The Forbidden Desires 19

103K 2.1K 205
                                    

(TFD) Chapter 19

Nagising ako na madilim ang kwarto. Mayroon nakabukas na ilaw at kaonti lang ang ibinibigay na liwanag. Hindi ako kaagad bumangon. Pinagmasdan ko muna ang kisame sa madilim ko na kwarto. Panaginip ba iyon? Parang totoong totoo.

May pitik pa sa ulo ko pero hindi na masakit hindi katulad noong kanina. Kumunot ang aking noo. Kanina? Kanina, nasa banyo ako ngunit nasa kama na ako ngayon. Naiwan sa panaginig ang isip ko nang itinukod ko ang aking isang braso sa kama at inikot ang paningin sa paligid. Ina-adjust ko ang paningin sa dilim at pinaliit ang mga mata para matitigan ng mabuti ang nakahiga sa sahig ng kwarto ko.

Nakatihaya siya ng higa. Walang unan kung hindi ang isang malinis na puting sapin lang na hinihigaan niya. Malamig ang sahig ng aking kwarto at matigas dahil wala naman carpet na sapin. Wala ring sofa na pwedeng mahigaan. Study table lang ang nandito. Isang swivel chair, cabinet, dresser, at malaking kama.

Si Silas, tulog at nakaunan sa isang braso niya. Ang isang kamay ay nakapatong sa matigas niyang tiyan. Magulo ang buhok. Nakaitim na sweatpants at abo na v-neck shirt. Maingat at walang ingay ako na lumapit sa gilid ng kama upang matitigan siya. Panaginip ba iyon? Kaugaling-kaugali at kamukhang kamukha niya ang nasa panaginip ko, pinabata lang ang itsura.

The warm feeling in my dream, I carried it until I wake up. Mainit at payapa ang tibok ng puso ko ngayon kabaligtaran ng naramdaman ko bago ako nawalan ng malay. Bilang siya si Silas, naramdaman niya ang titig ko. Alerto siyang nagmulat ng mga mata. Nagtama ang tingin namin kahit sa gitna ng dilim. Hindi siya gumalaw. Tinitigan niya lang ako.

"Bakit diyan ka natutulog?" Nakangiti at magaan na tanong ko.

Bumangon siya paupo. Ang isang kamay niya ay nakalapat sa semento bilang pang suporta sa kanya. Binaluktot niya ang kanyang isang tuhod at ipinatong doon ang isa pa niyang kamay. Nasa dulong gilid ako ng kama at bahagyang nakayuko kanina para pagmasdan siya. Kaya naman ngayong nakaupo siya'y magkatapat ang aming mukha. Isang dangkal lang ang layo namin pero hindi ko siya pwedeng hawakan. Habang nagtatagal ang titig ko sa kanya'y natatanto ko na totoong nangyari ang panaginip na iyon. Ang litrato. Ang kwintas. At si Silas.

"Kuya Silas," wala sa sarili na naibulong ko sa hangin. Uminit ang mata ko.

Ang malalim na paninitig niya ay napalitan ng irita. Napangiti ako dahil ganitong ganito rin ang itsura niya sa panaginip ko. He was still the always irritated Silas. He just more physically matured now.

"Do I still look like a princess to you, Silas?"

I smiled warmly, the same warm when I was eleven years old. A little girl who's looking at the mirror with her burning cheeks. He relaxed a bit but he didn't speak. He just sit there and stared at me in the dark.

"Do you still think I don't need a prince?" I asked again. Testing him. It was him, right? It was real? I need to get the answer based on how he will react.

Lumaki ang ngiti ko sa pagbalik ng irita na nakaguhit sa mukha niya. Masaya ako pero malungkot. Magkaiba ang nararamdaman ko noong araw na iyon at ngayon. She was dazed and elevated then, while I am scared and agitated now.

"No-"

"What do I need? A knight in shining armor?"

The eleven years old girl wants to giggle. On the other hand, the twenty two years old woman could do nothing but stare at Silas who was also staring back at her. He's real. That dream is real. That's the reasom why I feel something between us that I can't put into words. Kaya't unang pagkikita pa lang, may special na akong nararamdaman.

Ang panaginip na iyon parang kahapon lang nangyari. Nawala ang irita sa mga mata niya at bahagyang umawang ang labi niya nang may mapagtanto sa mga tanong ko. Nangilid ang luha ko. Sa nakikita ko sa mga mata niya'y sinasabi ng mga ito na totoong nangyari ang inakala ko na panaginip lang. At hindi ko alam kung mas gugustuhin ko ba iyon na maging panaginip na lang. I want it to just stay a dream, but here he is in front of me, giving a hint that all of that is real.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon