Lexie's POV
Ilang araw na hindi tinigilan ni Tito Dan si Nanay pero hindi man lang lumambot ang puso niya.
Naiintindihan ko naman si Nanay.Masakit talaga ang pakiramdam na maloko lalo na kung yung taong mahal na mahal mo ang nanloko sayo.
Alam ko na ang buong kwento.Kinwento sakin ni Inay ang ginawang panloloko ni Tito Dan.
Lumabas muna saglit si Inay para bumili ng makakain nila dahil si Tito Dan ay nagtatrabaho sa kaniyang opisina kaya si Inay na lang ang lumabas para bumili.
Ngunit pagkabalik niya ay nasaksihan niya ang pambababae ni Tito Dan.
Halos wala na daw saplot yung babae nang maabutan sila ni Inay.
Hay,kaya hindi ko rin talaga masisisi si Nanay kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin pinapatawad si Tito Dan sa kabila ng mga pangungulit nito sa kaniya.
Kami naman ni Cookies ay nangungulila na sa isa't isa.
Hindi na kami muling nagkita pa matapos ng mga pangyayari.
Oo may komunikasyon pa rin kami sa isa't isa sa pamamagitan ng chats at texts pero iba pa rin talaga pag magkasama kami.
Hindi kami pwedeng magtawagan dahil maririnig ni Inay.
Habilin pa sakin ni Inay na wag ng makikipag-ugnayan sa kahit na isa sa kanila ngunit hindi ko yun kaya.
Hindi ko kayang hindi makipag-usap kay Cookies.
Alam kong kagagalitan ako ni Inay kung sakali mang malaman niya ngunit hindi ko na yun inisip pa.
"Anak,mag-empake ka na.Aalis na tayo dito dahil ayoko ng makita pa ang pagmumukha nung Danwoo na yon"
"S-sige po,Inay" pumunta na ko sa kwarto ko at nag-empake na.
"Saan po ba tayo pupunta 'Nay?" tanong ko matapos kong mag-empake ng mga damit at gamit.
"Lalayo na tayo sa lugar na 'to"
"P-po?" napatingin ako kay Nanay.
"Lalayo na tayo dito.Dahil yun ang dapat anak,nang sa gayon ay hindi na tayo malapitan ng manlolokong yun"
Ayaw ko mang pumayag sa gusto ni Inay pero wala akong magagawa kundi ang sumama sa kaniya.
"Nay,pwede bang lumabas muna ko saglit.Magpapaalam lang ako sa k-kaibigan ko"
"Sige,anak.Bilisan mo na lang at maya-maya ay aalis na tayo" Tumango ako kay Nanay at saka umalis.
Agad kong tinext si Cookies.
Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi pa rin siya nagrereply kaya nagpasya akong tawagan na siya.
Hindi niya ito sinasagot.
Kumunot ang noo ko.Nasaan kaya siya at anong ginagawa niya?
Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko?
Naghintay pa ko ng tatlompung minuto ngunit hindi pa rin siya dumarating.
Nakatanggap ako ng text message galing kay Inay.
Kailangan ko na daw umuwi dahil aalis na kami.
Nagpalinga-linga ako pero wala akong nakita ni anino niya.
Malungkot akong napabuntong-hininga at saka tumayo na.
Pagkatalikod ko pa lang ay may yumakap na sakin mula sa likod.
Unti-unting pumatak ang mga luha ko ng maamoy ko ang pamilyar na pabango niya.
Humarap ako at mahigpit na niyakap siya.
"Damn! I miss you so much" mas humigpit pa ang pagyakap niya sakin.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao ngunit wala kaming pakeelam.
Hindi na siya nakatiis at siniil na niya ako ng halik na agad ko namang ginantihan.
Narinig naming sumipol ang ibang kalalakihan kaya bumitaw ako sa halikan namin.Ramdam kong umiinit na ang pisngi ko.
"Aalis na ba talaga kayo? Iiwan mo na ko?" malungkot na tanong ni Cookies.
"Cookies,hindi naman kita iiwan.Lalayo lang ako pero panandalian lang yun.Tayo pa rin naman" ang sabi ko.
"Hindi ko kayang malayo ka sakin.Mahal na mahal kita Lexie,natatakot akong makahanap ka dun ng iba" naluluhang litanya niya.
"Mahal na mahal din kita,Cookies.Magtiwala ka sakin hindi ako hahanap ng iba.Ikaw rin ha,wag kang mambababae"
"Mahal,hindi ko talaga kaya" Muli niya akong niyakap.
"Kakayanin mo.Kakayanin natin ha" Bumitaw ako sa yakap niya at pinahid ang mga luha ko.
"Sige na,kailangan ko ng umalis.Mahal na mahal na mahal kita,Cookies.Pangako,babalik ako" pinigilan kong muling maiyak ngunit tuluyan na talagang pumatak ang mga luha ko.
"Mahal na mahal na mahal din kita.Mag-iingat ka dun ha"
"Hmm,ikaw rin.Sige,bye na" Tumalikod na ko sa kaniya ngunit nakakatatlong hakbang palang ako ay yumakap nang muli siya mula sa likod ko.
"Hayaan mo muna akong yakapin ka" pinagbigyan ko naman siya.
Rinig na rinig kong umiiyak siya kaya mas lalo akong nasasaktan.
"Mahal,pwede ba kitang ihatid sa inyo? Please? Pagbigyan mo na ko,huli naman na 'to"
"Sige" pagpayag ko.
Nang maihatid niya ako malapit sa bahay ay muli na naman kaming nagpaalaman sa isa't isa.
"Mahal,ipakilala mo na kaya ako sa Mommy mo.Baka sakaling magbago ang isip niya kase hindi ko talaga kayang mawala ka sa tabi ko"
"Cookies,alam mo naman ang sitwasyon diba" pag-alma ko.
"Sige na,please?" nag puppy eyes pa siya sakin.
"Sabi mo kanina,last na yun" patungkol ko sa hiling niya kanina.
"Sige na.Ayaw mo ba akong ipakilala kay Tita na boyfriend mo ko?"
"Gusto pero..."pinutol niya ang dapat na sasabihin ko.
"Wala ng pero pero.'Lika na,mahal" Bigla niya akong hinila papasok.
Nagmamatigas ako pero hindi niya ako binitawan hanggang sa makapasok kami sa loob.
"Anak,nandito ka na pala" nabigla si Inay ng makita niya si Cookies.
"Oh,Jungkook.Naparito ka? Pinapunta ka ba ng Tatay mo dito?"
"Hindi po.Pero hihingi na rin po ako ng kapatawaran sa nagawa ni Dad sa inyo"
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad sakin dahil wala ka namang kasalanan" sabi ni Nanay.
"Nay,may importante po kaming sasabihin sa inyo" kinakabahang sabi ko.
"Sige.Sabihin niyo na kung ano man yun"
Huminga muna ko ng malalim.
"Ang totoo po,kaya po naparito si Jungkook kasi…" Hindi ko masabi ng tuluyan kaya si Cookies na ang nagtuloy.
"Boyfriend po ako ng anak niyo" Nagtaka kami sa reaksyon ni Inay dahil hindi man lang siya nabigla.
"Alam ko" aniya.
"P-pano niyo po nalaman?" sabay naming tanong ni Cookies.
"Nung dun pa tayo tumitira,
pansin ko na ang tinginan niyong dalawa sa isa't isa.Hinihintay ko lang na sabihin niyo sakin" Nagkatinginan kami ni Cookies.
"Alam din po ba ni Dad?" tanong ni Cookies.
Tumango si Inay kaya muli kaming nagkatinginan ni Cookies.
"Ang totoo,nagplano na kami na hindi na lang ituloy ang kasal pero magsasama-sama pa rin tayo sa iisang bubong.Magiging pamilya pa rin tayo" Humugot muna si Inay ng malalim na hininga.
"Yun sana ang mangyayari kung hindi nagloko ang Daddy mo"
BINABASA MO ANG
He's My Roommate
FanfictionIto ay isang istorya tungkol sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.
