The Forbidden Desires 24

102K 2K 196
                                    

(TFD) Chapter 24



Hindi ako mapakali sa kwarto. Lalo na nang marinig ko na natahimik sila sa ibaba. Pabalik balik ang lakad ko sa tapat ng study table. Uupo ako para manuod sa laptop pero nasa malayong parte naman ang isip ko. Kaya itinigil ko na lang ang panunuod.

I don't know but I was really feel irritated and uncomfortable thinking that Penny was downstairs with Silas. There's a pinch in my heart while thinking of them being together.

"Athena! Merienda?"

Nagdilang anghel si Neth nang marinig ko siyang kumatok at pababain ako para sa meryenda. Mabuti at nagkaroon ako ng dahilan na bumaba at makita kung ano ang ginagawa ng dalawa.

"Nagluto ako ng sopas."

Sabay na kami sa hagdan na bumaba. Mayroon siyang sinasabi sa akin tungkol sa mga kaibigan niya pero ang tingin ko ay nasa dalawang naglalampungan sa sala. Sinusubuan pa ni Penny si Silas na nakangisi naman at nagpapasubo rin. Pumait ang pakiramdam ko. Gusto kong mapairap sa isip ko dahil sa eksena nila na naabutan ko.

"Wala si Ate Laura kaya ako ang nagluto. Hindi ko alam kung masasarapan ka."

Nagkatinginan kami ni Silas pagkadaan namin ni Neth sa sala patungo sa kusina. Kanina na nasa itaas ako, gusto kong bumaba para makita ang ginagawa nila. Ngayon naman na narito na ako sa ibaba, gusto ko nang umakyat dahil masiyado silang masakit sa mata.

Sa kusina na kami kumain ni Neth. Naririnig namin ang nakaka-asar na hagikgik ni Penny. Si Silas, nakasandal at nakadipa ang mga kamay sa sandalan ng sofa. Nasa likod ni Penny ang isang braso niya. Nakatitig ako sa kanila nang igilid niya ang tingin at silipin kami ni Neth na nasa kusina.

Napangisi siya noong magtama ang tingin namin sabay hinaplos ang buhok ni Penny. Napalabi ako at napaiwas ng tingin. Kanina naman nakalapat lang ang braso niya sa sandalan ng sofa pero noong makita niya na nakatingin ako, bigla siyang naglalambing kay Penny at may pa-haplos haplos pa sa buhok nito.

Is he doing it intentionally? Why? To make me jealous and hurt me? Does he know my feelings for him? If so, I think he succeeded. Noon pa man, nasasaktan na ako na nakikita silang magkasama. Nililibang ko lang ang sarili ko at palaging itinatatak sa isip na hindi pwede ang nararamdaman ko. Ngayon na harap-harapan na niyang pinapakita na malambing siya rito, nasasaktan ako. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Kasi kahit na hindi pwedeng maramdaman, nararamdmaan ko pa rin.

"Sumama ka na mamaya, ha? Ipagpapaalam kita kay kuya!"

Naputol ang iniisip ko tungkol sa dalawa dahil sa sinabi ni Neth. Hindi ko maalala ang mga sinasabi niya kanina dahil okupado ako ng ibang bagay pero ang alam ko lang ay mayroon silang lakad ng mga kaibigan niya. Ngayon nga'y gusto niya akong isama.

"Sige. Kung...papayagan?"

"Papayag iyan kasi hindi naman tayo gagabihin at magpapaalam tayo! May rehearsal kayo bukas, hindi ba?"

"Oo-"

"Kasama si Calix mamaya!"

"Kung papayagan, Gineth..."

"Ako ang bahala! Ipagpapaalam kita!"

Pagkatapos ngang kumain, nagsabi si Neth sa kuya niya. Hindi pa ito nagsabi na papayag. Hinatid niya muna si Penny at pagkabalik sa bahay at saka pa lang niya kami hinarap ng kapatid niya.

"Saan ba iyan?" Tanong niya pagkalapag ng susi ng sasakyan sa lamesa.

Tumayo siya ng tuwid at sa akin tumingin.

"Sa bahay nila Raff kuya-"

"Mag-iinom kayo?" Napunta kay Neth ang mata niya.

Natameme ang katabi ko dahil mukhang mag-iinom nga base sa itsura niya.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon