The Forbidden Desires 57

61.7K 1.2K 75
                                    

(TFD) Chapter 57

-----Skip if you can't tolerate torture-----




"I will not choose! I will not kill anyone!" I shouted at her, shocked.

Uutusan niya akong pumatay? Hindi ako katulad niya na mamamatay tao! Kahit galit ako sa isang lalaki na nakaluhod at nakayuko sa harapan ko ay hindi magiging sapat ang galit ko para patayin siya! Masiyadong mababaw iyon at hindi makatao!

Mahina siyang tumawa sa tabi ko na hindi bumubukas ang labi. Kinasa niya ang baril na ipinipilit niya kanina sa akin at itinutok sa matandang halos hindi na makaluhod ng maayos dahil mukhang pinahirapan nila bago dalhin dito.

"What-"

Hindi pa ako tapos sa pagtatanong ay pinaputok na niya ang baril. Napaatras ako at napasigaw. Ang aking mga kamay ay lumipad papunta sa aking bibig. Nanlalaki ang mga mata ko sa takot at gulat.

Ang matandang lalaki ay naliligo na ngayon sa sarili nitong dugo matapos niyang barilin ng dalawang beses sa ulo. Ni hindi niya binigyan ng pagkakataon na magmakaawa.

Nanghina ang mga tuhod ko at napabalik paupo sa kinauupuan ko kanina. Nakabukas ang aking mga labi. Nakanganga at nasindak sa biglaang pagkamatay ng matanda.

Humagulgol ako at pumikit. Ang mga palad ay mariin na nakatabing sa aking bibig, kinukulong ang ingay ng paghagulgol ko. Ang batang katabi ng matanda ay natalsikan ng dugo at umiiyak na rin ngayon.

"Choose, Liviya. I'm not patient. I will give you ten seconds."

Tiningala ko siya at tama nga ako na kaya niyang pumatay nang hindi kumukurap at nakangiti. Her lips curved. She could smile like a sweet angel and she could kill like a demon.

"What are you?" I whispered with my trembling voice. Hindi ako makapaniwala. Hindi siya tao.

"I am your mother-"

"You are not my mother! You are a psychopath!"

"There's no time for pity. If they are your enemy, torture them. If they betrayed you, kill them. If you are bored and you feel like killing, shoot them. Consider this as your practice, Liviya. Kung ito pa lang hindi mo na magawa, baka mas hindi mo kayanin sa mga susunod pa," she lectured me as if she were a good mother.

At sa susunod? Ano ang ibig niyang sabihin na sa susunod? Ano pang balak niyang gawin sa akin?

"I don't want to be your daughter! I don't want to be your heir! Why are you doing this?!"

"I have no time for chitchat. Choose now or I will kill that little girl."

Napatayo ako nang itutok niya ang baril sa bata. Hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya na ikinatawa niya.

"Innocent people are your weaknesses, Darling? If I were you, I will choose this innocent little girl so that you can overcome your weaknesses."

"I will not do that because I am not you!"

She chuckled then looked at her men who's kneeling in front of us.

"Kung ganoon, nakapili ka na? Are you choosing him?"

Hinarap niya akong muli at inilahad ang baril. Nakangiti siya at magaan ang tingin sa akin. Nababaliw na siya. Hindi siya mukhang normal. Her smile proved that she's a lunatic. She's a mental who's craving for blood.

"You said you are my mother?" My voice trembled.

Natatakot ako ngayon pa lang na pilitin niya akong gawin ang ayaw ko.

"Yes."

Tumayo ako ng maayos para magpantay ang mga mata namin. Pero hindi ko pa rin siya naabot dahil nakasuot siya ng mataas na sapatos.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon