The Forbidden Desires 39

83.1K 1.7K 681
                                    

(TFD) Chapter 39



"Sino ang bisita?" Iyon ang una kong naging tanong pagkababa namin sa sasakyan.

"I don't know," Silas shrugged his shoulders. "Maybe Gineth's friend?"

Napalabi ako at naglakad sa gilid ng sasakyan na nakaparada. Hindi kasi pamilyar iyon at kung sa kaibigan ni Gineth, dapat kilala ko ang sasakyan.

Nauna akong pumasok kaysa kay Silas. Naiwan siya para kunin ang mga pinamili namin sa grocery store pagkasundo niya sa akin sa school. Magluluto kasi ako para sa parating na christmas party. Pagkatapos niyon ay bakasyon na ng ilang linggo. Hanggang next year na 'yon pagkatapos ng bagong taon.

"Pauwi na ba siya?" Malambing na boses ang bumungad pagkapasok ko.

Nasa sala si Laura at mayroon kausap na magandang babae. She's wearing a sophisticated beige dress and black high heels. Blonde ang kulay ng buhok at maayos ang pagkakakulot sa dulo na aabot sa ibabaw ng pang-upo niya.

Umawang ang labi ko. She has a foreign face but she speaks tagalog. Hindi maalis sa akin ang mamangha. Para akong nakakita ng isang diyosa sa personal lalo nang humarap siya. Her face was out of this world, hindi alien pero mukhang galing sa ibang planeta o ibang mundo. Mukha siyang anghel at sobrang ganda niya. She looks older than me and yet she looks stunning. Magmumukha akong kaawa-awang pusa kapag naitabi sa kanya. I have never been jealous of anyone's face but I think I am insecure right now.

"Athena!"

I snapped back because of Laura. Nakapagtataka na masigla ang boses niya ngayon at pinapalapit pa ako sa kanila.

"Hi," nahihiyang bati ko pagkalapit.

"Hi!" Tumayo ang babae at inabot ang kamay niya. "I'm Cassiel."

"Si Athena iyan. Pamangkin namin," nakangiti si Laura.

Inabot ko ang kamay na in-offer nang babae. Ang lambot ng palad niya at ang init. Babae ako pero sobra akong na-attract sa kanya. Parang hindi ko kayang alisin ang mata ko.

"Athena. Si Cassiel. Ex girlfriend ni kuya."

Naging multo ang ngiti ko at marahan na binawi ang kamay ko sa babae. Napalunok ako at napatingin kay Laura. Nakangiti siya sa akin at pinapanuod ang reaksyon ko.

"Walang naging ibang girlfriend si kuya. Siya lang," dagdag pa niya.

"We broke up because my family needs to migrate abroad. Is he still single, Laura?"

"Oo. Malamang hinihintay ka. Wala naman naging iba iyan mula nang maghiwalay kayo."

"Wala? Kahit flings?"

"Siguro flings o mga parausan...mayroon..." Nilingon ako ni Laura. "Patago?"

Hindi ko alam kung tatakbo ba ako paakyat o pakikinggan ko pa ang mga pinag-uusapan nila. Nag-ugat ang mga paa ko at hindi ako makahakbang. Alam ko na tutol siya sa amin ni Silas pero hindi ko akalain na aabot dito ang pagtutol niya. Magdadala siya ng babae habang alam niya na mayroon namamagitan sa amin ng kuya niya. At ang malala, hindi lang ito basta babae dahil ex girlfriend ito ni Silas. Gusto niya pang iparating na fling ako ng kuya niya at parausan lang. Gusto niya akong masaktan para kusa akong umuwi sa hacienda.

"Yeah, right. I know him. He likes playing girls. Sa akin lang naman siya nagtino. Kung hindi lang siguro ako umalis," makahulugan na bitin nito.

"It's not yet too late. Ang sabi mo bumalik ka para sa kanya?"

"If he doesn't have someone maybe we can try again..."

"Wala pa! Magugulat siya kapag nakita ka!" Napabaling si Laura sa pinto. "Anyway, Kuya's here!"

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon