The Forbidden Desires 09

121K 2.5K 121
                                    

(TFD) Chapter 09

"Napagalitan ako ni kuya kanina nang mawala ka! Dapat hindi ka umalis kasi alam ko ang daan pabalik!" Nakasimangot si Neth sa akin.

"Pasensya na. Nalibang ako sa pagtingin sa mga puno..." Nahiya ako bigla. Nasermunan siya dahil sa akin.

"Hindi ka ba nasaktan? Mabuti at nahanap ka ni kuya! Pagkatalon niya pababa sa puno ikaw kaagad ang hinanap niya! Muntik na akong umiyak habang nagpapaliwanag na nawawala ka!"

Umiling ako at hinaplos ang tuktok ng buhok ko kung saan ko naramdaman ang ahas kanina.

"Hindi naman ako nasaktan..."

"Makinig ka kasi kay kuya! Natakot ako nang sinigawan mo siya kanina! Alam mo ba na kami ni Ate Laura hindi namin iyan ginagawa sa kanya?"

Tumango ako at ngumiti. Dinirekta ko ang tingin kay Silas na nasa harapan. Nasa likuran ulit kami ni Neth ngayong papauwi na. Hindi ko alam ang daan kaya hindi ko magawang manguna.

Ang mga nakuha na kahoy ay nasa tulak tulak ni Silas na wheelbarrow. Ang isang kutsilyo na mayroon ahas ay nasa ibabaw ng mga kahoy. Nagtataka tuloy ako kung ano ang gagawin niya roon.

Wala siyang dala na mga gamit kanina nang papunta kami. Nasa isang kubo na parang pahingahan malapit sa mga oak tree ang mga gamit. Nagulat pa ako nang makita ko iyon dahil hindi ko napansin ang kubo na nakatago sa likuran ng pinakamalaking puno.

The oak tree resins stuck all over his body. Mayroon siya sa braso at dibdib kanina. Pati ang damit niya'y nadumihan dahil sa pagdikit ng dagta. Katulad ng mga peklat niya, hindi siya nakakadiri kahit madumi. Nagmukha lang siyang gwapong pulubi. Yung tipo na kahit pagsuotin mo ng punit punit wala pa rin panama ang mga sikat at gwapong modelo.

Ang mga muscles niya ay nagpi-flex dahil sa mabigat na tulak tulak niyang pinutol na parte ng mga puno. Pinaglalaruan iyon ni Neth kanina bago kami umalis. Inaangat niya at sinusubukan kung mabubuhat ba pero kahit kaonting pag-angat hindi niya nagawa. Samantalang si Silas parang walang kahirap hirap na itinutulak iyon. Wala yata siyang hindi kayang gawin. Sa lahat ng bagay parang magaling siya at bihasa.

Even his ripped back and wide shoulders are ejecting ruthlessness and sexiness. Parang nilikha ng napakatagal at masiyadong mabusisi ang pagkakagawa sa kanya. Hindi ko mabawi ang mga mata ko. Hindi ako madalas makakita ng ganito kagandang lalaki at maganda pa ang pangangatawan. May iilan ilan sa lugar na pinanggalingan ko pero wala akong maihalintulad sa kanya. Marahas ang dating pero nakakabighani kapag tinitigan ka. Hindi ko sinasabi na nabibighani ako pero kung sa ibang babae na hindi niya kamag-anak ay panigurado ang pagluhod para lang sambahin siya.

The way he stares as if his eyes are talking to you. He will pull you and cage you into another dimension. Once you stare back, you're trapped. Nakakalusaw kahit ang simpleng pagsalubong ng mga kilay niya dahil sa irita. Napakurap ako nang matanto na kaya ko nakita ang iritadong kilay niya'y dahil nakalingon na siya sa akin.

"What?" Patuloy ang lakad at pagtulak niya sa dala pero nasa akin ang tingin.

"What?" Balik na tanong ko dahil hindi ko alam kung bakit siya biglang humaharap at nagtatanong.

Nalukot ang noo niya at tinitigan ako na para akong isang malaking pagkakamali sa buhay niya.

"I know you are staring at my back," walang emosyon niyang sabi, ibinalik niya ang tingin sa harapan.

"Ah..." May mga mata ba siya sa likod? Paano niya nalaman na nakatingin ako? "Yung...mga dagta ang tinitingnan ko..."

Mabilis kong pinagdikit ang mga labi ko. Pakiramdam ko alam niyang nagsisinungaling ako. Sa mga dagta ako nakatingin nang una pero sa katawan niya ako talagang nakatitig.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon