lumabas na nga kami.At nagpaalaman.

"Mag-iingat ka ha" pahabol kong sabi.

"Ay tipaklong!" biglang sumulpot sa harap ko si Cookies na kadarating lang.

Ang sama na naman ng tingin niya sakin.

"B-bakit ba ganiyan ka makatingin?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.

Mas lalo pa kong kinabahan dahil unti-unti na siyang lumalapit sakin.

"Umalis ka"

"H-ha? Ikaw itong lumalapit tapos ako yung papaalisin mo"

"Umalis ka sa daraanan ko" walang emosyong aniya.

Napatingin naman ako sa likuran ko.

Ay,nakaharang pala ako sa pinto.

Napapahiyang tumabi ako at nang pumasok siya ay sumunod na ako.

Ni isa ay walang nagsasalita samin.

Kinagabihan,ganun pa rin ang nangyari.Wala kaming kibuan.

"May nagawa ba ko sayo?" hindi ko na matiis ang kausapin siya kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Wala" hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin,diretso lang siyang nakatingin sa tv.

"Bakit kanina mo pa ko hindi kinakausap?" nagkibit-balikat lang siya at hindi na umimik pa.

Nainis ako kaya kinuha ko ang remote at in-off ang TV.

"Mag-usap nga tayo"

"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin" wala pa ring emosyon ang mukha niya.

"Bakit bigla ka na lang nagkaganiyan?"

"Ganto na ko eh wala ka ng magagawa dun"

"Alam mo,hindi kita maintindihan eh. Sabihin mo na lang kase kung may problema ka sakin" naiinis na sabi ko sa kaniya.

"Wala nga"

"Eh bakit bigla na lang naging malamig ang pakikitungo mo sakin? Ano? Dahil ba kay Tim?" iyon lang ang dahilan na naiisip ko kung bakit siya nagkaganiyan.

"Pano kung sabihin kong oo"

"Bakit? Ano bang mali kay Tim? Ano bang problema mo sa kaniya?" magkakasunod na tanong ko sa kaniya.

Naguguluhan ako.Maayos naman ang pakikitungo ni Tim sa kaniya tapos siya ganiyan.

"Dahil nagseselos ako" natigilan ako sa sinabi niya.

"Nasagot ko na yung tanong mo,ano masaya ka na?" at saka siya umalis.

Nabigla ako sa sinabi niya.

Nagseselos siya? Bakit naman siya nagseselos kay Tim?

Hanggang sa pagtulog ko ay paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang sinabi niya kanina.

Kahit anong gawin ko ay hindi pa rin talaga ko dinadalaw ng antok.

Patulugin mo na ko Cookies!

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon