The Forbidden Desires 40

81.7K 1.7K 182
                                    

(TFD) Chapter 40


I was fine at first. Kaya lang sa mga sumunod na araw pumapait na naman ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung sa play ko ito natutunan, pero hindi mababakas sa akin na masama ang loob ko kahit pa nakikita ko sila ngayon sa hagdan.

Pababa ako sa hagdan nang maabutan ko ang ayos nila. Walang t-shirt na suot si Silas at magulo ang buhok. Hawak niya si Cassiel sa bewang. Manipis lang na pantulog ang suot nito. Sigurado rin ako sa nakita na wala siyang suot na bra.

Umatras ako para hindi nila mapansin na may tao sa second floor. Sa ayos nila, parang nadulas yata sa hagdan ang babae at nasalo niya lang. Ngunit dahil alam ko na may nakaraan sila, sumama lalo ang pakiramdam ko sa nakita. Marami na akong naiisip na kung anu-ano lalo nang marinig kong magtanong si Silas kung saan siya nasaktan.

"I think I sprained. I can't walk..."

Pagkasilip ko. Alalay na niya ang babae sa bewang habang paakyat sila sa itaas. Sa pagkakarinig ko'y sa kwarto ni Cassiel sila patungo, na dating kwarto ko.

Nasa iisang floor sila at alam ko naman ang nagaganap sa amin noon ni Silas. Kapag tahimik lang wala naman maririnig sa ibaba o sa sala. Paano kung ganoon din ang ginagawa nila? Kaya siguro hindi niya ako pinupuntahan sa kwarto ni Gineth dahil abala sila ni Cassiel sa ibang bagay sa itaas.

"Athena!"

Natigil ako sa akmang paglabas sa pinto ng classroom nang tawagin ako ni Calix. Ngumiti ako. Pagkatapos ng play medyo dumistansya ako sa kanya. Hindi ko kasi talaga inasahan ang halik niya sa play. Pakiramdam ko, na-corner niya ako para ituloy ang huling scene kahit pa labag naman iyon sa loob ko.

"Pauwi ka na?"

"Hindi pa. Pupuntahan ko sila Neth-"

"Sasabay na ako!"

Nauna siyang lumabas. Huminga ako ng malalim at sumunod na lang sa kanya. Bukod sa ginawa niya sa play noon wala naman na siyang ginawa na masama sa akin kaya hindi nararapat sa kanya ang malamig na pagtrato ko.

Ayaw ni Silas pero hindi naman maiiwasan lalo at sa iisang school kami nag-aaral ni Calix. Tahimik lang kami na naglalakad at hindi magka-hawak kamay pero pinagtitinginan kami ng mga estudyante na nakapanuod sa play. They may now think we are an item. Because the kiss we shared in the last scene of the play was intimate and hot.

Hindi naman kami nagsasalita ni Calix sa issue na iyan dahil wala naman nagtatangka na magtanong bukod sa mga kaibigan namin. Wala kaming pinag-usapan pero parang nagka-sundo kami na parehong ignorahin na lang ang mga tao sa iniisip nila.

"Are you mad?"

Nabibigla akong napalingon sa kanya. Sa loob ng ilang buwan, ngayon lang niya ako tinanong tungkol dito. Kahit hindi niya sabihin kung saan patungkol ang tanong niya, nakuha ko na kaagad.

"Hindi, Calix." Umiling ako at ngumiti ulit sa kanya. "Just a bit disappointed but I'm not mad or angry."

"I'm sorry for that kiss. I...got carried away and-"

"No need to say sorry, Calix. Just forget about it. It's fine now..."

Ngumiti ako. Ngumiti rin siya. Nagtagal ang tingin niya sa akin. Kinabahan ako at hindi na nabigla sa sunod niyang tanong.

"You look close to Neth's older brother," he said seriously. He looked away when I glanced at him.

"Oo. Siyempre, magkasama kami sa bahay."

Hindi ko maiwasang kabahan lalo nang ibalik niya ang mapanuri niyang tingin sa akin. Umiwas ako.

"And you should be close to him because he's your uncle?"

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon