The Forbidden Desires 17

103K 2.3K 161
                                    

(TFD) Chapter 17



I smiled when I heard him laughed. I wonder how a piece of banana made us reconcile. Simula kasi nang araw na asarin niya ako naging maayos na ang pakikitungo niya. O siguro rin nagsimula noong unang beses na biniro niya akong nanunuod ako ng bold. We're okay as long as I don't touch him and that's totally fine with me.

Sa araw na ito, nasa sala kaming lahat. Nasa madalas niyang pwesto si Silas. Ako, si Neth, at Laura ay nasa mahaba na sofa. Nakahiga si Neth at nasa hita ko ang ulo niya. Ang mga paa niya naman ay na kay Laura. We were watching a comedy show. Nanunuod kami pero hindi ako sa pinapanuod nangingiti kung hindi sa malakas na tawa ni Silas.

"Totoo bang bakla iyan, Kuya?" Si Neth na natatawa rin. Ang likot niya habang nakahiga sa sofa.

"No. He's just acting."

Siya ang pinapanuod ko imbis na ang tv. Abala siya sa panunuod subalit sa tuwing nararamdaman ang titig ko'y nililingon niya ako. Sa pagbaling niya, iyon ring pagbaling ko sa tv para hindi ako mahuli.

He laughed. I purse my lips and bring my eyes to him again. Nasa tv na ulit ang atensyon niya kaya malaya ko siya ulit na natitingnan. Sa tuwing tumatawa siya'y nakangiti rin ang mga mata niya.

His scents can also find it's way through my nose. Kaliligo niya lang at bumaba siya para makisama sa amin sa sala. Nasa buong kabahayan na naman tuloy ang amoy ng shower gel niya.

I wonder if it's expensive? Because he always smells manly and luxurious. Nanunuot ang amoy niya sa ilong ko sa tuwing bagong paligo at nadaraanan ako. Hindi matapang at hindi masakit sa ilong. Tama lang para maakit ka sa amoy kapag tumabi siya sayo. Tipo na mapapasunod ka sa kanya kapag lumayo siya.

His eyes were brown with a shade of green on the side of his eyeballs. Hindi mapapansin kung hindi papakatitigan. Sa kanilang magkakapatid si Silas lang ang sa unang tingin masasabi kaagad na hindi purong pinoy. Sa kwento ng mga kapatid niya, namana nito ang itsura sa nanay nila na dating Spanish top model sa sariling bansa. Namatay sa car accident ang mga magulang nila maliliit pa sila kaya lolo at lola na lang nila ang nakilala ko.

Lumabas siya maya-maya at inasikaso ang sasakyan. Iniwan ko ang mga kapatid niya sa sala at sinilip siya sa labas. Nakahubad siya ng pang-itaas at marumi na ang mga kamay. Ang hood ng sasakyan niya ay nakataas. Nakayuko siya roon at mayroong sinisilip.

"Nasira ang sasakyan mo?"

Nakayapak ako na lumapit. Sa gilid ako pumwesto para hindi ko siya mahawakan. Hindi ko pa rin alam ang dahilan niya kung bakit ayaw niya na nahahawakan ko siya pero gagawin ko na lang kung mas magiging maayos kami kung susundin ko siya.

Nagtama ang tingin namin. Tinitigan niya pa muna ako. Nakangiti ako nang magtanong kaya nang mag-angat siya ng tingin, nakangiti pa rin ako. Isang beses niya na sinulyapan ang labi ko at tahimik na umiling.

"May tiningnan lang ako."

Nakisilip na lang ako roon. Ilang sandali pa'y tinaasan niya ako ng kilay para lumayo ako at hindi maipit. Abala siya sa paglilinis ng kamay pagkatapos niyang masubukan ang tunog ng sasakyan. Nasa gilid ko siya at nakasahod sa gripo. While washing his hands, his arms move. He was not wearing a t-shirt so the scars on his back are now facing me.

"Hindi ba kayang maipatanggal ang mga peklat mo?"

Natigil siya sa pagsasabon sa kamay nang marinig ako. Sandali lang iyon, nagpatuloy din naman at sinagot ang tanong ko na hindi ako tinitingnan.

"Wala akong balak na ipatanggal."

"Bakit naman?" Tanong ko, para magkaroon ng pag-uusapan.

"Dapat lang na nandiyan sila," nahimigan ko ang lamig sa boses niya.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon