The Forbidden Desires 58

59.8K 1.1K 77
                                    

(TFD) Chapter 58

-----Skip if you can't tolerate torture-----



My entire life changed when she had me kill one of her men. She forcefully poured the blood on my hand. She stained the blood on my hand. And I don't know how to wash it.

Paulit-ulit kong naaalala ang mga nangyari. Sa loob lamang ng ilang oras, ilang buhay ang nasaksihan kong nawala. Ang isa sa kanila, ako mismo ang pumatay.

Hindi matigil ang pag-kuskos ko sa aking mga kamay habang nasa ilalim ang mga iyon ng gripo. Patuloy ang pag-agos ng tubig doon pero hanggang ngayon nakikita ko pa rin ang dugo.

Wala akong hinawakan na dugo sa pagkakaalam ko ngunit parang nag-mantsa sa mga kamay ko ang mga pulang likido na nakita ko sa araw na ito.

Tumigil ako sa pag-kuskos sa aking mga kamay nang maramdaman ang hapdi. Hindi ko namalayan na pilit ko na 'yong kinakalmot at sinusugatan. Hindi ko rin mararamdaman ang mga luhang nasa pisngi ko kung hindi ko pa narinig ang mahina kong hagulgol.

Isang araw pa lang. Ano pa ba ang mga kaya niyang gawin sa susunod?

She made me a criminal. Dinungisan niya ako at hindi na kailan man lilinis ang tingin ko sa sarili ko.

Nahihilo ako at parang masusuka. I feel traumatized again. I can't cope up with my emotions. Kahit saan ako tumingin puro dugo ang nakikita ko.

Nagsumiksik ako sa salamin na bintana ng kwarto. Hindi ako makalapit sa kama dahil sa dugong nasa higaan ko. Alam kong wala iyon roon pero sa imahinasyon ko ay kulay pula iyon.

Tulog na siguro silang lahat o may panibagong pinahihirapan? Kahit ano pa'y hindi ako madalaw ng antok. Natatakot ako sa kung anong susunod na gagawin niya bukas.

Nakapatong ang mga braso ko sa tuhod at ang ulo'y nakaunan roon. Kahit nagliwanag ay hindi ako nakaramdam ng antok. Nanghihina ako at masakit ang mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak ngunit ang kaisipan ko'y nasa mga nangyari pa rin kahapon.

Hindi ako umaasa kay Silas na makakapasok dito at ililigtas ako. Sa mga nasaksihan ko ay alam kong mas mataas na tao si Madrina at hindi ito kayang suwayin ng mga sangay at mga tauhan niya. Hindi malabong pati sa mga kapulisan at militar ay mayroon siyang mga taong hawak sa leeg. I don't want to be saved from Silas if his life will be the replacement. Mas gugustuhin ko pang mabulok ako rito kaysa ang masaktan siya.

Hindi ako kumilos kahit nang makarinig ng katok sa likod ng pintuan. Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko dahil walang tulog at mula pa kagabi ay hindi na ako muling tumayo o kahit i-unat lang ang paa'y hindi ko nagawa. Hindi ako gumalaw buong magdamag. Nakabaluktot lang sa isang tabi at tulala.

Hindi na ako nabigla sa pagbukas ng pinto at iluwa si Madrina na masama ang tingin sa akin. Wala na ang matamis na ngiti sa labi niya. Mukhang napuno na sa hindi ko pagbukas sa pinto. Mataas na ang araw at mula pa kagabi ay wala akong kain o tulog.

"Do you still remember what you did last night? O baka pinili mo na naman na kalimutan?"

Nakatitig lang ako sa kanya. Tumawa siya at bahagyang bumaba ang mukha para kutyain ako. Pati ang pagkalimot ko ay alam niya. Lahat alam niya dahil lahat planado niya. Sinadya niyang gawin sa akin iyon noong bata ako para bata pa lang ay makaramdam na ako ng sakit at takot.

"Trauma is only for weak people, Liviya," inalis niya ang tingin sa akin at bumaling kay Leo. "Take her to the cell."

Sa sobrang panghihina ay hindi ko na nagawang manlaban kahit na alam kong may panibago na naman siyang ipapagawa sa akin. Hawak ako ng mga tauhan niya sa magkabilang braso. Binitiwan lang ako nang makarating sa mga hagdan na pababang nakita ko. Naroon pa rin ang mga bantay sa bawat hagdan. Diretso ang mga tayo at kahit dinaanan namin sila'y hindi kami nilingon.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon