The Forbidden Desires 21

101K 2.2K 173
                                    

(TFD) Chapter 21

I declined their offer immediately. Kaya lang, kinausap ako ng Professor na bibigyan daw ako ng ilang araw para pag-isipan. Nalaman nila kay Neth na home schooled ako at pagkakataon na raw iyon para makasalamuha ko ang ibang tao at makilala ako rito sa school.

I could gain more acquaintances and friends if I participate. Hindi naman ako naghahangad ng mas marami pang kaibigan. Neth's circle of friends is enough. This is also a good opportunity. I am giddy and excited about the new experience they have to offer but I have no plans to embarass them.

Wala akong alam sa pag-akting kaya paano ko magagampanan iyon? Baka magkalat lang ako sa stage. Mga importanteng tao pa naman daw ang dadalo. Ang may-ari ng paaralan at mga bigatin na magulang ng mga estudyante. Inimbita rin yata ang mga outsider na naghahanap ng talent at ilan sa mga media. They will expecting good show and blast theater acting at hindi ko alam kung kakayanin kong humarap sa ganoon karaming tao.

"Calix is a good theater actor. He can guide and teach you. Think about it thoroughly Miss Alvarez. I can give you a week to decide."

Calix isn't a regular student here. Irregular lang ang klase niya dahil tapos na siya at isang subject na lang ang pinapasukan. Kaya rin marami siyang oras para rito at hindi na kailangan i-excuse sa ibang klase hindi kagaya ko. May maiiwan akong subject. Magiging mataas ang grado nito pero gusto kong makuha ang mataas na grado sa lecture at hindi sa theater.

"Ano na, Athena?" Kausap ko sa aking sarili.

Nakayukyok ako sa study table ng kwarto at nakapikit na iniisip iyon. Kahapon pagkapasok ko at noong isang araw paulit-ulit akong kinukumbinsi ng Prof pati na rin ng mga kaibigan nina Neth at Calix. Kailangan kong magdesisyon ngayon kasi bukas na magsisimula ang praktis kung papayag ako. Kung hindi ko tatanggapin, hindi ko na dapat sayangin ang oras nila sa paghihintay ng sagot ko. Kung papayag ako sa inaalok nila, hindi ko na dapat patagalin at magsimula na agad-agad. Ayokong magpa-importante dahil lang marami ang naghihintay sa sagot ko.

Marahan ang naging pagmulat ng mga mata ko nang marinig ang nagkakatuwaan sa labas. Nakasanayan ko na araw-araw ang pagkarinig sa boses ni Penny. Nag-angat ako ng ulo at nagpangalumbaba. Hindi na ako tumayo kahit narinig ang boses ni Penny sa labas. Ang sabi ni Gineth, siguro raw ay girlfriend na iyan ng kuya niya. Matagal na raw iyang may gusto kay Silas pero ngayon lang binigyan ng pansin. Mas maganda nga na pareho kaming mayroon pinagkaka-abalahan. Siya sa girlfriend niya at ako naman ay sa theater na inaalok nila Calix. Sana lang talaga hindi ako ang makasira sa grupo nila.

"How's school, Athena? May manliligaw na ba?" May panunukso kay Penny.

Nasa bintana ng sasakyan ang tanaw ko. Nasa front seat ulit si Penny. Araw-araw siyang nasa bahay at naka-abang. Malapit lang ang bahay nila sa bahay ni Silas kaya kahit lakarin lang makakapunta siya. Kulang na lang doon na rin siya tumira sa bahay.

"Nasa eskwelahan iyan para mag-aral at hindi para magpaligaw," si Silas ang sumagot.

Nagtama ang tingin namin sa salamin. Binalik ko ang aking tanaw sa bintana. Hindi na ako umimik. Silang dalawa ni Penny ang nag-uusap. Pagkababa ko sa sasakyan, katulad ng araw-araw na ginagawa'y kumakaway ako habang pagpasok sa gate para umalis na sila. Hindi ko alam kung saan sila nagpupunta pagkahatid sa akin. Babalik ba sila sa bahay o may iba pa silang gagawin? Hindi ko pa sila narinig na magkasamang pumasok sa kwarto ni Silas. Siguro kapag nasa school kami ni Neth at walang tao tsaka sila nagkukulong sa kwarto niya?

I exhaled heavily and stopped thinking about them. Kung ano man ang gawin nila'y hindi ko na dapat iyon pino-problema. I continued to walk. Like the usual busy days, we studied in the library and they convinced me again about the play. Alam ko na ang desisyon ko pero hindi ko naabutan si Sir Ortiz. Nagkaroon yata ng emergency kaya bukas o sa susunod na araw na lang kami mag-uusap tungkol sa inaalok niya.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon