The Forbidden Desires 62

66.9K 1.6K 156
                                    

(TFD) Chapter 62






Nakapikit ako at pinayuko ni Silas habang nakikipagpalitan sila ng putok ng baril. Takip ko ang mga kamay sa aking magkabilang tenga at hindi mapigilan ang mapatili sa tuwing nagugulat sa mga balang tumatama sa sasakyan namin.

Hindi ko alam kung paano kami nakatakas. Ang alam ko lang ay ibinangga ni Nilo ang sasakyan sa tulay para bumagsak kami sa tubig at hindi kami mahabol dahil nadagdagan at dumami na ang humahabol sa amin na sasakyan.

Pagka-ahon, nag-usap silang maghihiwa-hiwalay na kami. Mukhang iyon talaga ang plano nila. Kung hindi makakatakas ay sa tubig ang daan. Pumili lang ng babagsakan si Nilo at babanggain na tulay para masiguro na walang masasaktan isa man sa amin.

"Take care of her," si Nilo kay Silas.

Tumango si Silas at kinuha ako sa bewang. Nagtama ang tingin namin ni Nilo pagbaling niya sa akin. Wala siyang sinabi. Nanikip ang dibdib ko dahil ngayon, wala nang tanong. Alam ko na kaagad na kakampi namin siya. Na kahit hindi kami nagkasama, para sa kanya, kapatid niya ako, kuya ko siya.

Tinanguan niya si Silas at muling ibinilin ako. Magkakasama silang tatlo samantalang humiwalay kami ni Silas sa kanila. Mayroon nakaabang na bangkang de motor sa pinuntahan namin na daungan at ibinaba kami para makasakay sa mas malaki na barko. Ilan beses na ganoon ang ginawa namin. Palipat-lipat kami para siguro hindi kami masundan kahit ibang pangalan naman ang gamit namin.

"Try it."

Inabot niya sa akin ang simple na dress. Pumasok ako sa maliit na espasyo na sukatan ng damit. Nasa labas si Silas at nakabantay lalo pa't tela lang ang panabing bilang pinto. Ipinamili niya ako at ang sarili niya ng mga damit sa nadaanan naming maliit na bayan. Pagkalabas ko'y may muli kaming sinakyan. Sa huli ay napadpad kami sa malayong lugar. Puro dagat ang nakapalibot at marami ang nangingisda.

Nakasakay kami sa isang maliit na bangka at maraming pasahero na kasama. Nasa likuran ko siya at nakayakap. Ako naman ay tinatanaw ang mga tao sa hindi kalayuan na dalampasigan. Nagkakagulo sila sa mga huling isda roon. Ang mga mangingisda ay isinisilid sa isang lalagyan ang mga isda, iaabot ito sa bumibili at iaabot naman ng bumibili ang bayad. Iginilid ko ang aking ulo at nilingon si Silas. Yumuko siya at tinaasan ako ng kilay.

"Nasaan tayo?" Tanong ko at hinaplos ang buhok ko na hanggang balikat na lang ngayon at kulot.

Pinaiba niya ang ayos ko. Siya naman ay walang iniba sa sarili niya dahil hindi naman daw siya mahilig sa mga camera at hindi siya kilala ng media kahit pa mataas ang ranggo niya sa militar. Nakasuot lang siya ng simpleng damit at cap.

"Palawan," maikling sagot niya at tinanaw din ang mga mangingisda. "I should try that job. We're empty now."

Napalabi ako at muling pimagmasdan ang mga nangingisda. Wala siyang dala na pera. Mabuti at nakarating pa kami rito bago maubusan. Ang dami naming sinakyan na barko para mailigaw kung sakaling mayroon nakasunod sa amin. Habang nasa huling barko ay binilang niya ang natirang pera at sinabing gagamitin na namin iyon na pang-renta ng bahay.

"Bakit kailangan humiwalay tayo? Hindi ba pwedeng doon na lang tayo kung nasaan sila Grandpa?"

Ang sabi niya kasi'y safe sila Grandpa. Hindi ba kami maaari roon?

"We can't go there yet. Baka masundan tayo at malaman kung saan ko sila itinatago."

"Hmm..." Huni ko nang maintindihan.

Kami ang sinusundan. Kung nandoon kami'y madadamay sila Grandpa. Naitanong ko ang tungkol sa pamilya niya. Ligtas ang mga ito sa puder ni Elle. Kami ang unang susundan bago sila kaya hindi kami pwede kung nasaan ang pamilya ko at ang pamilya niya. Para rin walang madamay sa kanila.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon