The Forbidden Desires 54

63.5K 1.6K 84
                                    

(TFD) Chapter 54





I was scared and worried. I don't worry about myself but about the people I left behind. Kumuyom ang mga kamay ko sa aking kandungan at pumikit ng mariin nang maalala ang kalunos-lunos na sinapit nila.

Kung noong una sa paaralan ay nakahinga ako ng maluwag kahit may mga nasaktan. Ngayon parang winawasak ang puso ko sa nakitang kalagayan ng hacienda bago ako sumama sa kanila. Sa pagkakataon na ito hindi ko na kailangan magtanong dahil kitang-kita ng sarili kong mga mata na mayroon mga namatay at nasugatan.

I was still sleepy before that happened. Ngayon pakiramdam ko isang buwan akong hindi makakatulog.

I glanced at the side mirror. Iniisip ko na susunod si Silas. Tahimik akong nagpasalamat nang makitang walang nakasunod kahit ilang minuto na ang lumipas. Greg might have stopped him. Mawawalan ng saysay kung pasusunurin nila si Silas pagkatapos kong kusang sumama sa mga tao na ito. Wala na kaming magagawa. Kung hindi ako sumama, babalik at babalik sila.

Hindi ko alam kung sino sila o kung sino ang nagpakuha sa akin. Nagkakabuhol-buhol ang isip ko sa maraming dahilan. Una, hindi ko tunay na ina si Mama Agatha. Pangalawa, nag-aalala ako sa mga nasaktan at nawalan ng pamilya. Kung alam ko lang na mangyayari ang ganito noon pa lang sana sumama na ako. Kung alam ko lang baka naiwasan pa itong mangyari.

Saan niyo ako dadalhin? Iyan ang kadalasang tanong kapag nasa ganitong sitwasyon. Pero sa lagay ko hindi na ako makapagsalita. Hindi ako makapagtanong. Wala ako sa sariling nakatanaw lang sa bintana habang kuyom ang mga kamao. Maging ang mga dinaraanan namin ay hindi ko na tinatandaan.

Madalas ang pag-angat ko ng kamay ko para magpunas ng luha sa mga mata. I'm so scared because Silas isn't here. But I know, this time, I have to learn to be strong even when I am alone. Pinili ko na sumama sa kanila kaya wala akong pagpipilian kung hindi ang magpakatatag.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulala at tahimik na lumuluha. Namalayan ko na lang na huminto ang lahat ng sasakyan sa isang liblib, malayo, at pribado na lugar.

Mayroon malaking gate na pinasukan ang sasakyan at mula roon ay malayo pa ang tinahak bago makarating sa isang malaking bahay. Wala akong panahon para purihin ang lugar na ito ngunit hindi nakatakas sa mga mata ko ang mga nakahilerang tauhan na parang naghihintay sa pagdating ko.

Lumabas sa kabilang pinto ng sasakyan ang katabi kong lalaki para mapagbuksan ako ng pintuan. I looked at them using my swollen eyes from crying. Hindi muna ako bumaba at naguguluhan na inikot ang tingin sa buong lugar at mga taong narito.

This house is devastatingly extravagant and luxury. Madilim na ang langit. Gumabi na dahil sa mahabang biyahe. Ang dilaw na ilaw na nakapalibot sa eleganteng fountain at sa mga magarang poste na nakapalibot sa napakalaking bahay ay iniilawan ang mga nakahilerang tao. Nasa gilid silang lahat at para bang binibigyan ako ng daan sa gitna.

Mabagal at may pag-iingat kong ibinaba ang paa. Nang tuluyang tumapak ang mga paa ko sa semento ay kasabay ng pagyuko nila. I was shocked and parted my lips as I looked at them one by one. What are they doing? Why do they have to bow as if they are worshiping me?

"This way, Lady," kunot noo kong pinagmasdan ang isang lalaking may katandaan na lumapit sa akin.

He's wearing three piece suit, just like every men lined up here. Ang mga babae'y nakasuot ng pang-mayaman na damit. They lined up elegantly as if they are waiting for their gods to arrive.

"What?" Umiling ako. What are they? Who are they? Where am I?

"This way, Lady," ulit nito at itinuro ang daan sa gitna na ibinigay ng mga taong narito.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon