The Forbidden Desires 29

108K 2K 183
                                    

(TFD) Chapter 29

Dumating ang mga kaibigan niya pagkatapos kong matamaan ang pinaka-gitna sa target. Maging si Nilo naroon na rin. Hindi ito nag-e-ensayo pero pinapanuod niya kami ni Silas. Mas matiim ang titig niya ngayon kaysa kanina bago sila umalis. Tinuruan pa ako ni Silas sandali. Mula nang turuan niya ako hanggang sa makauwi, hindi sumakit ang ulo ko.

"Sinasadya mo ba na paalisin si Neth?" Tanong ko pagkatanto na madalas wala si Neth kaya mas madalas din kaming nakakapag-solong dalawa.

He narrowed his eyes playfully. Nasa hardin kami. Nakaupo ako sa stone bench na katabi ng fountain at nagbabasa. Siya naman nakahiga at nakaunan sa hita ko. Ginugulo niya ako at hinahawi ang libro na binabasa ko sa tuwing natatakpan ko ang mukha niya at hindi niya ako makita.

We often stayed outside. Sa hardin o sa mga kainan sa labas. Gusto niyang napapag-isa kami at pinapaalis si Neth kapag wala kaming pasok pero hindi niya gustong nasa loob lang kami ng bahay. Delikado raw dahil kung mauulit pa ang nangyari sa shooting range, hindi na niya mapipigilan ang sarili niya.

"May pasok ka na naman bukas," iritado siyang umungol at pumikit.

Niyuko ko siya at tinitigan. I put down the book I was reading then brush his hair with my fingers. Ang lambot at ang bango ng buhok niya kaya't ang sarap suklayin.

"Gusto mo ba huwag na akong mag-aral?" Natatawa na tanong ko.

"No. You don't have to stop. Nasosolo naman kita tuwing weekends."

"Pwede naman akong bumalik na lang sa online class..."

Nagmulat siya at nasalo ang mga mata ko. Masungit ang kanyang makapal na kilay ngunit malamlam ang mga mata na tila kumportable sa pwesto niya at makakatulog siya kung hindi ako nagsasalita.

"I don't want to lock you up, Athena. Kaya ko naman maghintay dito sa bahay kapag nasa eskwelahan ka. Isa pa, may mga trabaho rin ako na ginagawa kapag wala ka."

Napanguso ako.

"Ayaw mo talaga? We can have more time together if I study at home-"

"Of course, I like that..." He lifted his body and drew his face closer to mine. He brushed his soft lips over mine before he speak. "But I still don't want to lock you up..."

I pursed my lips and returned his gentle kisses. Nakahiga pa rin siya. Nakatukod lang ang isang siko niya sa upuan para maabot ako. Ang istorya na binasa ko sa libro ay tuluyan nang nawala sa isipan ko. Kasabay ng mapayapang hangin, nakikisayaw ang mga dahon at bulaklak sa puso ko. As we deepen our kiss I feel more and more happy.

"Hindi accountant ang kinuha ko pero pang-accountancy naman ang pinag-aaralan!"

"Isang subject lang naman iyan, Neth. Alam ko ito. Bago pa ako pumasok naituro na sa akin ito sa online-"

"Magka-edad lang tayo pero bakit mas marami kang alam sa akin?"

Natawa ako.

"Wala kasi akong ginagawa sa hacienda. Nag-aaral lang..."

Kasama namin si Gineth sa sala kinagabihan. May mga tinatanong siya sa akin tungkol sa mga lesson na hindi niya gaanong naintindihan. Napapalingon kami ng sabay kay Silas kapag naghihikab siya. Halatang inaantok na pero hindi pa rin umaakyat sa kwarto niya para matulog.

Habang abala si Neth sa ginagawa'y sinenyasan ko siya na umakyat na at matulog na. Noong una ayaw pa pero nang makita na magtatagal pa kami ni Neth, napilitan na rin siyang umakyat.

Sa sumunod na umaga, kasama pa rin namin si Neth. Tinanghali kasi yata ng gising si Gineth. Kadalasan kasi'y mas maaga siya sa amin na umaalis kaya hindi namin siya nakakasabay.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon