Chapter 12

4 1 0
                                    

Sabay kaming pumasok ni Cookies sa school.

Tatlong araw nawalan ng pasok dahil sa bagyo kaya naman lunes na ng magsimula ulit ang klase.

Hindi natuloy ang date namin ni Tim dahil sa bagyo pero okay lang naman dahil marami pa namang oras para dun.

"Hey,Lex" kakapasok pa lang namin sa school ay sinalubong na kami ni Tim.

"Hey" bati ko rin sa kaniya.

"Ako na diyan" kinuha niya sakin ang mga librong bitbit ko kaya wala na kong nagawa kundi ang hayaan na lang siya.

Sumabay siya samin ni Cookies sa paglalakad.

"Bye,Cookies.Sabay ka samin mamaya mag-lunch ah" tanging ngiti at tango lang ang naging tugon ni Cookies at saka siya umalis.

Nagselos na naman siguro.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong dahilan ng pagseselos niya.

Nakakahiya naman kung tatanungin ko pa siya,hayss.

Maghapon kaming abala sa mga gawain dito sa school.

Kailangan naming habulin ang lahat ng lessons dahil malapit na daw mag-finals.

Lumipas ang mga araw at napansin kong parang may iba kay Tim.

Ayokong mag-assume pero para kasing may gusto rin siya sakin.

Lagi niya kong inaabangan sa tuwing darating ako sa school.

Binibilhan niya rin ako ng lunch,libre niya pa.

Tapos niyayaya niya kong mag-date.

Kaya naman ng mag-dismissal ay hindi ko na natiis na tanungin siya.

"Tim,pwede ba muna tayong mag-usap?" Nilingon niya ako at saka siya ngumiti.

"Sure.Ano ba yung pag-uusapan natin?"

"Gusto ko sanang tanungin kung..."

"Kung ano?"

"May g-gusto ka ba sakin?" nauutal kong tanong.

"Oo" walang paligoy-ligoy na sagot niya.

"Ako naman ang magtatanong ngayon" kinakabahan akong nakipatitigan sa kaniya.

"A-ano naman yun?" nauutal pa rin'g tanong ko.

"Pwede ba kong manligaw sayo?" Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ako agad nakasagot sa kaniya dahil sa kabang nararamdaman ko.

Hindi ko nga alam kung kaba ba itong nararamdaman ko o ano.

"Silence means 'no' pero hindi agad ako susuko.Liligawan kita at wala ka ng magagawa dun.See you again,miss beautiful" kumindat pa siya sakin bago siya umalis.

Natinag lang ako sa kinatatayuan ko ng may tumapik sakin.

"May naghahanap sayo" tinuro pa nito ang labas kung saan naroroon si Cookies.

"Salamat" ngumiti pa ko sa kaniya bago ako lumabas.

Pilit akong ngumiti sa kaniya hanggang sa makalapit ako sa kinaroroonan niya.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko.

"Hindi naman.Ano? Uuwi na ba tayo?"

Tumango ako sa kaniya at sabay kaming naglakad.

"Tahimik ka ngayon ah,may problem ba?" tanong niya.

"Wala naman.Ayos lang ako" tipid akong ngumiti sa kaniya.

Pagkarating namin sa bahay ay si Tim pa rin ang tumatakbo sa isip ko.

Naputol lang ang pag-iisip ko sa kaniya ng tumunog ang phone ko.

Unknown number...

"Hello?"

"Hey,nakauwi ka na?" Hindi ko na kailangang tanungin kung sino siya dahil kilalang-kilala ko ang boses niya.

Si Tim.

"Ikaw pala.Saan mo nakuha yung number ko?" tanong ko.

"Hindi na mahalaga yun,ang mahalaga nakakausap na kita ngayon.Namimiss na kita"

"Ha? E-edi ba kanina lang magkasama tayo?"

"Oo pero wala ka na sa tabi ko ngayon eh.Anyway,tuloy natin yung date natin bukas" aniya.

"Sige,saan ba tayo?"

"Basta.Susunduin na lang kita diyan"

"Hindi na" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Susunduin kita o susunduin kita? You choose"

"Wala naman akong choice eh,sige na nga" sabi ko na lang.

Nagpaalaman muna kami sa isa't isa bago ko ibinaba ang phone.

"May date na naman kayo bukas?" tanong sakin ni Cookies.Narinig niya siguro yung usapan namin ni Tim.

"O-oo" kinakabahang sagot ko sa kaniya.

"Ah ganun ba" Hindi na siya umimik pa kaya nabahala ako.

Pinagmasdan ko ang reaksiyon niya pero blanko lang ito.

"May gusto ka ba sakin?" biglang tanong niya.

"H-ha? Wala" agad kong tanggi.

"Bakit kanina ka pa tingin ng tingin?"

"M-masama ba?"

"Masama ang magnakaw" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Wala naman akong ninakaw sayo ah"

"Meron.Nagnanakaw ka ng tingin"

"Ang daming alam.Edi sorry,hindi na kita tititigan" inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako.

"Hahaha pikon ka naman agad"

"Ewan ko sayo.Matutulog na nga ko" sabi ko at iniwanan na siya.

Hmm,ano kayang mangyayari sa date namin ni Tim bukas?

Hindi naman siguro masama kung magpapaligaw ako sa kaniya.Ligaw lang naman.

Nalilito pa rin ako sa nararamdaman ko.

Alam kong hindi maaaring dalawang lalaki ang magustuhan ko pero anong magagawa ko kung iyon ang nararamdaman ko.

But I know na darating ang araw kung kailan kailangan kong pumili sa kanila.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon