[ WATTYS 2021 WINNER | Fantasy ] [ TALE #1 ] Noong siya ay musmos pa lamang, laging kinukuwentuhan ng kaniyang ina si Yuyami tungkol sa isang mundong puno ng hiwaga, ang Evernight. Laman ng kuwento nito ang tungkol sa Maleficis, ang dakilang mangkukulam, at kung paano niya pinakalat ang pag-aalala, takot at kadiliman sa buong kalupaan na iyon. Laman din nito ang iba't ibang tauhan na may taglay na kapangyarihan. Lumaki siya na akala niya ay kakaiba siya dahil sa taglay niyang katangian. Kaya niyang maglabas ng usok at magpagaling ng mga sugat. Kaya niya ring gumawa ng liwanag at maging taong lampara. Paano kung totoo pala ang kakaibang mundo na laging binabanggit ng kaniyang ina noon at nabibilang siya roon? Paano kung mapadpad siya sa mundo na akala niya ay kathang-isip lamang? Ngunit sa pagdating niya roon, kailangang maitago niya ang kaniyang katauhan. --- Simula: January 2021 Wakas: May 2021 (COMPLETED)
54 parts