The Forbidden Desires 63

66.9K 1.5K 140
                                    

(TFD) Chapter 63






Mahinang boses ni Silas ang narinig ko. Mariin ang salita ngunit pabulong. Tingin ko'y iniingatan niya na hindi ma-distorbo ang tulog ko. Nakatagilid ako sa pagkakahiga. Bago kami matulog ay nasa likuran ko siya at nakayakap. Ngayo'y nakatayo siya, nasisinagan siya ng liwanag ng buwan sa tapat ng bintana.

"I don't mind losing my job! I don't mind my rank! Damn it!" His thick eyebrows were attractively furrowed as he talking angrily. "Tanggalin nila hangga't gusto nila!"

Galit at marahas ang anyo na nakinig siya sa kausap. Kagigising ko lang. Nakabalot sa akin ang bulaklaking manipis na kumot at ang unan ay luma at hindi ganoon kalambot.

"I know..." Umigting ang panga niya. "My woman is not a criminal. She involved her because she wanted to take her. Gusto niyang maging wanted ang girlfriend ko para mas madali niyang mahanap. She has power but she can't find us in just days or weeks."

Tumigil ulit siya. Pumikit siya ng mariin at nawawalan ng pasensya na sinabunutan ang buhok. Gumulo iyon nang bitiwan niya at marahan na hinipan ng hangin na nanggagaling sa bintana kung saan siya nakadungaw. Madilim pa sa labas at mukhang kaming dalawa pa lamang ang gising.

"I need your help, General. Karamihan sa kanila'y hawak ni Madrina. You know you are the only one I can trust here," mahina ang boses niya ngunit madiin.

He licked his lips then chuckle. Mukhang nakakatawa para sa kanya ang sinabi ng kausap niyang Heneral. Napalabi ako. Kahit sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw niya'y napakaganda niyang pagmasdan.

"You are kidding, right? Hindi ko ibubuwis ang buhay ko kung hindi ko siya mahal!"

His eyes darkened and the moonlight reflected on his dark eyes.

"That was different. I risked my life because that was my duty. I saved lives but I won't be in that job if not because of Athena."

Kinagat niya ng mariin ang kanyang ibabang labi. Nasa sahig na ang tingin niya habang nakikinig sa sinasabi ng kausap. Tinanggal niya ang pagkakakagat sa labi niya't nilingon ako. Mukhang naramdaman niya na mayroon nakatingin sa kanya. Sandali siyang natigilan nang makitang gising na ako.

"I can't tell you right now. She's awake. I'll call you again, General. Thank you."

Humakbang siya palapit at itinukod ang dalawang braso sa magkabilang gilid ko para ikulong ako. Napapikit ako nang bumaba ang kanyang mukha at halikan ang aking noo.

"I heard what happened...I'm sorry..." He whispered hoarsely after kissing the tip of my nose.

"You heard what? You heard that I killed?" Tanong ko. Binase ko sa narinig kong mga sagot niya sa kausap niya.

"Yes and I'm sorry. Hindi kita kaagad nakuha. I want to take you back the first day. Pinigilan ako nila Nilo at Greg kasama ng mga kasamahan ko. We have to execute a plan before going inside. Kung pumasok ako kaagad baka nahuli rin ako at hindi kita naitakas."

Tumango ako at pinasadahan ng dalawang daliri ang salubong niyang makakapal na kilay. Nakakunot iyon at halos mag-isang linya. Na para bang dismayado at nagagalit siya sa sarili niya.

"Mabuti na rin at pinigilan ka nila. In just two weeks, I saw how cruel she was. Kung nahuli ka nila at sa 'yo gawin ang mga nakita kong pagpapahirap... Baka nabaliw ako... Hindi ko kakayanin na makitang sa 'yo iyon ginagawa, Silas," nanginig ang boses ko sa huling salita at nag-init ang mga mata.

Hindi ko kakayanin kung nasaktan siya ni Madrina. Nakalimot ako noong unang masaksihan ko ang pagpapahirap sa kanya. Kung mauulit iyon, tuluyan na akong mawawala sa katinuan.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon