Silas' (POV) 04

71.6K 1.6K 87
                                    

Silvanus POV 04


"If something bad happens to Athena, I will kill you all! I will hunt you all! I will kill you!"

I glared angrily at Greg. Ganoon rin sa ibang mga pumigil sa akin kanina. Pinagtulungan nila ako para hindi ko mapigilan si Athena. I know that that was the right thing to do. Pero hindi ako ganoon kabuting tao para gawin palagi ang tama.

Kung ako ang masusunod, ilalayo ko siya rito at hahayaan ko silang lahat. Dahil nangako ako. Ipinangako ko sa sarili ko na kahit ano ang mangyari. Na kahit ano ang isakripisyo ko. Na kahit ano ang maging kapalit, hindi ko siya ibibigay.

Pero paano at ano ang gagawin ko kung siya na ang kusang sumama? I am willing to be called heartless just so I can protect her. While she sacrificed herself, so she could protect them.

Pagka-alis ni Athena doon pa lang nila ako nagawang bitiwan. I went to my car but before I could get inside, they are already holding me again. I need to chase her. Kahit mag-isa lang ako, kukunin ko siya pabalik. Bakit pinipigilan nila ako? Kung ayaw nilang tumulong, hayaan nila akong mag-isa!

Basang basa ako ng ulan. Maliwanag na ang langit dahil sa pagsilip ng araw. Hindi na ako makapag-isip ng tama. Sising-sisi ako dahil pakiramdam ko nagpabaya ako. Sa kagustuhan kong mapapayag si Uncle sa relasyon namin ni Athena, nakalimutan kong may isa pang gustong kumuha sa kanya.

Hindi nila ako hinayaan na masundan sila Athena hanggang sa hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. I tried to trace them. Ngunit masiyado siyang maraming connection. Hindi ko na alam kung saan ako magsisimulang maghanap. Ayos lang na mamatay ako basta alam ko na pinaglaban ko si Athena, hindi ganito. Pakiramdam ko wala akong silbi dahil wala akong magawa.

She's her mother. Nalaman ko iyon sa huling nakuha namin na tauhan niya. Until I realized, she had planned it. Athena's mother planned everything from the beginning until now.

I don't know where to start. Even the money on my banks can do nothing. This is not a battle of money. This is a battle of life and death.

Habang nalalaman ko kung gaano kalaki ang grupo na hawak niya, lalo akong natatakot na baka mahirapan akong mabawi si Athena. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Habang nabubuhay ako, hindi ako titigil hanggang sa makuha ko siya.

Palabas ako ng sasakyan nang matanaw kong palapit sila Nilo kung nasaan ako. Galing ako sa paghahanap kung nasaan si Athena. Ang mga kaibigan ko sa isla ay parating din ngayong araw para tulungan ako.

Tatlong araw na at wala pa akong makita kahit maliit na bakas kung saan siya dinala. Kung hinayaan lang sana nila akong sumunod. Kung isinama sana ako kung saan siya dinala. Baka sakali, kung hindi ako agad papatayin, may pag-asa sana na maitakas ko siya.

"We're here to help," seryosong alok ni Nilo.

Malamig ang ibinalik kong tingin sa kanya. Kailan ko lang nalaman na anak din siya ni Madrina. Malaki ang tiwala ko sa kanya bago ko iyon matuklasan. Ngayon, hindi ko alam kung kakampi ba siya o kalaban.

"I don't need your help," malamig at prangka kong sagot.

Seroyoso ang titig niya at malamig ang akin. He know I don't trust him.

Sunod-sunod ang pagdating ng mga sasakyan. Alam ko ang mga sasakyan nila kaya't alam kong kaibigan ko ang mga dumating. Nakita ko ang pagtapik ni Chico sa balikat ni Nilo bago ko alisin ang tingin sa kanila at tignan ang sabay-sabay na paglapit ng mga kaibigan ko.

"Your princess need help?" Ngisi ni Elle pagkalapit. Nasa likuran niya si Kade.

Hindi ko kayang ibalik ang ngisi niya dahil hangga't hindi ko nakikita si Athena, hindi gagaan ang pakiramdam ko.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon