The Forbidden Desires 61

60.8K 1.4K 146
                                    

(TFD) Chapter 61





I stared at my reflection through the full length mirror. I was wearing a backless black cocktail dress paired with black and gold gladiator flat sandals. Physically, I looked fine. But not emotionally.

Halos mapatalon ako sa lakas ng katok sa kwarto ko. Unang pumasok sa isip ko ay si Madrina. I nervously brushed my hair with my fingers and almost stop breathing. I don't want to go with her to Italy but do I have a choice? I feel like a princess trapped in a castle but unlike in the fairy tales, there's no prince coming for me to save me.

Pigil na pigil ang paghinga ko habang patungo sa pinto. Kapag ipinakilala na niya ako sa mga sangay niya, wala na akong kawala. Like she said, I'll be her successor whether I like it or not. Hindi na niya ako hahayaan na bumalik dito kapag nadala niya ako sa bansa niya.

Hinawakan ko ang door knob at muling humugot ng malalim na paghinga. Nagtataka ako kung bakit kailangan pa nilang kumatok gayong mayroon naman silang susi at madalas sa tuwing pupunta sila ay kusa silang pumapasok. That might be just a maid or one of her men she ordered to fetch me.

Kakaikot ko pa lang sa lock ay kusa nang bumukas iyon. Napa-atras ako at natulala. Halos maestatwa ako sa taong pumasok sa kwarto ko. Nagmamadali siyang pumasok sa loob at ini-lock ang pinto. Pagkaharap niya sa akin, doon lang ako napaniwala na siya nga ang nakikita ko.

"Silas!"

Kinain niya ang nakapagitan na distansya sa amin. Ang isang kamay niya ay maagap na pumulupot sa bewang ko para higitin ako palapit sa kanya at ang isa ay gamit pantakip sa aking bibig.

"Don't shout," he whispered.

Tumango ako habang nakatakip ang palad niya sa bibig ko. Naaamoy ko ang pamilyar na bango ng shower gel niya sa ganito kalapit. Dahan-dahan niya akong binitiwan at tinitigan sa mga mata. Inangat ko ang mga kamay ko at ikinulong ang magkabila niyang pisngi roon. Buong mukha niya'y pinasadahan ko ng tingin.

"Silas..." Nagsimulang mamasa ang mga mata ko nang mahawakan ko siya.

He stared at me intently. His eyes softened. I was quickly lost with his thick eyebrows, messy brown hair, and deep light brown eyes. I caress the small hair on his face. Siguro'y ilang araw siyang hindi nakapag-ahit. He cursed softly and licked his lips before he leaned in to kiss me hungrily.

Sabik ang mga halik niya at para bang ilan dekada kaming hindi nagkita. Walang dilang gamit ngunit madiin at nagmamadali ang galaw ng labi. Nangunyapit ako sa leeg niya at tumugon. Halos umungol ako at makulangan sa halik nang mabilis niyang putulin iyon at hilahin ako.

"Baby, we have to hurry," hingal galing sa halik siyang bumulong sa ibabaw ng labi ko.

Lumunok ako at tumango. He dropped another kisses and pulled me to the window. Maliit niyang binuksan ang tabing sa bintana. Sinilip niya ang nakapalibot na mga tauhang nandoon.

"Damn it! Where are you, Nilo?" He cursed.

"Narito si Nilo?" Tanong ko dahil akala ko'y umalis na siya.

Muli niyang isinara ang bintana. Hila-hila niya ako nang lumapit siya sa pinto. Napakurap ako at naalala ang mga tao sa hacienda at sila Grandpa.

"Silas," bulong ko bago pa niya maabot ang pintuan.

Nilingon niya ako, nagtatanong ang mga mata. Parang nahulaaan niya ang nasa isip ko kaya't bago pa ako magtanong, nauna na siyang magsalita.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon