The Forbidden Desires 70

95.9K 2K 750
                                    

(TFD) Chapter 70

This is the last chapter of  The Forbidden Desires. Thanks for reading!

(Silvanus Pov)

The lump on my throat and the hallow part on my chest. The more I tried to move my hand to find her the more I choke.

I opened my eyes to make sure if I'm alone then I closed them again tightly when I saw nothing. It's only darkness and my dark quiet room couldn't calm me.

Marahas na dumapo ang reyalidad sa aking pisngi upang sampalin ako at gisingin sa katotohanan pagkatapos ko siyang subukang hanapin sa tabi ko.

I opened my eyes and stared at the other side of my bed. I woke up alone again...

Because she's gone... She left me...

Ilang beses na nga bang ganito?

Sa tuwing magigising ako'y kinakapa ko pa rin ang kama kahit alam ko naman na wala akong katabi.

Huminga ako ng malalim at umupo sa dulo ng kama. Napatitig ako sa kawalan at napahilamos ng mukha. Matagal na rin pero hindi ako masanay na wala siya.

Parang kahapon lang ang mga nangyari. Kung dati'y sa tuwing gigising ako ay binabalot ako ng init ng kanyang katawan. Ngayon ay ramdam na ramdam ko ang lamig at sakit na hindi kayang punan ng makapal na kumot lang.

Hanggang kailan ganito?

Malakas ang buga ng aircon at kahit patayin iyon ay malamig pa rin. Ang ilaw sa tabi ko ay bukas din. Ang sa pwesto niyang ilaw ay hindi man lang nagalaw. Kahit ang parte ng kama na para sa kanya ay maayos at walang kahit kaonting gusot. Pumikit ako ng mariin at diniinan ang mga mata.

Natawa ako sa sarili. Paano nga naman magagalaw? Depende na lang kung bubuksan ng multo ang ilaw at guguluhin ang higaan na para sa kanya.

I woke up devastated but I forced myself to get up because the cemetery was waiting.

Pumasok ako sa loob ng banyo. Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nag-ahit. Sumunod na tiningnan ko ay ang repleksyon ng katabi ko. Nakikita ko mula roon ang pinto ng banyo.

Kung narito lang sana siya, siguro kasabay ko siya kahit magsipilyo ngayon. Nagbuga ako ng hangin dahil kailangan kong masanay nang ganito.

Habang nasa loob ng shower room, hindi ko maiwasan ang pagkatulala ko. Pagkatapos ng maraming paghihirap namin sa ganito rin pala mauuwi ang lahat. Kasalanan ko.

Nagbara ang lalamunan ko at nag-init ang mga mata. Muli akong pumikit ng madiin at tumingala para salubungin ang tubig na bumabagsak sa aking mukha.

I don't want to feel bad but I fucking miss her. I miss waking up with her while she is on the other side of my bed. I terribly miss her warm body. I badly miss kissing her under my thick blanket. Nami-miss ko nang gawin ang maraming bagay na kasama siya.

Ngunit wala na akong magagawa.

Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap? Hindi ko ito napaghandaan.

Hindi ko alam na ganito iyon. Hindi ko alam na ganito ang paraan niya ng paglayo.

Hindi niya man lang pinaramdam na mangyayari ito. Kung alam kong huli na, sana nayakap ko siya ng mas madalas at mas mahigpit.

Hindi man lang siya nagsabi na ganito ang gagawin niya sa akin. Hindi ko na yata makakasanayan pa na mag-isa.

Magkasama kami sa lahat. Sinanay niya akong kasama siya 'tapos ngayon nasaan siya?

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon