Chapter 19

2 1 0
                                    

Lexie's POV
Nagkaklase kami ngayon at katabi ko si Tim.

Napapansin kong kanina pa siya tahimik.

Gusto ko nga sana siyang kausapin kaso baka hindi niya lang ako pansinin kaya nanahimik na lang din ako.

Lunch time.

Sabay kaming kumakain ni Cookies dito sa Cafeteria.

"Oh bakit ganiyan ka na naman makatingin sakin?" Ang sama na naman ng tingin niya sakin.

Ano na naman bang nagawa ko huhu.

"Bakit hindi mo pa rin nilalayuan yung Tim na yun?" tanong niya.

"Seatmate ko siya,Cookies.Paano ko siya lalayuan aber?"

"Basta.Wag mo siyang kakausapin 'pag nakita ko lang talaga kayong nag-uusap"

"Binabantaan mo ba 'ko?" mataray na tanong ko sa kaniya.

"Hindi.Ayoko lang talagang nagkakalapit kayo" katwiran niya.

"Napakaseloso mo talaga"

"Mahal mo naman"

"Oo na lang" sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

UWIAN...Papunta na ko sa classroom ni Cookies ng biglang may humatak sakin.

"Saan mo ko dadalhin? Teka,Tim? ikaw ba 'yan?" Nakumpirma kong siya nga ito ng humarap siya sakin.

Akala ko naman kung sino,siya lang pala.

"Pwede ka bang sumama sakin?" walang emosyong tanong niya sakin.

"S-saan ba ang punta mo?"

"Gusto kitang makausap pero wag dito" sabi niya at basta na lang akong hinatak papasok sa kotse niya.

Nagpaubaya na lang ako dahil gusto ko rin naman siyang makausap.

Nakarating kami sa isang Coffeeshop na medyo malayo sa school.

"Sorry,hindi ako nakarating kahapon" nahihiyang paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.

"Totoo bang may boyfriend ka na?" walang paligoy-ligoy na tanong niya.

Tumango ako.

"I'm really sorry,Tim.Sana hindi ka galit sakin kase gusto kong manatili pa rin ang pagkakaibigan natin"

"Sorry rin"

"Ha? Para saan?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Kaya lang kase kita niligawan dahil nakikita ko sayo si Sammy,ex-girlfriend ko yun na mahal na mahal ko pa rin hanggang ngayon" Hindi siya makatingin sa mga mata ko kaya alam kong na-gi-guilty siya.

"Wait,Sammy? Si Miss Yoon Sammy ba yung tinutukoy mo?" tanong ko.

"How did you know? Kilala mo ba siya?"

"Oo.Siya kase yung owner ng Coffeeshop kung saan ako nagtatrabaho"

"Pwede mo ba kong samahan papunta ro'n?" Nakikita ko sa mga mata niyang desperado na siya kaya pumayag na kong samahan siya.

Nakarating na kami sa Coffeeshop.

"Thank you,Lexie" niyakap niya pa ko bago siya pumasok sa loob

Nagulat ako ng pagkatalikod ko sa Coffeeshop ay nasa harap ko na si Cookies.

"C-cookies..." Marahas niya kong hinawakan sa braso.

"Teka,nasasaktan ako.Ano ba?! Bitiwan mo ko" Hindi niya ko pinakinggan at basta na lang kinaladkad papunta sa kotse niya.

"Sakay" Tumalima na lang ako sa iniuutos niya.

Tahimik lang siyang nagmamaneho kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.

"C-cookies?" Tawag ko sa kaniya pero hindi niya ko pinansin.

"Galit ka ba?" Muli ay hindi niya ako pinansin kaya naman nanahimik na lang ako.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi siya umiimik.

Nang hindi na ko makatiis ay nilapitan ko na siya.

"Cookies"

"Wag muna tayong mag-usap"

"Hayaan mo muna kong magpaliwanag,please" pakiusap ko sa kaniya.

Tumayo siya mula sa kinahihigaan niya kanina.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya.

"Ayoko munang makita ka kaya aalis na lang muna ako" malamig niyang tugon at saka siya umalis.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil kumirot ito matapos niyang sabihin 'yon.

Ayaw niya kong makita.

Hindi ko namalayang naluha na pala ako.

Ang sakit naman kase ng sinabi niya sakin.

Kinagabihan,hindi pa rin siya umuuwi kaya nag-aalala na ko.

Ilang beses ko na siyang kinontak pero nakapatay ang phone niya na mas nagpatindi sa kaba ko.

Alas onse na ngunit hindi pa rin siya dumarating.

Cookies,nasaan ka na ba?

Pabalik-balik akong naglakad habang nginangatngat ang kuko ko.

Nagkakaganito talaga ko 'pag kinakabahan.

Nang may kumatok sa pinto ay dali-dali ko itong binuksan at bumungad sakin si Cookies na namumungay ang mata.

"Saan ka ba nanggaling?! Kanina pa kita hinihintay,anong oras ka ng dumating ah!" Hindi ko na naitago ang pagkainis ko sa kaniya.

"Wag mo kong pakiilaman,dun ka na sa lalake mo!" Naamoy ko ang alak mula sa bibig niya.

"Halika na nga,matulog na tayo.Bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol diyan" Inaalalayan ko siya pero tinutulak niya ko.

"Wag mo kong hahawakan!" dinuro niya pa ko pero nagpumilit pa rin akong alalayan siya dahil pagewang-gewang na siyang lumakad.

"Sinabi ng,bitiwan mo ko!" Tinulak niya ulit ako.

"Ano ba! Bakit ba napakaarte mo?!" sigaw ko sa kaniya.

"Kaya ko ang sarili ko.Hindi ko kailangan ng malanding kagaya mo!" bulyaw niya sakin.

"Ano? Ulitin mo nga yung sinabi mo"

Nagkamali lang ako ng dinig.Tama.

Hindi niya masasabi sakin yung gano'ng salita.

"Ang sabi ko,malandi ka!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Sumabog ang galit na nararamdaman ko kaya nasampal ko siya.

Pinunasan ko pa ang luha ko bago ako nanggagalaiting tumalikod sa kaniya.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon