Jungkook's POV
Labag man sa kalooban ko na malalayo siya sa akin ay wala akong magagawa.Wala akong ibang magagawa kundi ang maghintay sa pagbabalik ng taong mahal ko.
Pagkabalik sa bahay ay sinalubong ako ng aking Ama.
"Son,alam kong pinuntahan mo sina Elicia.Nasaan sila? Gustong-gusto ko na siyang makita" Alam kong si Tita ang tinutukoy ni Dad.
"Wala na sila Dad.Umalis na sila" sinabi ko ang totoo dahil hindi ko kayang magsinungaling sa Ama ko.
"No.Son,hindi yan totoo.Alam kong alam mo kung nasaan sila kaya sabihin mo na lang sakin" kita ko ang pagsusumamo sa mga mata ni Dad.
Naaawa ako sa kaniya.Alam ko na ang buong katotohanan.
Sinabi sakin ni Dad na hindi naman talaga niya niloko si Tita at alam kong nagsasabi ng totoo si Dad.
Umiling ako.
"Umalis na sila Dad.Iyon ang totoo"
"Ipapahanap ko sila.Hindi ako papayag na malayo siya sakin" sabi ni Dad at saka ako tinalikuran.
Lexie's POV
Nakarating kami sa isang lugar na hindi pamilyar sakin.Matapos naming maayos ni Nanay ang mga gamit namin ay sinabi niyang magpahinga na muna kami.
Dalawa ang kwarto ng bahay na ito na inuupahan namin ni Inay.
Ang isa ay sa akin habang ang isa naman ay sa kaniya.
Hindi gaanong kalakihan ngunit sakto na ito para saming dalawa ni Nanay.
Pagkahiga ko sa kama ay hindi ako makatulog.Sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata ay si Cookies ang nakikita ko.
Ilang oras pa lang naman ang nakakalipas pero nangungulila na ako sa kaniya.
Kinuha ko ang cellphone ko.
Tatawagan ko sana siya kaso walang signal dito kaya wala akong nagawa kundi ang humiga na lang.
Nakakawalang-gana.Nawawalan ako ng gana pag alam kong wala siya sa tabi ko.
Ipinagdasal ko na lamang na sana bumilis ang takbo ng oras at araw.
Sana bumalik na kami do'n.Kung nasaan ang taong mahal ko.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
FanfictionIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.