The Forbidden Desires 38

97.3K 1.9K 497
                                    

(TFD) Chapter 38





I rolled my body on the other side of the wooden couch when I felt that no one was hugging me. The other side of the wooden couch is empty.

Nakatulog kami nang mapagod. Malaki naman ang kahoy na upuan kaya't napag-kasya niya para sa aming dalawa.

"Hindi ko gigisingin! Natutulog pa nga! Ako na ang mag-uuwi sa kanya mamaya!"

Marahan akong bumangon at nagkusot ng mga mata nang marinig ang boses ni Silas. Ang t-shirt niya'y nakakumot pa rin sa ibabang katawan ko, sa ibaba para matakpan ang lantad na binti ko na hindi naabot ng suot ko na maikling dress.

"Hindi, Kuya! Gisingin mo! Iuuwi ko siya ngayon!"

"Stay yourself out of it! This is our relationship! It's our decision!"

"Tingin mo ba kung kakausapin n'yo sila hahayan nila kayo?!"

"Hindi ko kailangan ng permiso kahit nino!"

"Eh si Athena? Paano kung kausapin siya ni Uncle at bawiin sa 'yo? Ano ang gagawin mo?"

"Susundan ko! Kukunin ko ulit-"

"Kung ayaw niyang sumama?!"

"Pwede ba, Laura? Tigilan mo na ang katatanong!"

"Hindi mo masagot kasi alam mo na kung hindi siya sasama sa 'yo, wala kang magagawa!"

Hindi sumagot si Silas. Nawala ang antok ko dahil sa pagtaas ng mga boses nila. Umupo ako ng maayos at inalis sa hita ko ang t-shirt niya. Nakatulala ako sa pinto nang bumukas iyon at iniluwa si Silas na walang pang-itaas na damit. Naghalukipkip siya at sumandal sa hamba ng pinto. Pagkakita niya na nagising ako'y galit niyang nilingon ang kapatid niya.

"Look at what you did! You woke her up!"

Pumasok si Laura at sinilip ako. Itinulak niya ng malaki ang pinto dahil nasa hamba si Silas at nakaharang. Natanaw ko rin si Elle at ang lalaki na kasama nito na nasa labas. Katabi nila ang isang sasakyan na ngayon ko lang nakita.

Maliwanag na sa labas. Tahimik na ang kalangitan ngunit malamig pa rin ang simoy ng hangin dahil sa mga basang puno at lupa.

"Gising na pala kaya uuwi na tayo-"

"Paanong hindi magigising kung ang ingay mo?"

Iritado si Silas. Lumabas siya at kinausap si Elle. Nasilip ko na nakasimangot na hinubad ni Elle ang suot niyang jacket. Inabot niya iyon kay Silas. Alam ko na kaagad ang gagawin ni Silas nang bumalik siya rito na dala iyon.

"Isuot mo. Malamig sa labas," sabay bigay sa akin ng jacket.

Iritado pa rin siya nang hinaklit niya ang t-shirt niya at mabilis iyon na isinuot.

"Bakit kinuha mo? Anong susuotin niya?"

Sinilip ko sila sa labas at naabutan ang paghubad nang lalaki na kasama nito sa mas malaking jacket na suot at ipatong 'yon sa balikat ni Elle.

"Kade, can take care of her."

Wala na akong nagawa. Isinuot ko na lang. Si Laura, mariin ang tingin sa aming dalawa. Hinawakan ako ni Silas sa braso at maingat akong hinila patayo.

"Kaya mo maglakad?" Bulong niya.

Pinamulahan ako at napatingin kay Laura.

"Bakit hindi siya makakapag-lakad, Kuya? Ano ba ang ginawa n'yo?"

"Natulog," iritado silang pareho samantalang ako'y tahimik lang.

"Talagang natulog lang? Kung natulog lang kayo, ano 'yon?"

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon