The Forbidden Desires 16

104K 2.4K 426
                                    

(TFD) Chapter 16


"Kumain na tayo. Nakapagluto na ako," pinasadahan niya ng tingin ang manipis na dress na pantulog ko. "May mga bisita ako sa ibaba. Huwag kang bababa na ganyan ang suot mo."

Ibinagsak ko ang tingin sa aking pantulog. Kagigising ko lang nang kumatok siya. Kahit madalas akong tanghaliin, wala siyang reklamo. Siya ang sumusundo sa akin sa agahan, tanghalian, merienda, at sa gabi'y ako naman ang madalas na magluto. Pagkatapos ng hapunan, sabay kaming naglilinis ng pinggan.

"Sige. Maliligo muna ako..."

Tinitigan niya ako. Tumango siya at saka niya isinara ang pinto. Hindi ako kaagad bumaba dahil nakakahiyang humarap sa ibang tao na kagigising lang. Nagawa ko pang maligo ng mabilisan at nagbihis ng maayos na damit para hindi mapagalitan ni Silas.

Pababa pa lang ako sa hagdan nakakarinig na ako ng mga tawanan at usapan. Maingay sila. Marahan ang hakbang ko habang nakikita ang mga tao na nasa kusina.

"Si Michelle lang naman ang panggulo rito!" Natatawa ang isang lalaki at itinuro ang isang babae.

"Ang kapal ng mukha mo, Chico! Ikaw nga ang madalas pumalpak sa trabaho!"

"Kailan iyon?"

"Sa dealer na babae muntik ka na mahuli dahil sa kamanyakan mo! Ano? Magde-deny ka pa!?"

"Hindi ko naman alam na espiya pala iyon-"

"Kasi nga naunahan ka ng kamanyakan! Nasa misyon ka pero ang nasa isip mo gusto mong ikama!"

Nagtalo na ang dalawa. Hinahampas nang babae 'yung Chico ang pangalan at ang lalaki naman hindi gumaganti at sinasalag lang ang hampas nang isa.

"Tama na! Ang sakit mo manghampas! Papatulan na kita!"

"Papatulan mo ako?" Tumayo ang babae. "Halika! Sa labas tayo!"

Ngumisi ang lalaki. "Sa kwarto ayaw mo?"

"Manigas ka!"

"Matigas na-"

Isang malakas na hampas pa galing sa babae bago siya tumigil. Nagtawanan ang mga kasama nila. Nasulyapan ni Silas ang paglapit ko. Nandoon si Elle sa tabi niya at ang lima pa na bisita niya ay sa kabilang side mga nakaupo. Si Laura ang naghahain ng pagkain at si Neth naman ay wala. Sa oras na ito, sa palagay ko tulog pa iyon dahil madalas tanghali talaga siyang nagigising, mas tanghali pa sa akin. Malamang dahil wala pa naman pasok kaya't sinusulit na.

Nanatili ang tingin sa akin ni Silas habang lumalapit ako sa hapagkainan. Okupado ang mga upuan sa tapat nila Silas kaya wala akong pagpipilian kung hindi ang sa tabi niya maupo. Nagsisimula na silang kumain nang dumating ako. Kung hindi lang ako kinatok ni Silas hindi ko sila sasaluhan sa agahan dahil nakakahiya na makisalamuha sa kanila gayong hindi naman nila ako kakilala.

"Good morning," nahihiya na bati ko bago umupo.

Nakakailang ang biglaan na pagtahimik nilang lahat. Nasalubong ko ang mariin na tingin nila sa akin. Mga nagtataka ang mata kung sino ako. Kung nakabisita na sila rito noon, ang mga kapatid ni Silas ay nasisiguro ko na kilala na nila. Ako, ngayon lang nila nakita kaya lahat ay nagtataka.

"Si Athena ito. Pamangkin namin," si Laura ang nagsalita. Natatawa siya sa reaksyon ng mga bisita.

"May magandang pamangkin ka pala na itinatago rito, Silas?" Ito 'yung lalaki na narinig kong tinawag na Chico.

Hindi umimik si Silas sa tabi ko at inilapit lang sa akin ang mga pagkain. Naninibago ako sa kilos niya pero mas gusto ko naman ito kaysa nagbabangayan kami.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon