The Forbidden Desires 28

115K 2.5K 366
                                    

(TFD) Chapter 28


"Napipilitan ka lang ba? Dapat hindi na tayo tumuloy!" Kunwari na reklamo ko pero ang totoo gusto kong matawa sa pagsusungit niya.

"You are saying that because you know we are already here!" Iritado na bawi niya.

Natanaw ko na kasi ang parking lot nang sabihin ko iyon. Na ang ibig sabihin lang ay nasa shooting range na kami. Kung kanina ko pa sinabi baka talagang ibalik niya. Pero dahil nandito na, wala na siyang magagawa.

Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi ng tatlong motor at dalawang sasakyan. Pagkababa namin, nakaabang kaagad ang nag-aalala na tingin niya.

"Don't babysit me, Silas! Nakakahiya sa mga kaibigan mo!"

"I don't think this is a good idea."

"But we're already here!"

"We can go back home anytime-"

Naputol ang sinasabi niya pagkalabas ni Nilo at makita ako. Sa akin siya unang napatingin kaya napangiti ako. Nakatalikod sa kanya si Silas. Sa akin nakaharap si Silas kaya nagtataka niya akong pinangunutan ng noo bago nilingon sa likod si Nilo na nginitian ko.

"Pumasok na kayo. Kanina pa kami nagsimula."

Tumango si Silas sa kanya at muli niya kaming iniwan sa labas. Pagkabaling ni Silas sa akin, wala na ang pag-aalala niya at napalitan na iyon ng nagdududang tingin.

"Kaya siguro gusto mong turuan kita kasi alam mo na narito iyan!"

Sa halip na matakot sa pagtaas ng boses niya, natawa pa ako. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Kahit noong unang beses ko siyang makita. Kahit masungit siya at hindi nagsasalita'y nakukumportable ako. Parang may espesyal na bagay sa kanya na kayang pakampantihin ang loob ko.

"Paano ko malalaman kung ikaw ang kausap nila? Ni hindi ko nga malalaman na makakasama natin ang mga kasamahan mo kung hindi mo binanggit-"

"Don't smile and don't stare at him too much," binantaan niya ako at saka tinalikuran.

Pumasok kami sa isang bahay. Ang mga pangkaraniwan na bahay ay mayroon itaas ngunit dito mukhang hindi iyon uso dahil pababa ang lakad ni Silas. Purong bato ang dingding at hagdan at paikot ang daan. Madilim pero mayroon maliliit na ilaw sa mga gilid, tama lang para makita ang nilalakaran.

"Madalas ka rito?"

Napatingala ako. Nakita ko kasi na ang bubong ay bato rin. Kulob na kulob ang loob. Naka-tatlong ikot na rin kami sa hagdan pero wala pa akong naririnig na ingay ng mga kaibigan niya.

"Hindi madalas. I just went here once in a while. I have my own firing range."

"Yung sa likod-bahay nang tita ni Elle?"

"That's not mine. I have my own."

"Kung ganoon may iba pa? Bakit hindi na lang tayo roon?"

Hindi siya sumagot at iginalaw lang ang mga balikat niya para sa isang kibit. Sa katatanong ko sa kanya'y hindi ko napansin na nasa dulo na kami ng hagdan. Nasa huling baitang na pero wala pa ring ingay. Umikot pa kami ng dalawang beses at doon ko pa lang narinig ang boses ni Chico at Michelle na nagkakaasaran na naman. Bumungad ang mga kasamahan niya. Nasa loob ng matibay na salamin si Bummer at nagsisimula nang bumaril.

"Paano kung lumindol? Nakakatakot dito. Puro bato at walang lalabasan."

"That's the use of emergency door?" Si Nilo, nasa tabi ko na pala.

Lumapit siya sa isang dingding doon. Emergency door daw pero wala naman akong makitang pinto. Nanlaki ang mata ko at nasagot ang tanong nang makita ang unti unting pagbukas niyon. How's that possible? Kung hindi gumalaw iisipin ko na nagsisinungaling siya at wala talagang daan.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon