The Forbidden Desires 65

65.8K 1.5K 122
                                    

(TFD) Chapter 65


AT napilit na nga nila ako. Si pipay, nakahawak pa sa braso ko't hila-hila ako para salubungin ang bangka nila Silas. Sila ni Isme ang kasama kong maglaba noon. Isang linggo na kami rito ngunit ngayon ko lang siya naisipan na puntahan.

Malayo pa ang bangka nila'y agaw pansin na ang kakisigan niya habang nakaupo sa dulo ng bangka. Nakalaylay ang isang paa niya pabagsak sa tubig dagat at ang isa pa ay nakatungtong sa bangka. Nakabaluktot iyon at nakapatong sa tuhod ang isa niyang braso. Ang isa niya pang kamay ay nakatukod sa kanyang likuran bilang suporta upang hindi siya mapahiga habang nakatingala siya't pinapanuod ang mga nagliliparang mga ibon sa langit. Nakaawang ang mapulang labi niya. Medyo kunot ang noo at nanliliit ang mga mata dahil sa kaonting sinag ng araw.

"Ang gwapo!" Si Isme na may kasamang paghampas sa braso ko.

Napanguso ako at pinigilan na mapangisi. Kahit kasi lumang kamisa de chino lang na suot sa pangingisda ang damit niya'y para pa rin siyang naka-pose para sa isang exclusive magazine.

"Ayan na si Charlotte! Naglalaway na naman!"

Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy nilang babae. Hindi naman mapait ang pakiramdam ko pero kuryuso rin ako sa itsura nito. Maputi at maganda siya, ibibigay ko na sa kanya iyan. Mahaba ang buhok at kulot ang dulo. Halatang hindi natural at sinadyang kulutin iyon. Nahaplos ko ang aking buhok na pina-iklian. Ang buhok ko noon ay natural na itim, mahaba, at maalon ang ilalim. Ngayon ay lagpas na lang ito ng kaonti sa aking balikat.

Hindi pa tuluyang nakakadaong ang bangka ay nagsi-lapitan na ang mga namimili. Isa na nga roon ang babae at base sa kwento nila'y alam ko na kung sino ang lalapitan nito.

"Kung maghintay si Charlotte akala mo naman asawa siya!" Umismid ang katabi ko.

Walang kahirap-hirap na tumalon si Silas mula sa dulo ng bangka. Nabasa kaagad ang kalahati sa pantalon na suot niya. Nakangisi siya sa mga kapwa mangingisda at nagsimula nang i-alok ang mga huli nila. Ang kay Silas, hindi na kailangan i-alok. Kasi hindi pa man niya inaalok, may buyer na.

"Lapitan mo! Lapitan mo!"

Tinulak ako ni Pipay na inilingan ko. Gusto kong makita kung ano ang gagawin niya kaya nanatili ako sa malayo at pinagmasdan siyang lapitan ng babae.

Walang nakabakas sa mukha ni Silas na malisya ngunit hinayaan niyang hawakan siya nito sa braso. Inangat niya kasi ang isda at pinakita rito. Ang babae naman ay ayaw hawakan ang isda kaya't sa halip na isda ang hawakan ay ang braso ni Silas ang hinawakan niya.

Nginitian ni Silas ang babae at mukhang mayroon pang sinabi para kunin na nito ang lahat ng huli niya. Mayroon kasama ang babae at iyon ang nagbayad kay Silas. Hindi pa rin nito binibitiwan ang braso niya.

Napanguso ako at pinanliitan siya ng mga mata sa direksyon niya. Parang alam ko na ang ginagawa niya. Nakangiti siya at nakikipag-usap ng maayos. Damn him! He's using his charm!

Alam ko naman na hindi niya papatulan ito pero nakakaselos din pala kapag may ibang babaeng humahawak sa braso niya. Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad palapit. Kasunod ko sa aking likuran ay sina Pipay at Isme. Habang papalapit ako'y lalong nanliit ang mga mata ko nang marinig ang usapan nila.

"Kaarawan ng kuya ko. May ilan sa mga taga baryo ang pupunta kaya baka gusto mong sumama?" Malambing ang boses ng babae. Nanatili ang hawak nito sa braso ni Silas habang kinakausap ang huli.

Mahinang tumawa si Silas at maagap iyon na tinanggihan. Naibigay na niya ang lahat ng isda sa kasama nang babae at balak na siguro niyang magpaalam. Subalit nanatili ang hawak nito sa braso niya. Ayaw siyang pakawalan.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon