The Forbidden Desires 12

104K 2.3K 199
                                    

(TFD) Chapter 12

I sat comfortably in the front seat. Nasa labas pa si Silas at nagpapaalam ng maayos sa mga Lolo at Lola niya. Si Neth nasa dating pwesto niya sa backseat ng sasakyan, tulog na naman.

Pabalik na kami sa Manila at mahabang biyahe ang tatahakin. Napa-iwas ako ng tingin sa pagyayakapan nina Silas at Elle. That's fine. They are friends, right? What? If they are more than friends, that's fine too.

Yumapos ang babae sa kanya. Umikot ang mga kamay nito at pumulupot sa bewang ni Silas papunta sa likod. Wala sa sariling humigpit ang hawak ko sa seatbelt lalo na nang makita ko ang pagbaba ng labi ni Silas para sa malambing na halik sa tuktok ng buhok ni Elle bilang pamamaalam.

May kung anong namuo sa tiyan ko at pinanlamigan ako ng sikmura.

I see, he has a soft spot for her. Mas malambing pa siya rito kaysa sa mga kapatid niya. May pagkakatulad ang ugali nila ni Laura kaya hindi niya malalambing ng ganito. At si Neth naman ay pinakabunso kaya takot sa kanya.

I don't know. They may have a relationship. They are really more than friends. Hindi lang siguro talaga lantaran. Kung matagal na silang magkasama at magkatulad pa sila sa mga ilang bagay sa mga gusto at kilos, hindi malabo na magka-developan sila at mahulog sa isa't isa.

Kumportable sila. Kahit naiirita si Silas kaya nang babae na tawanan lang siya. Siguro alam niya kasi na hindi siya kayang tiisin ni Silas at hindi ito magagalit sa kanya. If that so, then they are fit perfectly.

Marahan akong pumikit at ipinatong ang likod ng ulo sa sandalan ng upuan. Kinakastigo ko ang sarili kung bakit bigla akong nakikialam sa buhay ngayon ni Silas. So what if he can't hug me like any other women? He can give all his soft spot to any other women except to me.

I shouldn't care, right? Para lang naman kaming tubig at apoy. Tubig at langis. Para kaming magkabaligtad na magnet. We hold the wrong way. We points with opposite directions so we will push apart. North and south pole. Ganoon kami. Hindi pwedeng magkasundo. Hindi pwedeng magsama. Kahit nga ang magdikit bawal.

Walang kaso iyon dahil hindi naman ako magtatagal na kasama siya. May mga bumabagabag lang sa akin dahil marami akong gusto na malaman at isa lang sa kanila ni Lolo ang makakasagot. Nakaramdam ako ng lungkot. Kumusta na kaya si Lolo? Halos dalawang linggo na rin nang huli kaming magkausap. Sa mansion pa iyon noong araw na kinuha ako ni Silas. Pagkatapos no'n hindi na ako nakatanggap kahit man lang isang tawag.

"Wala na ba kayong nakalimutan?"

Hindi ako dumilat. Nakaramdam ako ng kirot nang marinig ko ang boses niya. Napansin niya siguro na pareho kami ni Neth na nakapikit. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin. Siguro alam niya na hindi ako tulog. Magaling siyang makiramdam. Sana maramdaman niya rin na hindi maganda ang pakiramdam ko sa pakikitungo niya pagdating sa akin.

What's wrong with me? Sa tuwing naaalala ko na sinasabihan niya ako na prinsesa at nasa hacienda ang trono ko, naninikip ang dibdib ko. Nakakaramdan ako ng sakit dahil pakiramdam ko minamaliit niya ako. Does he think he needs to tame me because I'm a spoiled princess? Oo, alaga ako sa probinsya pero mas gusto ko na hindi ganoon. Hindi ko naman sila inaalipin at sa halip ay kinakaibigan ko sila kaya paano niya masasabi na buhay prinsesa ako at na ang lahat ng bagay ay idinudulot sa akin?

I am home schooled. Wala akong alam sa labas bukod sa rancho, hacienda, at mansion. Nai-inggit din ako sa mga ibang kaedaran ko na nakaka-labas at nakaka-salamuha ang mga kaedad nila. Hindi ako nagrereklamo dahil gusto ko kasama ang mga tao na nakapaligid sa akin sa hacienda. Pero hindi mawawala sa akin ang pagkabalisa kung bakit hindi ako pwede. Mayroon ba akong nakakahawa na sakit? Mayroon bang problema sa akin? Minsan din naman akong humiling na magkaroon ng maraming kaibigan, makipagkwentuhan, at makipagtawanan. Wala siyang alam pero para na niya akong hinuhusgahan.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon