The Forbidden Desires 43

76.5K 1.9K 849
                                    


(TFD) Chapter 43

Spg and very sensitive scenes!
Read at your own risk!


Nakapikit si Silas at parang nahilo sa unang pinatikim sa kanya. Tuyo na dahon na nasa makinang na papel. Isang beses pa lang na hinigop niya iyon, napapikit na siya.

"Wala! Mahina pala itong isang ito! Bigyan mo pa!"

Maliit ang bukas ng mga mata ni Silas nang nilingon niya ako. Halos hindi niya mabuksan ang mga mata pero pinipilit niya pa rin akong makita.

"Huwag niyo siyang gagalawin," paos na ang boses niya sa pangalawang hithit niya.

"Oo nga! Isa pa!" Nagtatawanan silang lahat at pakiramdam ko'y may binabalak silang masama.

Sinunod sila ni Silas. Nasa isang gilid na ako dahil pinalayo nila ako kay Silas. Pinalibutan siya ng mga lalaki para mapaglaruan.

Ilang beses pa na sinindihan nila para kay Silas ang tuyong dahon bago inilapit sa kanya ang isa pa. Iyon yung makinis na papel na nilamanan nang lalaki kanina ng powder na parang asukal.

"Ito naman! Bilisan mo at para mapaglaruan na natin sila!"

Tumawa ng malakas ang isang lalaki na sabik sa balak nilang gawin. Nakangisi silang lahat at pinapanuod si Silas.

"Hindi na ako makapaghintay!"

Patuloy sila sa ginagawa kay Silas. Hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang paulit-ulit na pinatikim nang dalawang bagay na hindi ko alam kung ano ang laman. Basta ang alam ko'y nasa makinang lang iyon na lalagyan at sinisindihan nila.

"Athena..." bulong niya habang nakapikit at nanghihina. Nakabukas ang mga kamay niya at parang walang lakas.

May alak pa na inabot ang lalaki sa kanya. Hinulugan nila iyon ng isang tableta na mabilis natunaw at humalo sa alak. Natawa sila nang malakas matapos maipilit na maipainom iyon kay Silas. Nawalan na siya ng pakialam sa kahit anong gawin sa kanya ng mga lalaki na pinaglalaruan siya.

Pagkaraa'y tinanggal nila ang mga tali ni Silas na nasa kamay at paa. Umiiyak ako na lumapit sa kanya nang tuluyan siyang layuan ng mga kalalakihan.

"Athena..." paulit-ulit niyang bulong kahit nanatiling nakapikit at hindi naman ako nakikita.

"Nandito ako..." garalgal na turan ko at ginagap ang kamay niya.

Marahang bumukas ang mga mata niya at bahagyang nakaawang ang mga labi. Mabilis ang paghinga at natuyo ang mga labi niya dahil sa ginawa nila.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala na tanong ko.

Umiling siya. Inangat niya ang kamay at hinawakan ako sa mukha. Mapungay ang kanyang mga mata habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Athena..." paos na paos ang boses niya. Walang ibang sinasabi kundi ang pangalan ko lang.

"Simulan n'yo na nga yan!"

Napasigaw ako nang hilahin ako ng dalawang lalaki patayo at pilit na inaalis ang mga damit ko. Ang isang lalaki ay ganoon din ang ginawa kay Silas.

Nahubad na ang uniporme ko at naiyak na lang ako nang tuluyan nilang natanggal pati ang aking panloob. Hawak ko ang narumihan na blouse at palda para kahit papaano'y matakpan ang aking katawan.

Si Silas, hindi rin pumapalag. Tahimik lang habang inaalis ang mga kasuotan niya.

Madilim ang ilaw pero nakikita pa rin nila ang ilang parte ng katawan ko dahil sa nasirang uniform ko na hindi ko maipantakip ng maayos.

Nanginginig ako sa takot at lamig. Si Silas ay nakatitig sa kawalan at parang wala na sa sarili. Nakahubad siya katulad ko. Ang mga lalaki ay nasa malayo at pinagmamasdan kaming dalawa. Pinagmamasdan si Silas kung ano ang gagawin niya.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon