The Forbidden Desires 49

74.3K 1.7K 118
                                    

(TFD) Chapter 49





"How about Bunny? Is she okay?"

Ibinalot niya ako sa mga bisig niya mula sa likuran. Kausap niya si Gineth kanina. Ibibigay niya sana sa akin ang telepono pero hindi ko kayang makipag-usap gayong alam ko na ako ang dahilan sa pagkakabaril ng kaibigan niya.

"They're fine now. Don't worry. You should talk to Gineth. She's worried for you."

"Does she know that I am the reason why her friend was shot?"

"No-"

"That's why I don't want to talk to her. Nakokonsensya ako, Silas."

Nagbigay siya ng mababaw na halik sa aking leeg at umakyat patungo sa aking pisngi.

"Why would you feel guilty if you didn't the one who pull the trigger?"

Iginilid ko ang ulo ko para makita siya. Humalik siya sa gilid ng labi ko bago ako magsalita.

"Dahil para sa akin dapat ang mga bala na tumama sa kanila-"

Mariin niyang pinaglapat ang mga labi namin para matigil ako sa pagsasalita.

"Do you think I will let that happen? I'd rather catch those bullets for you, Athena."

I pouted. I was touched by his words. Does he think I will let him catch the bullet too? Kung patungo ito sa akin ako ang sasalo no'n. He has been through a lot of pain. If there's a way to lessen his pain then I will help him. Maybe someday I can pay him back.

Hindi ko masabi sa kanya na nakakaalala na ako. Naisip ko na lalayo siya o didistansya kung malalaman niyang nakakaalala na ako. Kahit papaano, makakaapekto iyon sa kanya. I didn't pull the trigger but they got shot and hospitalized because of me. Kahit ano pa'y ako pa rin ang dahilan. That's why I feel guilty. I realized, it was the same with Silas. He's the one who did that to me. Kahit pa napilitan siya'y ginawa niya pa rin. Like me, he's also guilty. Kung paano ang ginagawa kong pag-iwas kay Gineth ay baka ganoon din ang gawin niya sa akin kapag nalaman niya. That would be uncomfortable in his case if I told him.

Pwede ko masabing isang trahedya iyon dahil masalimuot ang pinagdaanan namin sa ganoong edad. Pero hindi ko siya masisi. Kahit kapain ko ang galit sa puso ko'y hindi ko magawa. It was because I knew he was trying to restrain himself from doing that. Mas malakas nga lang ang pandedemonyo ng droga sa kanya.

That drug can kill him if only he is not determined and brave. He can die of overdose, pain, suffer, and torture. Masiyado lang siyang matapang at kahit hindi na niya kaya'y nilalabanan niya. Sigurado na dahil iniisip niya ako. Kung magpapatalo siya at bibigay ang katawan niya'y ako ang susunod na mapapahamak.

Ibinigay ko ang aking buong bigat sa dibdib niya at huminga ng malalim. Kung sasabihin ko sa kanya'y kailangan namin iyon pag-usapan at ayokong buksan ang sugat niya na hindi pa naghihilom hanggang ngayon. He's still trapped. Hangga't hindi nahuhuli ang may gawa'y mananatili siyang nakakulong. Mananatili ang sisi niya sa sarili niya.

I wonder why most people feel responsible for other people's happiness. Kaya kapag may nagawang nakakasakit sa kanila kahit hindi naman kasalana'y sarili pa rin ang sisisihin at sa huli'y makakaramdam ng konsensya. When you reject someone, it feels awful. When your happiness upset someone, it feels awful too. And when someone is hurt because of you, that was the worst feeling because you know everything will never be the same again. The emotional pain will stay and will never be erased. Makalimutan at mabura man ay nakabakat na. Palaging may tamang proseso at matagal. Ayos naman kami kaya siguro ayos lang din kung hindi ko muna sabihin? Because even without my words, his scars will tell the story.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon