Silas' (POV) 03

62K 1.5K 174
                                    

Silvanus POV 03



Wala akong tigil sa kabubuhat ng kahit anong equipment sa loob ng kwarto ko para lang mapagod at pagpawisan. Isang araw pa lang para na akong mababaliw sa amoy niya. Ang dalas kong magmura sa isip lalo na't alam kong nasa katabing kwarto ko lang siya.

"Shit!" I exhaled heavily and stopped lifting the dumbbell.

Nakahubad akong nagtungo sa kwarto niya dahil hindi ko na matiis. Kahit isang silip lang. Kahit hindi ko siya mahawakan.

Napatayo siya mula sa pagkakaupo, nagulat dahil sa biglang pagpasok ko. Tinigasan ko ang anyo habang naglalakad palapit sa kanya. Itinatago ko na kinakabahan ako lalo na at nakatitig siya sa hubad at pawisan kong katawan.

"What's that?" I asked, looking at the notebook on her study table.

Nilapitan ko iyon at binuksan. Kung babasahin ko, malalaman ko ang laman ng notebook. Kaya lang...nawala roon ang atensyon ko dahil nakatitig si Athena sa katawan ko habang nasa malapit ako.

Kahit malamig ang hangin na nanggagaling sa labas ng kanyang bintana ay parang sinisilaban pa rin ako sa mga titig niya. Wala naman malisya sa kanya pero kahit ganoon ang lakas ng epekto sa akin. Damn it, woman. Don't stare.

Bakit nakatitig ito? May gusto ba siya sa akin? I tried to secretly look at her. I felt disappointed when I realized that she was looking at my scars. Yumuko ako at napatingin na rin doon.

"These are gunshots..."

Napasinghap siya at nagtatanong ang mga mata. Kaya bago pa magtanong ng marami, dinagdagan ko na.

"We will go to your school. Sasamahan kita mag-enroll."

Ngayon na nasa akin siya. Ako naman ang magdedesisyon para sa kanya. She have to follow my rules or else, she will be in danger again. Hindi sa ibang tao kung hindi sa akin.

Isasama ko naman talaga siya sa rest house ng tita ni Elle. Gusto ko lang magsungit sa kanya para layuan niya ako at hindi ako basta-bastang hawakan. Napansin ko kasi sa kanya na masiyado siyang kumportable at gustong maging malapit sa akin.

She don't know what she's doing. Nasa impyerno na ang isang paa niya noong araw na sinundo ko siya sa mansion nila. Kung isasampa pa niya ang isa pa, hindi ako magdadalawang isip na isama siya sa akin sa impyerno. Before that could happen, I had to stop her.

"If not because of uncle, your grandfather. I won't let even the tip of your hair stick on me. I always hate your presence near me. I don't want to see you. I don't even want to hear your breath."

Stay away from me, Athena. I'm no good. I'm dangerous for you. Mapapahamak ka kung didikit ka sa akin. Hindi ako magaling magpigil pagdating sa 'yo.

"She's ignoring you."

Si Elle iyon at pasimpleng itinuro si Athena. Hawak ko ang baril nang sinulyapan ko si Athena. Nakaupo siya at kasama si Gineth.

"What did you tell her? Bakit ang init ng ulo mo sa pamangkin mo-"

Mabilis kong sinamaan ng tingin si Elle.

"Hindi ko siya pamangkin."

Tinawanan niya lang ako.

"Pinsan mo ang nanay niya. Sige nga. Paanong hindi mo siya pamangkin? Halos kaedad lang siya ng bunso mong kapatid pero pamangkin mo siya-"

"Give me back my colt walker revolver. Kung uulitin mo pa iyan, babawiin ko ang lahat ng baril na ibinigay ko sa 'yo-"

"Don't tell me, you don't want her to be your niece because you like her?" Nanlaki ang mata niya at nakangisi.

Tinitigan ko siya at napagtanto na hinuhuli niya lang ako at nagpahuli naman ako. Fuck!

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon