The Forbidden Desires 11

109K 2.3K 347
                                    

(TFD) Chapter 11

Humina ang signal kaya nawala ang mga kausap niya. Tumayo si Neth at itinaas kung saan-saan ang hawak na phone para lang makasagap ng signal.

Tumigil ang duyan na kinauupuan ko dahil si Neth ang nagtutulak nito kanina. Pwede ko naman itulak, kaya lang nahihiya naman akong gumalaw dahil nasa gilid ko si Silas.

"What have you been studying online?"

Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa magkabilang gilid ng inuupuan kong duyan na bakal. Pagilid kong sinulyapan ang ginagawa niya. Bigla na lang kasi siyang nagtanong. May naganap na pagtatalo sa pagitan namin pero kung magtanong siya ngayon, parang hindi nangyari iyon.

Pinitik niya sa malayong parte ng lupa ang upos ng sigarilyo na mayroon pang baga. Umikot pa iyon bago tuluyang bumagsak sa lupa. Pinagmasdan niya ang ibinato niya na upos at hindi ako agaran na nilingon. Gilid lang ng panlalaking itsura niya ang kita ko. Natatamaan siya ng ilaw ng poste na nasa itaas kung saan siya nakasandal.

His lips were red and wet. Kahit naninigarilyo hindi nangingitim ang labi niya. Paulit-ulit niyang binasa ng dila ang labi niya na parang inaalis ang lasa ng sigarilyo na kumapit doon. Maangas siyang dumura sa lupa at inapakan iyon para matabunan ng lupa bago nagawang mag-angat ng tingin sa akin. Napipigil ko ang paghinga sa tuwing nasa akin ang mga mata niya. Kung sa ibang lalaki'y nakaka-turn off ang ginagawa niya. Pero pagdating sa kanya, bakit ganito? Para akong tanga na natutulala sa bawat kilos niya.

Nakapaloob sa magkabilang bulsa ng pantalon niya ang kanyang mga kamay. Naka-topless pa rin siya at kita ang mamahalin na brand ng kanyang boxer briefs. I am certain Calvin Klein will offer him to be one of their models if they saw him right now. Tinaasan niya ako ng kilay at tsaka ko lang naalala ang tanong niya. Kumibot ang labi ko at dinala kay Neth ang tingin. Mayroon na ulit itong kausap sa phone.

"Is it confidencial?" He asked coldly and a little bit annoyed.

"Not...really..." Marahan akong umiling. "Ah... Agriculture Economics... Farm Management and...about business."

Tumaas ang kilay niya.

"Do you study all of that at the same time?" He asked. He looked amused.

Unti-unti akong tumango. Ginawa ko na rin libangan ang pag-aaral. I like the buildings in the city but I more love the country sides.

"I see..." Umangat ang gilid ng labi niya. "You will have to study hard. Tagapagmana ng hekta-hektaryang lupain..."

Hindi ko matagalan ang tingin niya habang nakangisi sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at sinubukan i-duyan ang inuupuan. Bigla akong na-conscious nang punahin ni Neth na madalas akong nakatitig sa kuya niya kahit hindi naman talaga. Curious lang kaya nagtatagal ang tingin ko.

"Is it hard to be home schooled? Not being around with other poeple like they cut you off from everyone?" Mahinahon at mabagal ang pagtatanong niya.

Nang muli ko siyang lingunin ay nakayuko siya sa lupa. Sinisipa niya ang ilang bato roon na maliliit. Mapungay ang mga mata at parang nakakalungkot na bagay ang itinanong niya sa akin. Tumikhim ako at tinigilan ang katititig sa matangos niyang ilong at perpektong pagkakaukit na panga. Marahan din na hinihipan ng hangin ang makapal na buhok niya.

"At first, mahirap. Kalaunan nasanay na ako. Besides, hindi naman ako nalulungkot sa hacienda dahil marami akong pwede na mapaglibangan at makausap na mga tauhan. Wala akong masiyadong kaibigan na kaedad ko at hindi ako nag-aaral sa totoong school pero hindi naman ako nag-iisa." Nakangiti na sagot ko.

Nakatingin ako sa kanya. Sandali siyang hindi umimik, malalim ang iniisip. Maya-maya, may gumuhit na maliit na ngiti sa labi niya.

"Glad to hear that..."

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon