Chapter 18

4 1 0
                                        

Nagising ako sa tunog na nanggagaling sa cellphone ko.

Kinuha ko ito at sinagot ang tawag kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang caller.

"Oh,hello?"

"Good morning!" napadilat ako ng mabosesan ko kung sino ang tumatawag.

"Tim,ikaw pala.Napatawag ka?"

"Namimiss na kase kita.Pwede ba tayong magkita?" Sandali muna akong nag-isip.

"Hmm,sige.Saan ba tayo magkikita?" Pumayag na ko para sabihin sa kaniyang wag na niyang ituloy ang panliligaw sakin.

Nung araw kase na nakita ko si Cookies at si Miss Sammy sa Coffeeshop ay itinuloy niyang muli ang panliligaw sakin.

Umaasa daw kasi siyang mapapalitan niya si Cookies sa puso ko.

Pinatay ko na ang linya matapos niyang sabihin ang oras at kung saan kami magkikita.

Naisip kong magluto muna ng almusal namin ni Cookies dahil tulog pa naman siya.

Nabigla pa ko ng may yumakap sakin mula sa likod at ng lingunin ko ito ay si Cookies pala.

"Good morning,mahal" Hinalikan niya pa ko sa pisngi.

"Mahal? Ang corny mo ha" natatawa pang sabi ko kahit na deep inside ay kinikilig ako sa tinawag niya sakin.

"Hmp,ayaw mo ba?" nakangusong tanong niya.

"Ikaw talaga ang cute cute mo" pinisil ko pa ang pisngi niya.

"Hindi ako cute,gwapo ako GWAPO" diniinan niya pa ang pagkakabanggit sa salitang 'gwapo'.

Kahit kailan talaga ang hangin ng lalaking 'to.

"Oo na.Maupo ka na dun,hintayin mong matapos itong niluluto ko"

"Ako na diyan,ikaw ang maupo do'n" Nagpumilit pa siya kaya pumayag na lang ako.

Habang kumakain kami ay naisipan kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagtawag sakin ni Tim kanina.

"Oo nga pala,tumawag kanina si Tim" sumama ang mukha niya ng banggitin ko si Tim.

"Akala ko ba hindi na kayo nag-uusap" aniya.

"Tumawag siya eh kaya sinagot ko"

"Ano namang pinag-usapan niyo?" usisa niya.

"Ano kase,niyayaya niya 'kong lumabas"

"Pumayag ka naman?" Tumango ako.

"Oo" pagsasabi ko ng totoo.

"Hindi ka aalis.Dito ka lang"

"Cookies naman eh,pumayag ka na"

"Hindi.Sinabi ko na sayong ayaw kong nakikipag-usap sa kaniya tapos makikipagkita ka pa.Hell,no"

"Please? Pumayag ka na.Sasabihin ko lang naman sa kaniya na tigilan niya na 'ko eh" pagpupumilit ko.

"Titigilan ka na nun 'pag nakita niya na tayo.'Matik na yun" Napabuntong-hininga na lang ako.

Wala naman akong magagawa eh.

Kinahapunan ay hindi ako mapakali dahil ngayon ang oras ng pagkikita sana namin ni Tim.

"Cookies,hindi mo ba talaga 'ko papayagan?"

"Hindi kaya wag ka ng magpumilit" napanguso na lang ako at itinuon ang atensiyon sa TV.

Biglang nag-ring ang phone ko,tumatawag si Tim.

"Sino 'yan?" tanong sakin ni Cookies.

"Ako na ang sasagot" sabi ko na lang at tatayo na sana para lumayo ng kaunti sa kaniya pero hinila niya ulit ako paupo.

"Dito ka lang" Sinagot ko na ang tawag.

"H-hello?"

"Lexie,nasaan ka na? Papunta ka na ba?" tanong ni Tim sakin.

"Sorry,hindi na ko makakapunta----" naputol ang sasabihin ko nang agawin sakin ni Cookies ang cellphone ko.

Pilit ko itong inaagaw sa kaniya ngunit iniiwas niya ito at dahil mas matangkad siya sakin
ay hindi ko ito magawang maagaw sa kaniya.

Napapakamot sa ulong umupo na lang ako.

"Hindi na makakapunta ang girlfriend ko,may date kami ngayon" sabi niya dito at saka ibinaba ang phone.

"A-ano?" nauutal kong tanong sa kaniya dahil ang sama ng tingin niya sakin.

Nabigla pa ko ng itulak niya ko sa sofa at paibabawan.

Umusbong ang kakaibang kaba sa dibdib ko ng unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin.

"A-anong gagawin mo sakin?" Nauutal pa rin'g tanong ko pero hindi niya ako sinasagot.

Napapikit na lang ako dahil kaunti na lang at magdidikit na ang mga labi namin.

"Magbihis ka,may date tayo mamaya" Naramdaman ko pa ang init ng hininga niya sa tenga ko.

Umalis na siya sa ibabaw ko.

Aaminin kong nadismaya ako dahil akala ko kung ano ng gagawin niya,bubulong lang pala.

Hay,ang dumi naman kase ng iniisip ko.

Makapagbihis na nga.

He's My RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon