Chapter 30

2 1 0
                                    

Lexie's POV

Kinabukasan ay hindi namin agad-agad sinabi ang namamagitan samin ni Cookies.

Naghahanap pa kami ng magandang tiyempo pero ngayon mismong araw ay balak na talaga naming sabihin sa kanila ang totoo.

Napagpasyahan namin na pagdating na lang nila namin sasabihin.

Kinagabihan…

"Sabihin mo na sakin ang totoo,Jeon Danwoo!" rinig namin mula sa labas.

Alam kong si Nanay yun kaya napatayo agad ako.Napatayo na rin sina Jungkook at si Lina.

"Totoo ang sinasabi ko,hindi ko yun babae.Maniwala ka naman sakin,please?" masuyong sabi ni Tito Dan kay Nanay.

"Pano ako maniniwala diyan sa sinasabi mo ha?! Kitang-kita ng dalawang mata ko yung ginawa niyo!"galit pa rin si Nanay pagkapasok nila.

Nilapitan ko agad siya at pinakalma.

"Nay,kumalma po kayo baka tumaas ang presyon ng dugo niyo" hindi ako pinansin ni Nanay at tumuloy lang siya sa paglalakad papunta sa kwarto.

"Wife,please? Believe me,wala akong ibang babae" nanatiling mababa ang boses ni Tito Dan sa kabila ng pagsigaw sa kaniya ni Nanay.

"Maghiwalay na tayo! Aalis na kami dito ng anak ko" nagpipigil ng luhang sabi ni Nanay.

"Hindi! Hindi kayo aalis dito at walang maghihiwalay.Hindi tayo maghihiwalay" nagbabadya na rin ang pagluha ni Tito Dan pero umiwas ng tingin si Inay sa kaniya.

At nabigla kami dahil biglang tinanggal ni Inay ang engagement ring.

"Halika na,anak" malamig na sabi ni Inay.

"Nay,wag naman kayong magpadalos-dalos" pigil ko kay Nanay.

"Anak,niloko ako niyang Tito Dan mo.At ang mga katulad niya dapat hindi na pinapatawad"

Naunang lumakad si Inay pero bago pa siya makalabas ay pinigilan na siya ni Tito Dan.

"Wife,please.Please don't leave me,don't leave us"
nagsusumamong sabi ni Tito Dan.

Umiling-iling si Inay.

"Tapos na tayo.Halika na,anak" Hinawakan ako ni Inay kaya wala na kong choice kundi ang sumama sa kaniya habang nakatingin kay Cookies.

Marami akong emosyon na nabasa sa kaniyang mga mata.

Lungkot.

Panghihinayang.

Ngunit mas nangingibabaw doon ay nasasaktan siya.

Nasasaktan kaming pareho.

Hindi man lang namin nasabi ang totoong namamagitan sa aming dalawa.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon