The Forbidden Desires 07

108K 2.3K 288
                                    

(TFD) Chapter 07




Sobrang bored na bored na ako at nami-miss ko pa ang probinsya. Wala na kami sa bahay nila sa Manila at tingin ko nasa malayo rin kami na probinsya ngayon. Masiyado nga lang liblib at parang nakakatakot maglakad lakad ng mag-isa sa kakahuyan bago makalabas sa kalsada. Ibang iba sa kinalakihan ko na probinsya. Magiliw ang mga tao roon at marami ang pwede na mapagkaabalahan.

Tingnan ko pa lang ang mga nagtataasan na mga puno rito'y pakiramdam ko na napapaligiran kami ng mababangis na hayop. Hindi naman ito mukhang bakasyunan. Mas nagmumukha pa itong taguan dahil sobrang layo ng kalsada at mga bahay. Nasa gitna pa ng kakahuyan na kahit madalas mag-praktis sila Silas sa likod ay walang makakarinig na ibang tao.

"Lalabas ka ba, Kuya?"

Nasira ang pag-iisip ko nang maamoy ang kaaya-ayang bango ni Silas. It must be his shower gel. Hindi raw kasi ito gumagamit ng pabango ayon sa mga kapatid niya kapag nagk-kwento. Nasa likod pa siya kaya hindi ko siya nakikita kung hindi naaamoy ko lang.

"Mangunguha ako ng kahoy para sa fireplace. Mas lalong lalamig ang panahon sa mga susunod na araw."

Nasa sofa kami ni Neth at nanunuod ng palabas. Umikot si Silas at pumunta sa fireplace para tingnan ang mga firewood na iilan-ilan na lang. Malapit 'yon banda sa tv kaya nang mag-squat siya at abutin ang mga natira na kahoy ay hindi ko mapigilan pagmasdan ang braso at likod niya.

We are just facing his back but his demeanor is already spitting so much authority. Sumisingaw ang pagiging Silas niya. Ano pa kung lilingon siya sa akin at titigan ako? Baka hindi na ako makahinga dahil masiyadong mapag-utos ang mga mata niya. Kahit likod lang ramdam kaagad na karespe-respeto at disiplinado siyang tao. Sa bawat kilos niya parang kontrolado at alam niya ang lahat ng ginagawa.

He tilted his head to look at his sister beside me. Sa kapatid niya siya titingin, pero dahil katabi ko si Neth ay sa akin unang tumama ang mga mata niya. May chichirya na hawak si Neth at nakatutok sa pinapanuod. Ako naman ay nasa kanya ang tingin kaya nahuli nito ang paninitig ko sa kanyang likod paglingon niya.

The rage in his eyes did not escape my sight when he caught me warily staring at him. Nilakad niya ang tingin papunta sa kanyang kapatid at kunot noo na nagtanong dito.

"Are you coming with us?" He casually asks Neth but his tone is enough to give me goosebumps.

"Pwede ba, Kuya? Nami-miss ko na maglakad lakad diyan sa labas, e!"

Masigla ang katabi ko. Samantalang ako mayroon na naman namumuo na tanong sa aking isip. Is he angry? Again? Kung manitig siya parang palagi akong may ginagawa na masama sa kanya.

I swear I notice the difference in how he looks at other people and how different he is when he looks at me. Kapag iba ang kausap niya'y seryoso ang mga mata niya pero hindi malamig katulad sa tuwing nagtatama ang tingin namin. His eyes were always serious and cold towards me. Sometimes, with a shadow of anger and irritation. There was also a time when he would look at me annoyed even when I was doing nothing.

Hindi niya na ba maitago ang sobrang pag ayaw niya sa akin? Walang nakakapansin sa pamilya niya pero ang babae na tingin ko ay kaibigan niya, nakakahalata na. Nagtataka siya na napapatingin kay Silas at ngingitian ako. Katulad ngayon, hindi ko napansin ang babae na nakaupo na pala sa pang-isahan na sofa sa gilid ko. Nakita ko lang siya nang mag-iwas ako ng tingin kay Silas at masalo ng babae ang mata ko. Nakahanda ang maliit na ngiti niya sa akin at naroon ulit sa mata ang pagtataka. Siguro marahil ay nahuli na naman niya kung paano ako tingnan ni Silas.

"We should all go outside!" Mungkahi ng babae.

"Oo nga, Kuya! Isama natin si Athena!"

Napabaling ako kay Neth at muling inilipat ang tingin kay Silas na nagsisimula nang mairita na naman.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon