The Forbidden Desires 50

77.7K 1.9K 458
                                    

(TFD) Chapter 50





Malikot ang mga mata ko habang lulan ng teresa at nakatanaw sa buong paligid ng rancho na abot ng aking tanaw. Nang walang makita na anino ni Silas ay napabuntong hininga na lang ako at nagpangalumbaba. I pouted and quickly regretted I didn't go to Tatang Nestor house this morning.

Pabalik balik ako rito dahil sa sinabi ni Silas bago kami maghiwalay kahapon. Ang sabi niya pupunta siya pero hanggang ngayon wala pa. Hapon na at mamaya didilim na ang langit. Hindi ko naman yata siya makikita ngayong araw. Kung alam ko lang hindi ko siya sinunod at nagpunta sana ako sa bahay nila Tatang Nestor.

Naghaharutan ang dalawa sa mga kaibigan ni Silas na bantay ko. Natatanaw ko sila mula sa malayo. Ang isa ay may kausap sa telepono. Hindi ko sila pwedeng lapitan dahil magtatanong si Lolo kung anong kailangan ko sa mga bantay ko.

Napaisip ako kung bakit ang tahimik ni Lolo kanina. Panay ang titig niya sa hapag kahit kumakain kami. Maging si Manang Lupe ay hindi nagsasalita. Iyon na yata ang pinakatahimik na pananghalian rito sa mansion.

Kung umalis si Grandpa dahil sa sakit, iisipin ko na baka may taning na ang buhay niya kaya panay ang titig niya sa akin na parang may gustong ihabilin na hindi naman masabi-sabi.

Siguro tungkol pa rin kay Silas? Iyon lang naman ang ikinagalit niya sa akin noon.

Kinabukasan masama ang loob kong nagising. Wala akong gana sa tanghalian at nagkulong ako sa kwarto nang kinahapunan. Wala talaga siyang paramdam. Bakit siya nangako na pupuntahan niya ako kung hindi naman siya darating?

Gabi na nang lumabas ako. Kahit masama ang loob pinilit kong puntahan si Avery para may makausap ako. Kahit hindi siya makasagot at least may nalabasan ako ng sama ng loob. Hindi pwede kay Manang Lupe lalo naman kay Grandpa. Kaya sa kabayo ko na lang.

Manipis na pantulog lang ang suot ko habang nasa labas ng kwadra ni Avery. Pinapakain ko siya kahit alam kong busog na siya. Kanina ko pa kasi siya pinapakain. Hindi naman siya umaangal at kinakain pa rin ang bawat i-abot ko.

"Akala ko ba darating siya kapag kailangan ko siya? Ang sabi niya kung nasaan ako naroon siya! Sinungaling pala siya, e! Pupuntahan niya raw ako pero dalawang araw naman siyang hindi nagpakita!"

Padabog kong inabot ang pagkain ni Avery. Humuni ito at iniwas ang mukha niya pero idinuldol ko iyon sa kanya, iniisip na si Silas siya.

"Siguro nandoon pa rin si Casiel! Huwag na siyang magpapakita sa akin!"

Hinabol ko ang mukha ni Avery. Humuni muli siya ng pag-ayaw sa pagkain na inaalok ko pero pilit ko siyang inabot kahit umatras siya.

Nakarinig ako ng mahinang tawa sa malapit kaya naibaba ko ang kamay ko. Madilim sa labas ng kabalyerisa at tanging binti lang ang nakita ko nang lingunin ko ang labas. Nakapamulsa ang lalaki na naroon. Nagsimula siyang maglakad papasok kaya namukhaan ko siya nang matamaan ng liwanag.

Umawang ang labi ko at muntik nang makalimutan na galit ako. He's wearing his usual army cargo pants and black fitted shirts. Kuminang ang military dog tag na suot niya nang matamaan iyon ng ilaw. Nakaka-intimida at nakakapang-hina kapag nakasuot siya ng ganito. Muli kong isinara ang nakaawang na labi at umismid. Pairap ako na nag-iwas ng tingin.

"Bakit ka narito?" Malamig na tanong ko, masama pa rin ang loob.

Hindi ko na pinilit si Avery sa pagkain. Hinayaan ko na lang siyang uminom ng tubig. Inabala ko ang sarili sa paghaplos sa buhok niya para maiwasang lingunin si Silas na nakapasok na ngayon sa kabalyerisa.

"Baka makita ka ni Grandpa rito. Umalis ka na," taboy ko.

Hindi siya kumibo. Natigilan ako sa paghimas sa buhok ni Avery at naisip na baka umalis nga siya. Napasulyap ako sa gawi niya upang alamin kung nandoon pa siya. Madalas kasi'y walang tunog ang kilos niya. Akala ko umalis na. Nang makitang naroon pa siya, mabilis kong nilihis ang mata at binalikan ang paghaplos kay Avery. Natawa ulit siya ng mahina. Mukhang napansin niya ang ginawa ko. Hindi ko siya narinig na nagsalita at tinatawanan lang ako kaya nilingon ko na. Nakaabang ang malaking ngisi niya paglingon ko.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon