Chapter 17

6 1 0
                                        

Jungkook's POV
Maaga akong nagising para maghanda ng breakfast namin ni Lexie.

"Good morning" nakangiting bati ko sa kaniya.

"Morning" tugon niya at saka dumiretso sa banyo.

Nagtataka ako dahil ang tagal niya naman.

Pagkalabas niya ay basa na ang buhok niya,nakaligo na pala siya.

"Hey,hindi ka ba muna mag b-breakfast bago ka umalis?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi na,sabay kasi kaming mag b-breakfast ni Tim.Mauuna na ko ha"

Nalungkot ako sa sinabi niya pero pinilit ko pa rin'g ngumiti.

"Ganun ba.Sige,ingat ka"

Paulit-ulit lang itong nangyari sa loob ng isang linggo kaya batid kong iniiwasan niya ko.

Sinusubukan kong kausapin siya pero palagi niyang sinasabi na busy siya kaya hindi na ko nagpumilit pa.

Miss na miss ko na siya.Sobrang miss.

Nandito nga siya sa bahay kasama ko pero hindi ko ramdam ang presensiya niya.

Ni hindi nga kami nakakapag-usap man lang ng masinsinan.

Kinaumagahan ay nagluto pa rin ako ng almusal namin.

"Oh saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya dahil napansin kong damit na pang-alis ang suot niya.

"Ano,may nahanap na kase akong malilipatan"

"I-iiwan mo na ko? Lexie,yung pag-iwas mo sakin kaya ko pa pero yung iiwan mo ko? Hindi na ko papayag"

"Hayaan mo na lang akong umalis,pwede ba?!" naiinis na aniya.

"Bakit kailangan mo pang umalis? Anong dahilan?" tanong ko.

"Ayoko ng makasama ka" Natigilan ako sa sinabi niya.

"Dahil...dahil mas lalo lang akong nahuhulog sayo sa tuwing nakikita kita" Tumulo ang luha niya kaya agad akong lumapit sa kaniya at pinunasan ko ang luha niya gamit ang hinlalaki ko.

"Ibig sabihin ba,gusto mo rin ako?" Tumango-tango siya habang umiiyak.

"Gustong-gusto" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Siniil ko ng halik ang labi niya na agad niya namang tinugunan kaya mas napangiti ako.

"I love you" malambing kong sabi sa kaniya habang magkadikit ang aming noo.

"I love you too"

Lexie's POV
Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ng sabihin niya ang mga katagang matagal ko ng gustong marinig.

Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako kahit kahapon pa naman nangyari yun.

"Bakit ngiting-ngiti ka diyan? Iniisip mo na naman ba yung Tim na yun?" tanong sakin ni Cookies.

Magkatabi kami sa iisang higaan.

Rest day ko ngayon kaya pa-easy easy lang ako.

"Hindi.Iniisip ko yung nangyari kahapon"

"Ayieeee namumula.Patay na patay ka siguro sakin 'no?" Hinampas ko siya sa braso pero mahina lang.

"Sira! Baka ikaw ang patay na patay sakin"

"Oo na lang" sabi niya sabay tawa.

Napatitig ako sa kaniya,ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya.

At napakasarap sa pakiramdam na ako ang dahilan nun.

"Maglaro tayo" yaya ko sa kaniya.

"Ay,gusto ko yan.Ano bang lalaruin? Bahay-bahayan?" sabi niya habang nakangisi.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon