SATURDAY...
"Saan ang punta mo? Bakit bihis na bihis ka?" magkasunod na tanong ni Cookies sakin ng makita niya ko.
"Ah may sasamahan lang ako sa Mall"
"Para ngang makikipag-date ka eh"
"Ano?"
"Wala.Ingat ka,sabi ko"
"Okay.Aalis na ko,bye bye" paalam ko sa kaniya at saka lumabas.
Naghanap agad ako ng masasakyan at nang makahanap ay sumakay na ako.
Ang totoo ay gusto akong sunduin ni Tim dahil may sarili naman daw siyang kotse pero tumanggi ako.
Sagot niya na nga lahat eh nakakahiya naman kung magpapasundo pa ko kaya napag-usapan namin na magkita na lang mismo sa Mall.
Kinawayan ko siya ng makita ko siya sa Mall.
Nakangiti naman siyang lumapit sakin.
"You look beautiful today" puri niya.
"T-thank you" naiilang na sabi ko.
Pumasok na kami sa sinehan matapos namin I mean,matapos niyang bumili ng popcorn at ng maiinom.
Nagsimula na ang palabas.Tama nga ang mga nababalitaan ko tungkol sa movie na ito.
Napakaganda nito at nakakamangha dahil sa mga actions kung minsan ay nakakakaba at nakakagulat,
malamang horror movie nga eh.Matapos naming manood sa sinehan ay kumain naman kami at naglaro sa Time Zone.
Ganun lang ang ginawa namin hanggang sa papadilim na.
Hindi man lang namin namalayan ang oras dahil sa nag-eenjoy kami sa paglalaro.
"Madilim na pala,ihahatid na kita.Wag ka ng tumanggi ha" aniya.
"Sige" tugon ko.
Trenta minutos ang lumipas bago kami nakarating sa dorm.
Pagkababa ko palang ay nakita ko na si Cookies na mukhang inaabangan ang pagdating ko.
"Salamat sa paghatid sakin dito,Tim"
"You're welcome,next time ulit ha" aniya.
"Oo naman.Ingat ka"
Ngumiti siya sakin bago sumakay sa kotse,kumaway pa muna siya sakin bago umalis.
Nang tingnan ko si Cookies ay ang sama-sama ng tingin niya sakin.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" tanong ko sa kaniya ng makalapit ako.
"So,tama nga ako? May date ka" parang naiinis na sabi niya.
"Hindi yun date,niyaya niya lang akong manood ng sine.Hindi naman ako nakatanggi kasi hilig ko talagang manood ng horror movies" paliwanag ko.
"Mm,pumasok ka na" malamig niyang tugon at nauna ng pumasok.
Ano bang problema niya?
Nagkibit-balikat ako at sumunod sa kaniya.
Nakahain na ang pagkain kaya naupo na ko at gayon din siya.
Ako na ang bumasag sa katahimikan dahil mukhang wala siyang balak magsalita.
"Galit ka ba?"
"Hindi" sagot niya.
"Bakit mukhang galit ka? May problema ba?"
"Mata mo ang may problema hindi ako"
"Ang sungit mo" sabi ko na lang.
"Bakit ba parang galit na galit ka kay Tim? Magkaibigan naman kayo diba" ang totoo ay nung nakaraan ko pa gustong itanong ito kay Cookies.
"Noon yun" maikling tugon niya.Ang tipid niya magsalita ngayon ah.
"Ano na ngayon? Kaaway?" tanong ko pa.
"Basta.Teka,saan mo ba nakilala yung gagong yun?"
"Sa school,classmate ko siya" sagot ko.
"Ano namang dahilan kung bakit pa siya bumalik dito? Tsk."
"Ano?"
"Wala,kumain ka na lang diyan" aniya.
Ang sungit-sungit niya talaga ngayon.
Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganiyan eh wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.
Maaga nga pala ang pasok ko bukas sa trabaho ko.
Tuwing Linggo kasi ay 7:00 am ako dapat pumasok dahil ito ang napag-usapan namin ng owner ng Cafe na si Miss Sammy.
Dadagdagan niya daw ang sweldo ko kung maaga akong papasok sa Cafe kaya hindi na ko tumanggi at isa pa ay wala naman akong pinagkaka-abalahan sa araw ng Linggo.
Hay,kailangan ko ng matulog.
Maaga pa kong gigising bukas.
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
FanficIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.