The Forbidden Desires 66

66K 1.6K 279
                                    

(TFD) Chapter 66










Ginawa ko iyon sa mga sumunod pa na araw. Alam niyang naghihintay ako kaya malayo pa lang ay nakatanaw na siya sa akin. Nakatayo siya at nakangisi na parang gusto nang bumaba kahit malayo pa ang bangka sa dalampasigan. Hindi katulad noong una ko siyang makita na tamad lang siyang naka-upo sa dulo ng bangka.

Narito pa rin si Charlotte, madalas akong irapan. Pagkatalon ni Silas ay sinalubong ko siya at sinilip ang mga huli niyang isda. Natawa siya nang mapatili ako nang tumalon doon ang isa.

"Mukhang malas ako sa negosyo mo," tudyo ko dahil simula noong magawi ako rito'y hindi na pinapakyaw ng babae ang mga isda.

"Sayang. Malaki pa naman mag-tip," pagpatol niya.

Napalabi ako at maarteng umirap sa kanya.

"Marami ba kayong huli?"

Inaayos ni Silas ang lambat. Ako nama'y nilingon ang nagsalita. Napasinghap ako at hindi kaagad nakatalikod. Tumama ang tingin sa akin ng mga unipormadong mga pulis at militar.

Magkatalikuran kami ni Silas. Bahagya akong umusog para matakpan siya. Naka-upo siya at may mga nililinis yatang dumi sa lambat.

Napalunok ako at kinabahan nang lumapit ang isa sa akin. Bata pa at mukhang mapaglaro sa babae dahil nasa labi ang ngisi noong lumapit sa akin.

"Ngayon lang kita nakita. Bago ka rito?"

Halos hindi ako makahinga nang mapansin sa gilid ng aking mata ang pagkakatigil ni Silas sa ginagawa. Aamba siya ng paglingon para siguro alamin kung ako ang kinakausap ng lalaki. Bago pa siya humarap, umusog na ako para maharangan siya.

Bukod sa baka magalit si Silas na kinakausap ako nito ay dahil din namumukhaan ko ang mga kasama nito. Sila ang mga nakita ko. They are the officials Madrina spoke to privately at the party. Sigurado ako dahil tahimik lang akong nagmamasid noon. Kahit masquerade ang tema ng salo-salong iyon ay nahahagip ng tingin ko ang itsura nila sa tuwing ibababa saglit ang mga maskara o sa tuwing iinom ng whiskey na nasa kopita nila.

The men's mask is on the stick, unlike women. May mga ribbon na pwedeng itali ang mga sa kababaihan. Minsan nilang inaalis iyon at nakikita ko ang mga itsura nila. Hindi ko nga lang sigurado kung kasama itong nasa harapan ko. He was with this group so it is possible that he was there too.

"Ah... Oo..."

Pinilit kong tumango at tinigasan ang tayo lalo't hinahawi ako ni Silas para makita ang kausap ko.

"Saan ka rito nakatira? Ngayon ko lang nalaman na may maganda pa lang bagong salta rito."

Pinigilan kong pumikit ng mariin dahil baka magtaka ang kausap ko. Naramdaman ko kasi ang pag-tayo ni Silas sa aking likuran. Mas matangkad sila sa akin kaya't nagmistulang walang harang at wala ako sa gitna nila.

Bago pa magsalita si Silas at bago pa siya matitigan ng mga opisyal na narito, hinila ko na siya. Hindi pa nabebenta ang lahat ng isda'y nagmamadali na akong binitbit ang lagayan no'n.

Kunot noong nagpahila si Silas. Hindi naman nagreklamo dahil nakita niya ring mga naka-uniporme ito. Iniisip niya sigurong lumayo ako dahil takot ako na baka hulihin ako. Pero ang totoo ay dahil alam kong mga alagad ito ni Madrina. Hindi nga lang ako makapagpaliwanag sa kanya ngayon dahil mas mahalagang makalayo muna kami.

"Is that guy flirting with you?"

Kunot noo si Silas nang bitiwan ko siya sa bahay. Tumigil ako sa pabalik-balik na lakad. Hinarap ko siya. Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Nakita ko sila, Silas!"

"Sino?" Lalong nangunot ang noo niya.

"Yung mga militar! Sa party kung saan ako dinala ni Madrina! Kausap nila si Madrina! Tauhan niya sila!"

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon