The Forbidden Desires 34

118K 2K 335
                                    

(TFD) Chapter 34




He went back to the bathroom just like as he said before he left. After an hour, we both went down to the living room. Pareho pa kami na basa ang buhok kaya nag-alinlangan akong samahan si Neth sa sala kung hindi lumabas si Silas.

He plans to stop smoking. He promised that he would only smoke once a week this month and next month he would really quit. Kaya nasa labas siya ngayon pagkatapos magpaalam na maninigarilyo siya. Mula nang may mangyari sa amin ngayon lang ulit siya nanigarilyo kaya hinayaan ko siya.

"Isasama ka ni Kuya?"

"Saan?"

"Pinapapunta yata siya sa rest house kaya tumawag si Ate Laura kanina."

I looked at the main door. Natatanaw ko mula sa rito si Silas. Nakasandal siya sa madalas niyang pwesto habang naninigarilyo at mayroon katawagan. Nagsasalita siya habang nilalakad ang tingin sa loob ng bahay. Tinaasan niya ako ng kilay nang magkatinginan kaming dalawa. I just smiled at him and shook my head.

"I think he's leaving alone. Matagal pa ang bakasyon kaya hindi niya ako maisasama."

Umupo ako sa tabi ni Neth at tiningnan ang ginagawa niya sa laptop niya. She's editing a video. She likes to make videos at mukhang nagpa-plano siyang mag-post nito sa social media.

"Really?" Nagtataka niya akong nilingon. "Bakit ang sabi ni Ate Laura sinabi raw ni kuya sa kanya na isasama ka sa rest house? Isasama ka niyan! Kapag wala yatang pasok o kapag hindi mahigpit ang schedule sa school mo at saka kayo aalis!"

"Wala siyang binanggit," wala siyang binanggit habang nasa banyo kami. Abala kami sa ibang bagay kaya siguro nakalimutan na.

"Kung sabagay! Kanina lang naman siya nagsabi kay Ate Laura! Kabababa mo lang at hindi pa naman kayo nagkakausap ni kuya! Siguradong sasabihin niya sayo iyan mamaya!"

Hindi na lang ako sumagot. Pinanuod ko na lang ang pag-edit niya sa mga video. Magaling siya at mabilis ang mga kamay, sanay na sanay sa ginagawa. Natutuwa ako sa kaka-edit niya dahil sa kakapanuod sa ginagawa niya para ko na rin napanuod ang mga video niya. Ang ilan ay kuha sa kwarto niya at ang iba ay sa school. Nahagip pa ako ng camera habang kausap ko si Calix sa stage nang ituro niya kami at ipakilala sa mga viewers.

Hindi na ako nagulat sa tumabi sa akin. Pasimple nitong ipinulupot ang braso sa bewang ko. Nakaupo sa sahig si Neth at tutok sa laptop na nakapatong sa center table. Habang ako at si Silas ay solo ang malaking sofa, nasa likuran kami ni Neth at nakikitingin sa ginagawa niya.

"Ang dami niyong kuha ni Calix dito!" Si Neth.

Napabaling ako kay Silas na nasa aking tabi nang hapitin niya ako at higpitan ang hawak sa bewang ko. Nakita niya kasi sa video ni Neth na naroon kami ni Calix at maraming kuha na magkasama at nag-uusap. Nakakunot ang noo niya. Hinaplos ko siya sa pisngi habang walang tunog akong natatawa sa aking loob.

"Bagay kayo ni Calix, Athena!"

Nagmamadali kong naibaba ang aking kamay. Napatingin ako kay Neth. Sa laptop ito nakatingin. Mukhang kinikilig siya at hindi ako nililingon sa kanyang likuran, tutok na tutok sa video kung nasaan kami ni Calix.

"Kahit saan tingnan bagay talaga kayo! Ang sweet niyo rito, oh!" Nagawa niya pang ituro ang screen kung saan inaalalayan ako ni Calix.

Hindi niya yata alam na narito ang kuya niya. Napalabi ako at nangingiti sa nakita na biglaan na pagdilim ng mga mata ni Silas. Galit pa rin siya kahit nakapag-paliwanag na ako nang araw na iyon na hindi ko alam na hahalikan ako ni Calix.

"Nagulat ako sa kissing scene ninyo! Nagwala ang lahat ng tao! Grabe! Kinilabutan ako dahil hindi namin inasahan na may ganoon kayo na scene! Sa rehearsal kasi wala kaya nagulat kaming lahat!"

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon