Para kay Gabriel, iisa lamang ang multong hindi niya magawang takasan. Ang multo ng kaniyang nakaraan na nag-ugat sa biglaan na lamang pagkawala ng pinakamamahal na kasintahang si Eleanor. Umasa siya hanggang sa huli na muli niya itong makakapiling ngunit nawasak ang lahat ng pag-asa niyang ito nang dumating sa buhay niya si Celene. Pinatunayan sa kaniya ni Celene na si Eleanor ay hindi isa lamang multo ng nakaraan kung hindi isang tunay na multo. Isang kaluluwang-ligaw at naghahanap ng hustisiya. Sa kaalamang iyon, tila pati ang kaluluwa ni Gabriel ay mistulang naligaw. Kung paanong sinubukang isalba ni Celene ang kaluluwa ni Eleanor ay sinubukan niya ring isalba ang kay Gabriel sa pamamagitan ng kaniyang pagmamahal. May isa lamang problema: hindi nito magawang iukol sa kaniya ang pagmamahal nito para sa dating kasintahan. Matagpuan pa kaya nito ang daan patungo sa kaniyang puso o mananatili na lamang itong naliligaw habang-buhay?