Chapter 7

3 1 0
                                    

Sabay ulit kaming pumunta ni Cookies sa school at nagpaalaman ng pumasok na kami sa kani-kaniya naming classroom.

Kahapon lang ay nag-sorry ulit siya sakin nung araw na hindi siya nakasabay sakin nung lunch at nung uwian.

Kahit naman hindi na siya mag sorry sakin ay okay lang dahil wala naman akong karapatang magalit pero nung time na yun ay talagang nalungkot ako at hindi ko alam kung bakit ko naramdaman yun.

"Hey,good morning" bati sakin ni Tim.

"Hmm,morning" bati ko rin sa kaniya.

"Sabay ulit tayong mag-lunch mamaya ah" aniya.

"Sige ba" pagpayag ko.

Komportable naman na akong kasama siya.

Lumipas ang mga oras hanggang sa Lunch time na.

Sabay kaming pumunta sa Cafeteria.

Jungkook's POV
Nag-over time ng ten minutes ang subject teacher namin na si Mrs.Clementine at nang dismissal na ay agad akong pumunta sa Cafeteria.

Lumilinga-linga ako para hanapin si Lexie at hindi naman ako nabigong mahanap siya ngunit agad na kumunot ang noo ko ng may nakita akong lalaking kasama niya.

Namuo ang galit sa dibdib ko ng makilala ko ang lalaking kasama niya.

Likod pa lang nito ang nakikita ko ngunit batid kong siya nga iyon.

Ang lalaking umagaw sa unang babaeng minahal ko.

Nagngingitngit akong lumapit sa kanila ngunit hindi man lang nila naramdaman ang prensiya ko,tuloy lamang sila sa pag-uusap.

"Hindi ko alam na may kasabay pala tayong asungot"

Sabay silang napalingon sakin.

"Cookies?" parang gulat pa si Lexie ng makita ako.

Nagtama ang mga mata namin ni Tim at ngumisi ito sakin.

"Long time no see,Mr.Jeon" aniya.

"Long time no see,Mr.Creswell" diniinan ko pa ang pagkakabanggit sa apelyido niya.

"Teka,magkakilala kayo?" tanong naman samin ni Lexie.

Bago pa ko makasagot ay inunahan na ko ng asungot.

"Yup,he's my friend" anito.

Tss.Friend,my ass.

Hindi na ko umimik at umupo na lamang.

"Ibibili na kita,anong gusto mo?" tanong ko kay Lexie.

"Ikaw na bahala" tugon niya at muling humarap kay Tim upang ituloy ang pinag-uusapan nila.

Inis naman akong tumayo at bumili na lang ng makakain.

Nang makabalik ako ay binigay ko na kay Lexie ang pagkain niya.

Gusto niya pa kong bayaran ngunit tumanggi ako kaya wala na siyang nagawa at kumain na lang.

Para lang akong hangin dito dahil silang dalawa lang naman ang nag-uusap.

Gusto ko mang sumali sa usapan nila ngunit ayokong kausapin yung asungot kaya nanatili na lang akong walang imik habang kumakain.

"Aalis na ko" paalam ko kay Lexie ng matapos akong kumain.

"Maaga pa ah,aalis ka na agad?"

"Ano pa bang gagawin ko dito eh parang hangin lang naman ako" sabi ko at saka ako umalis.

Matagal na panahon ko ng hindi nakita ang asungot na 'yon pero tandang-tanda ko pa ang ginawa niya.

Tandang-tanda ko pa ang pag-agaw niya sa babaeng unang minahal ko.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon